30

64.2K 1.1K 104
                                    


"Ayaw  ko nga" I rolled my eyes. Pinigilan ko ang pagtawa ko nang makita ang pagkagulat ng mukha niya. 




"Oh okay, I will wait until you're  ready"  he said, defeated. Mukhang malungkot siya.




"Hindi mo 'ko pipilitin?" tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.  Tinignan niya ako, naguguluhan ang ekspresyon. "I'm joking, slide the ring already" Inabot ko ang kamay ko sakanya para mailagay na ang singsing. Lumiwanag naman ang mukha niya at dali daling sinuot ang singsing sa 'kin. I have ring on both hands now. 




"Am I your fiancee or your wife?" natatawang tanong ko. 




"Both"  he said and leaned closer to me to give me a soft kiss. I gently pushed him to part himself from me when the people surrounding us started to clap. Gosh, nakalimutan kong marami palang tao. 




"Kailan tayo ikakasal?" I asked out of curiosity while he's busy rowing the boat. Did he planned it already o pag-uusapan palang namin? Gosh, it still feels surreal!





"Why are you asking? Are you excited?" he asked and bit his lower lip. 




"Not that much" I said and looked away so that he can't see me blushing. He's enjoying this conversation huh? Gustong gusto niyang nakikita kung gaano ako nananabik pagdating sakanya.




"Uhm I... w-wanted a beach wedding before" I confessed and played with my fingers getting shy about it. I wanted a beach wedding and I guess I still want to have a beach wedding until now.




"Whatever you want, love" he said in a soft voice and held my hand. "You decide" 




Kanina ko pa kinakagat ang ibabang labi ko para pigilan ang malawak na pagngiti. Sobrang saya ko ata ngayon! Well, I really want a normal wedding, kahit simple lang. What matters is Iove the man I'm going to marry and he loves me, pero hindi ko naman nakuha 'yon. I know Ian hated me because of that wedding and even left a scar on my lips for days because of that rough kiss! I hate him!




"Why do you look so grumpy?"  he asked when he entered the car. Naalala ko lang kung gaano kasakit yung labi ko non!




"You hurt my lips when you kissed me on our wedding you know? My poor lips" I said and even pouted to emphasize that we're talking about my lips.




"Oh, I'm sorry" he apologized sincerely.




Linagay niya ang isa niyang kamay sa headrest ng shotgun seat kung saan ako nakaupo ang isang kamay naman niya ay hinawakan ang pisngi ko. His thumb touched my lips gently before leaning closer to me, to give me a kiss. He kissed me softly and slowly as possible.  He parted just and inch away from me. 




"I'm sorry for hurting these healthy lips of yours. Now I'm getting addicted to it, I can kiss it all day" he said while caressing my lips with his thumb and looking at it intently. He gave me a smack kiss before distancing himself away from me.




Nagmaneho na siya pagkatapos non. Phew, pinagpawisan ako doon. Nag-init tuloy ang pisngi ko kaya tumingin na lang sa labas ng bintana.  Hindi pa naman namin susunduin si Lia kaya pumunta kami sa building nila.




"Bro nandyan Dad mo, hindi mo pa raw napipirmahan yung mga pinapaasikaso niya" salubong sakanya ni Luis, kinakabahan ang mukha. Kinabahan din si Ian kaya hinatak niya na ;ko papunta sa office niya.




"Dad, what brings you here?" Ian asked, there's a hint of nervousness in his voice. Lumapit siya sa 'min kaya hinawakan ni Ian ang balikat ko at nagtago sa likod ko. 




"You left your job here to flirt you rascal" seryosong sabi ni Dad at pabirong hinampas ng folder si Ian. May narinig kaming tumawa mula sa labas ng office kaya napatingin si Ian doon.




"Dash, Luis, stop eavesdropping or else I will kick your ass out of this building!" pananakot sakanila ni Ian kaya tumahimik sa labas. Hinarap niya na ulit ang dad niya para kausapin "Dad I'm busy these past few days okay?" he calmly said. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papunta sa swiveling chair niya tsaka niya ako pinaupo doon siya naman ay umupo sa armrest. 




"Busy from what?" pinagtaasan siya ng kilay ng dad niya. 




"From planning how to propose" Ian said and took my hand to show the ring to him. He looks surprised about what he heard while Ian looks proud. 




Napahawak ako sa ulo ko nang nagmamadaling pumasok sina Dash at Luis para lapitan si Ian.




"Bro, bakit hindi mo sinasabi?" tanong ni Luis sakanya, he looks betrayed. 




"Basta flower boy ako" mayabang na sabi ni Dash.




"Shalian, mali ko noon na ipinakasal kita sa siraulong anak ko. Don't repeat the same mistake, tumakbo kana habang maaga pa"  Pagbibiro ni Dad kaya sinamaan siya ng tingin ni Ian.




"I would love to run away.." I said and looked at Ian's eyes, his brows are already furrowed "But I'm afraid I can't easily run away from this jerk here" I stated and hugged his waist sideward. 




"Respeto naman"  Sabi ni Dash at tinakpan ang mga mata para hindi kami makita.




"So kailan ang kasal?" tanong ni Luis kaya natikom ang bibig ko. Ang bilis naman, agad agad?




"It's up to her" Ian said that made me glanced up to him again, he's already looking at me. "Kung ako lang ang tatanungin, I can marry her right now"  nakangiting sabi ni Ian nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. 




"Let's give him a round of applause"  sabat ni Dash at nagpalakpakan naman sila, pati si dad.




"Finish your work young man" Daddy Erick said before stepping outside the office. Naiwan na kaming dalawa ni Ian kaya tumahimik ang paligid. 




"Finish your work" Inulit ko yung sinabi ng dad niya at tumayo mula sa upuan para doon magtrabaho. Nagphone lang ako sa sofa para hindi siya maabala. Nakatuon lang ang atensyon niya sa binbasa niya at paminsan minsa sumusulyap sa 'kin.  Napako lang ang tingin niya sa 'kin nang may magcall. 




[Malapit na birthday ni Kianna oy!] bungad niya kaagad. Kailan kaya mawawalan ng sigla ang taong 'to?




"Oo nga, balak kong pumunta dyan"  




[Surprise natin bago yung mismong party?]  he suggested. Last time they surprised me, gusto ko rin siyang isurprise. 




"Sige, itext mo nalang kung anong plano"  pinatay ko na ang tawag pagkatapos non. Napaatras ako nang mapansing nasa tabi ko na pala si Ian. 




"Sino 'yon?" tanong niya. Hindi naman siya galit, gusto niya lang talagang malaman. 




"Secret" pang-aasar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Biglang nag iba ang ekspresyon niya, nginisian niya naman ako ngayon.




"I trust you and besides.."  tumigil muna siya sa pagsasalita at linagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya tsaka humiga sa binti ko. " Sa 'kin ka naman ikakasal"  Nagyayabang na sabi niya.  Ang proud niya doon ah.




"Birthday ni Kianna next Saturday, pupunta ako roon"  pagpapaalam ko.




"Sama ako" parang batang sabi niya. Pinayagan ko siya, gusto ko rin sabihin kina Kianna na ikakasal kami ulit e




Days went by smoothly. Masaya si Lia nang sabihin namin sakanya na ikakasal kami ulit ng daddy niya. Pinuntahan din namin sina lola para ipaalam  at hindi maitatago ang tuwa sa balita. Ganon din ang tuwa nina mommy at Alexi, pinipilit pa 'ko ni Alexi na sasama siyang pipili ng gown ko. 




"Ano pong gusto niyong kulay ng background?" tanong nung organizer.




"Anong gusto mo hubby?" tanong ko at tinignan si Ian. 




"It's up to you" he just shrugged and sipped on his coffee. Kumulo ang dugo ko sa inis! Wala ba siyang pakialam sa kasal namin?




"Ikaw nalang magdecide miss" sabi ko sa organizer. Humalukipkip ako at padabog na sumandal sa upuan.




"Is there a problem?" bulong sa 'kin ni Ian pero hindi ko pinansin. 




"I'm letting you choose because I want it to be your dream wedding wifey" he explained and put his arm on my shoulder.




"But it's our wedding, it's not only mine. I want it to be your dream wedding too " I reasoned out. We both didn't enjoyed our wedding, it's now our chance to choose for ourselves tapos ako lang papapiliin niya?




"It's my dream wedding because you're my bride. I only want a wedding with you in it"  I pouted because of what he said.  He leaned closer to me and stop only an inch away from my face. He was about to kiss me when the organizer fake coughed. Hindi ko man lang napansin ang presensya niya. That's awkward. 





Nung Saturday na, maaga kaming umalis dahil balak naming surpresahin si Kianna ng lunch time. Nakatulog ako sa byahe habang si Lia sinasabayang magkanta si Ian. Pagkagising ko, malayo layo pa kami kaya nagdrive thru muna. Si Lia kinukwentuhan kami ng daddy niya habang kumakain siya.




"Lia" pag aagaw ko ng atensyon ni Lia. Sinenyasan ko siya na lumapit kaya lumapit siya. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya, ang dungis niya na. 




"Dyan nalang" turo ko sa harapan ng bahay ni Rave, doon kasi gagawin.




"Rave!" tumakbo ako sakanya para sabunutin ang buhok niya. 




"Aray! bakit ba ha?" mukha siyang siga sa kanto




"Bakit mo naman sinabi kay Kianna 'yon ha? Hindi ko naman makakalimutan ang birthday niya" pakikipagtalo ko.




"Strategy tawag don" inirapan niya ako at nag ayos ng mga lobo. 




"Can I help?" sumulpot si Ian sa gilid ko.




"Hindi kaba napagod sa byahe? Matulog ka muna doon" I suggested but he shook his head. 




"I want to help" he insisted. Sinabihan ko siya na tulungan nalang si Rave na mag ayos ng decorations habang ako tumulong sa mga pagkain. Nang pumunta ulit ako sa sala, kumunot ang noo ko nang makita sina Ian at Rave doon. 




"Kalmahan niyo lang, bakit ba kayo nagmamadali?" tanong ko sakanila. Parang nakikipagpaligsahan kasing magpalobo ng mga balloons. Hindi nila ako pinansin at mukhang seryosong seryoso sila sa ginagawa nila. Nagtinginan sila nang may isang  balloon nalang na hindi pa napapalobohan. Nag unahan pa silang kunin 'yon at pinag-agawan pa nga. Napailing nalang ako, parang bata sila.




"Hoy tama na 'yan" kinuha ko sakanila at ako na lang ang nagpalobo kaso napasobra yung hangin kaya pumutok sa kamay ko. Namula tuloy.




"Ayos ka lang?"




"Are you okay?" 




Ayan na naman, sabay na naman  silang nagtanong.




"Patingin nga" kinuha ni Rave ang kamay ko kung saan namumula.




"Let me see" Inagaw ni Ian ang kamay ko mula kay Rave.




"Kalma lang kayo, mawawala rin ang pamumula nyan" hinila ko na ang kamay ko at tumayo para bumalik sa kusina. 




"Lia, be careful with those balloons" sigaw ko galing sa kusina nang nakitang naglalaro ng mga lobo si Lia. 




Nang mahanda na ang pagkain, tinawagan na ni Rave si Kianna. Nakaloud speaker pa para marinig namin ang reaksyon ni Kianna




"Kianna sorry" panimula ni Rave.




[Huh? Bakit?] mukhang kinakabahan na si Kianna sa tono ng boses niya.




"Nadelete kasi yung mga pictures, yung kinuha natin sa Boracay. Pumunta ka muna sa bahay ko, baka nasa ibang files lang okaya baka pwede pang mabalik" nagkunwaring malungkot si Rave kahit tawang tawa na siya.




[Huh?! Tanga ka kailangan na 'yon next week! mapapagalitan tayo kay Dad nyan e! Ravien naman!]   pasigaw na sabi niya bago pinatay ang tawag. Mukhang galit na talaga siya.




Hindi ko na mapigilan ang tawa ko kaya gusto kong mandamay. Kinuha ko ang kamay ni Ian at kinagat 'yon. Halatang gusto niyang sumigaw at napapikit nalang nang mariin.




"Kayong bahalang magpaliwanag kay Kianna, bahala kayo!" bakas ang takot sa mukha ni Rave bago padabog na umupo sa sofa. Kawawang bata, siya ang mapag-iinitan nito. 




"Rave" pag agaw ko ng atensyon niya. Liningon niya ako at hindi nagsalita, hinihintay ang susunod na sasabihin ko. Naglakad ako papunta sakanya at umupo sa tabi niya.




"Invited ka sa kasal ko ah" nakangiting sabi ko sakanya. Tumango lang siya at hindi nagulat sa sinabi ko. Mukhang inaasahan niya na.




"Alam mo na ba?" tanong ko




"Nakita ko sa daliri mo" tinuro niya ang singsing ko. "Congrats" masayang bati niya.




"Ikaw, may girlfriend kana ba?" pag-iiba ko ng topic.




"Walang girlfriend, magiging girlfriend meron. Kaso masungit e" Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi man lang sinabi sa 'kin kung sino?




Natigil ang pag-uusap namin nang pumasok si Owen at sinabing andyan na si Kianna. Pinatay namin ang ilaw at kinuha ko ang cake. Sinindihan naman kaagad ni Ian ang kandila ng cake. 




"Happy Birthday!" 




"Fucking shit!" sigaw niya sa gulat. Nang marealized niya kung ano ang nangyayari, kaagad niyang pinuntahan si Rave at piningot sa tenga. "Walang hiya ka talaga pinakaba mo 'ko" 




"Si Shalian ang may pakana" tinuro ako bigla ni Rave kaya nabaling sa 'kin ang tingin ni Kianna. Kaagad siyang tumakbo sa 'kin at alam kong yayakapin niya ako kaya binigay ko muna kay Ian ang cake para salubungin ang yakap niya. Muntikan pa kaming nag-iyakan




Pagkatapos mag wish ni Kianna, kumain na kami. Nang matapos ng kumain si Ian, sinabihan ko siyang matulog sa guest room ni Rave kasama si Lia. Mukhang inaantok pa sila. 




"Kianna, ikakasal ako ulit" sabi ko at itinaas ang kamay kong may engagement ring. Nagulat siya pero mas nangibabaw ang saya sa mukha niya. Namilit siya na kasama ko siyang pipili ng wedding gown. 




Nagstay kasama namin si Kianna hanggang 4pm dahil may birthday party pa siya. Pupunta rin kami doon kaya ginising ko na sina Ian para makapagready na. Sabay sabay kaming umalis nina Rave, magkakaibang sasakyan nga lang. Sabi ni Kianna pwede naman daw isama si Lia dahil hindi naman daw puro alak doon.




Nagulat ako nang makita si Luis doon pero hindi ko nalang pinansin dahil baka kaibigan lang ni Kianna. Binati ko ang mga kakilala ko at pinakilala sina Ian at Lia. Nagulat sila pero mukhang masaya naman sila para sa 'kin.




"Ang gwapo naman!" tili ni Trina habang pinagmamasdan si Ian. 




"Single ba ang asawa mo Shalian?" pagbibiro naman ni Chloe. Nakipagbiruan muna ako sakanila bago hinila si Ian paalis doon. Baka maagawan pa ako ng asawa.





"Daddy, I want juice" Lia said. Pinakuha ko sila ng juice sinabing hihintayin nalang sila sa table namin. 




Habang nakaupo ako, biglang may lumapit na pamilyar na lalaki sa 'kin. Oh shit, isn't he the same guy I rejected a year ago?




"Hi, long time no see miss" he started and sat next to me. Linagay niya ang kamay niya sa sandalan ng upuan ko kaya nagmumkhang nakaakbay sa 'kin. 




"Excuse me, it's misis" I said. I was about to raise my hand to show him my wedding ring but I forgot I didn't wear it. Ang suot ko lang ay ang engagement ring. 




"You're still not married, you're just engaged" he said and plastered a smirk. Just? What the hell was that? 




"Excuse me mister, can I ask why are you talking to my wife?" I glanced up to see Ian's grim expression.




"Oh I'm sorry" Yun lang ang nasabi niya bago nagmadaling umalis. Mukhang narealized niya na may anak na 'ko dahil buhat buhat ni Ian si Lia. 




Nang makaalis yung lalaki, umupo kaagad si Ian sa tabi kon at kinandong si Lia. Tinakpan niya ang mata ng bata bago lumapit sa mukha ko para mahalikan ako. 




"Who's that?" he asked and raised a brow.




"It doesn't matter" I just shrugged. 




"I asked who" he urged me to say it.



"He confessed to me back then but I rejected him. Employee nila Kianna kaya lagi akong nakikita. Hindi ko man nga alam ang pangalan non e" pagdedepensa ko. Kumunot ang noo ko nang umirap siya. 




"Say something to stop me from being jealous" he commanded me. Aba nang-uutos! Tutal uto uto naman ako kaya sige.




"Lapit ka may ibubulong ako"  utos ko at linapit niya naman kaagad ang tenga niya.




"Closer"  utos ko ulit kaya linapit niya pa lalo. 




"I'm only yours"

Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon