Ikaw ang Nag-iisang Bulaklak

23 1 0
                                    

#10 Ikaw ang Nag-iisang Bulaklak
Inspired by: IKAW by Nicco Manalo

Habang ako'y naglalakad sa hardin,
ikaw ang natatanging tumawag sa aking pansin.
Ang isang kulay lila na bulaklak ang kakaiba,
kaya't nilapitan ko ito at ako'y namangha.

Maiinggit ang bukang-liwayway,
sa kagandahan nitong taglay.
Ang mabangong halimuyak,
natatalo ang ibang bulaklak.

Pinitas kita dahil naakit ako.
Inalagaan ka nang buong puso.
Ngunit 'di rin nagtagal ay nalanta,
kahit 'di naman ako nagkulang pagpapahalaga.

May mga bagay talagang hindi para sa atin at para sa iba.
Kahit anong gawin mo, mawawala at malalanta.
Kahit anong pilit mo ay may dulong naghihintay.
Kahit anong laban mo, walang magiging saysay.

ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon