Inaalala Kita

18 1 0
                                    

#4 Inaalala Kita

Hindi ako dinadalaw ng antok kasi inaalala kita,
Inaalala ko ang bawat salitang 'yong tinuran.
Inaalala ko ang iyong boses na kay sarap pakinggan.
Inaalala ko magpa-hanggang ngayon ang mga pangako mo'ng patuloy kong inaasahan.
Inaalala kita kahit ni minsa'y pangalan ko'y 'di sumagi sa 'yong isipan.

Inaalala kita kahit alam kong 'di mo naman ako naaalala.
Inaalala kita kahit alam ko'ng masaya ka na sa piling n'ya.
Inaalala kita kahit ang minamahal mo'y iba na.

Inaalala kita dahil mahal kita.

ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon