38

45.3K 1K 264
                                    

"Bakit ganon ang reaksyon ni Denice?" Tanong ni Yuna pagkapasok niya sa office. Hindi man lang kumatok.


"Don't mind her" Ian just shrugged.



Lumayo muna siya sa 'kin at lumapit sa isang drawer malapit sa clothing rack. Kumuha siya ng black dress shirt at lumapit ulit sa 'kin. Sinimulan niya nang tanggalin ang red necktie niya. Hindi niya pa man natatanggal ay tumigil siya at humarap sa ibang direksyon kaya napasunod ako. Pinagtaasan ng kilay ni Yuna si Ian, parang nagtatanong kung bakit ito nakatingin sakaniya.



"Privacy please" Ian said.



"Ang arte mo, parang hindi ko pa naman nakita" Yuna chuckled. Kaagad na bumaling ang tingin sa 'kin ni Ian, nagpapaliwanag na ang mukha kaya pinagtaasan ko rin siya ng kilay at ngumiti ng sarkastiko para lalo siyang kabahan.



"Just get out" seryosong sabi ni Ian kaya tumayo na si Yuna para lumabas.



"Uh.. I was drunk and she helped me dress up" He immediately explained. Wala pa naman akong tinatanong.



"Walang nangyari?" Seryoso ko siyang tinignan.




"Wala. I swear" He said and raised his right hand. Tumango ako at hinayaan siyang magbihis.



Nang mabutones niya na ang dress shirt niya ay lumapit siya sa 'kin at inabot ang necktie niya.



"Saan ka pupunta?" Tanong ko dahil bihis na bihis siya.



"May biglaang business meeting kami. Iiwan muna kita sa bahay para may kasama si Lia. Hindi ko alam kung makakauwi ako ngayong gabi dahil medyo malayo yung location" he informed me while I'm tying his necktie.



Tulad ng sinabi niya, sinundo muna namin si Lia pagkatapos ay binaba niya na kami sa bahay.



"Baka hindi ako makauwi" Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. Tumango ako at hinalikan siya nang mabilis sa labi bago pumasok sa loob ng bahay.



Kakapasok ko palang sa bahay ay kinulit na kaagad ako ni Lia para maglaro.



"Do you have homeworks anak?" Tanong ko sakaniya. Umiling siya at tuluyan na 'kong hinatak kung saan nakalagay ang mga laruan niya. Hindi pa siya nakakapagbihis, naglaro na siya kaagad.



"Where's daddy?" Lia said in a cute voice while we are eating dinner. Luminga linga pa, hinahanap ang daddy niya.



"May important lang siyang inasikaso love"  I said to her.



"Where?" Tanong niya ulit. Napaisip tuloy ako. Hindi niya naman sinabi sa 'kin kung saan siya pupunta.



"Let's call him nalang later"  Saad ko para ituloy niya na ang pag-kain niya.



Binilisan ni Lia ang pag-kain niya at kaagad na nangulit para tawagan ang daddy niya. Dinial ko ang number ni Ian at naka loud speaker para dinig naming dalawa ni Lia.



[Hello?] tanong ng babaeng hindi pamilyar sa 'kin ang boses.



"Pwede bang ibigay mo kay Ian yung phone?" Kalmadong tanong ko.



[He's talking to someone outside e, ibigay ko nalang kapag pumasok na siya sa hotel room] Ang arte niyang magsalita! Naiinis ako!



"Dibale nalang" I rolled my eyes before ending the call.



"Mommy what happened? Who's that?"  inosensteng tanong ni Lia.


"Ewan ko rin sa daddy mo. Tawagan nalang natin siya mamaya" sabi ko kay Lia kahit wala akong balak tawagan siya ulit.



Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon