#3 Mali
Sila ang tinitingala ng karamihan,
Bagay sila, laging pinagtitinginan.
Kasama ako na s'yang hinuhusgahan.
Kasalanan ko ba'ng ako'y isang kaibigan?Kaibigan na gusto s'ya,
pero bawal kasi may mahal s'yang iba.
Pero isang araw, 'di ko napigilan.
Udyok ng damdamin, bigla ko s'yang hinalikan.Tinulak, ngunit mahal rin pala.
Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?
Ngayon mo lang napagtanto na mahal mo ako?
Pero bakit 'di mo sinabi, naghihintay ang puso ko.Pero nakalimutan ko, lalaki nga pala tayo.
May kasintahan ka pang babae na gusto ng mga tao.
Oo nga pala, sa tingin mo nga pala mali ako.
Kasi 'di ako babae, kahit ako ang mahal mo!
BINABASA MO ANG
ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]
PoetryAng salitang "pagmamahal" ay may kakambal na "masaktan". Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Iniwan, Napagod, Nagsawa, Pinagsawaan, Pinagpalit, Naging Martyr o kahit ano pa 'yan basta't nagmahal ka. Kung oo, para sa'yo at sa puso mo ang librong i...