Panimula

31 2 0
                                    

Tula

Binubuo ng mga letra at salita,
Ngunit kulang kung wala ang nadarama.
Kulang kung walang istorya,
Istorya sa likod ng bawat salita.

Ang bawat salita ay may tinatago,
Kaya isinatula ay kasi hindi madiretso.
Ang mga salitang hindi masabi,
Mga damdaming isinusulat at isinisipi.

Isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin.
Bawat salita'y ikaw ang babanggitin.
Ang tulang ito'y para sa'yo.
Ang mga tulang ito'y bahagi ng kwento mo.

Lahat ng tulang naririto'y sa akin at hindi kinuha sa iba. Paalala lamang na hindi ako bihasa ngunit pipilitin ko, kadalasan ay kung ano lang ang maisip ko 'yon na ang inilalagay ko kaya pasensya na kung may pagkakamali man. Salamat!

ABAKADIKANAMAHAL
© Jacob_Yoon

ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon