#12 Hindi ba kayo napapagod magmahal? {Creative Storytelling}
Hayaan mong mag-kwento ako,
minahal ko ang isang taong nagpapasaya ng puso ko.
'Yong tipong kapag nakikita ko ang larawan ng kanyang mukha ay tumatalon ang puso ko,
pero ano bang mali sa ginawa ko?Ngayon ko lang napagtanto na kahit kailan hindi ako napili,
Sa lahat ng nariyan, ako lagi 'yong pang-huli.
Kaya kahit minsan 'di ko na inisip na maging una,
'Di ko na pinangarap na mahalin ng iba.Doon nagsimula 'yong pagod, 'yong takot ko na magmahal.
Kinakabahan ako kapag may taong nariyan kaya't nauutal-utal.
Matagal na rin pala mula noong naranasan ko na maging masaya.
Maging masaya sa pag-ibig na ako lang pala mag-isa.
Maging masaya sa kwento na ako lang ang bida.Napagod akong mangarap ng isang pag-ibig na masaya.
Napagod akong mangarap ng isang taong sa akin ay magpapahalaga.
Napagod akong maniwala na may pag-ibig talaga.Naging paborito ko pa nga ang mga istoryang laging hindi masaya ang dulo.
Kasi pakiramdam ko 'yon ang reyalidad ng mundo.
At ngayong naguguluhan ako ay mahirap na,
paano pa kaya kapag nakilala ko pa ang sarili ko 'di na?Hahayaan ko na lang na dalhin ako ng tadhana sa kahit sino,
basta yung mamahalin ako ng buo.
BINABASA MO ANG
ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]
PoetryAng salitang "pagmamahal" ay may kakambal na "masaktan". Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Iniwan, Napagod, Nagsawa, Pinagsawaan, Pinagpalit, Naging Martyr o kahit ano pa 'yan basta't nagmahal ka. Kung oo, para sa'yo at sa puso mo ang librong i...