Huling mga Salita

19 1 0
                                    

#11 Huling mga Salita

Inaalala ko ang mga salitang narinig mula sa'yo,
tila isang musika ang mga ito sa pandinig ko.
Pero hindi ko na pala maririnig ang mga sinabi mo,
Iyon na pala ang huling mga salitang maririnig ko mula sa'yo.

Dito na magwawakas ang kwento,
ito na ang huling beses na maririnig ko ang tayo.
Ito na ang wakas ng kabanata mo sa nobela ko.
Kaya paalam na mahal ko.

ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon