Tuwang-tuwa ako mahal, sa tuwing gigising sa umaga.
Ngingiti na lang bigla kapag nabasa ko ang iyong mga salita.
Mga simpleng tanong na nagpapakita kung gaano ako kahalaga,
Salamat sa paghihintay nating dalawa.Hindi ko alam kung dapat bang malungkot, kung sakaling hindi nakapag-uusap ng matagal.
Dahil ang oras natin ay hindi nagtatagpo mahal.
May ginagawa ka, abala ako, ngunit sa dulo ng gabi,
Sabay tayong magbabasa ng mga mensahe sa isa't isa at ngingiti.Ngunit, hindi ko alam kung hanggang saan ang paghihintay mo.
Sigurado na akong aalis at hindi ko alam ang magiging takbo ng mundo.
Makapaghihintay pa ba ang dalawang pusong malayo?
Mahihintay mo pa kaya ako?Sinabi mo na hangga't babalik ako ay maghihintay ka.
Ngunit sinabi mo rin na bahala ako 'di ba?
Hindi ko naman alam ang plano ng tadhana.
Isa lang ang sigurado ako, at yon ay mahal kita.Mahal kita ngayon, at bukas lalaban akong minamahal ka.
Hangga't may lumalaban sa ating dalawa,
Hangga't mahal ang isa't isa,
Walang magagawa ang panahon at distansya.Pero kung malayo ako,
At hindi ka na nakapaghintay.
Uuwi ako, kanino
Kung ano tahanan ko'y natangay.
BINABASA MO ANG
ABAKADIKANAMAHAL? [Mga Tula tungkol sa Pag-Ibig]
PuisiAng salitang "pagmamahal" ay may kakambal na "masaktan". Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Iniwan, Napagod, Nagsawa, Pinagsawaan, Pinagpalit, Naging Martyr o kahit ano pa 'yan basta't nagmahal ka. Kung oo, para sa'yo at sa puso mo ang librong i...