#7 Pelikula
Ang kwento na binuo nating dalawa maaring isa-pelikula.
Hindi pang-karaniwan ang pagtatagpo maging ang dulo nito.Gaya sa pelikula ay may maayos na simula,
Maayos naman tayo sa simula 'di ba?
Masaya at walang katumbas na ligaya.Ngunit, narating natin ang gitna.
Ang gitna na puno ng mga problema.
Pero mananatili ako, kasi nanatili ka.
Kasi alam ko na kakayanin nating dalawa.Pero lahat ng bagay ay may dulo,
kapag may nawala may luhang tutulo.
Pero kahit ilang beses masaktan ang puso,
ikaw pa rin ang pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]
PoesíaAng salitang "pagmamahal" ay may kakambal na "masaktan". Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Iniwan, Napagod, Nagsawa, Pinagsawaan, Pinagpalit, Naging Martyr o kahit ano pa 'yan basta't nagmahal ka. Kung oo, para sa'yo at sa puso mo ang librong i...