(sorry if wala 'to sa format, gusto ko lang mag-let out ng feelings.)
Naranasan mo na ba na parang lahat ng tao ay na-ekisan mo na?
'Yong pakiramdam na hindi mo alam kung magtitiwala ka pa ba?
Kasi kahit anong maamong mukha, kahit anong magagandang salita...
Hindi mo alam kung sinisiraan ka n'ya sa iba.Sa buong buhay ko lagi akong tinatanggihan.
Wala man lang akong naging kaibigan na nandyan.
'Yong tipong hindi ako iiwan, 'yong pangmatagalan.
Kaya napagtanto ko na baka ito ang sa akin ay nakalaan.Baka ako lang mag-isa, ginawa ako para sa sarili ko.
Kasi ni isa wala man lang naging totoo.
Kaibigan lang ako para sa emosyon at talino.
Ako ang nag-simula pero ako rin ang naiwan sa dulo.Ang hirap sa pakiramdam na mag-isa ka.
Wala ka nang tiwala sa lahat, dahil kinulong mo na yung sarili mo sa selda.
Selda ng kalungkutan, sa rehas ng mga luha hindi na makawala.
Kaya ngayong mag-isa, ang sarili ko siguro muna.
BINABASA MO ANG
ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]
PoetryAng salitang "pagmamahal" ay may kakambal na "masaktan". Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Iniwan, Napagod, Nagsawa, Pinagsawaan, Pinagpalit, Naging Martyr o kahit ano pa 'yan basta't nagmahal ka. Kung oo, para sa'yo at sa puso mo ang librong i...