Special Chapter

31.4K 491 52
                                    

-Shalian-

"Mommy I have homeworks" Lia pouted and showed me her books full of questions. Abala sa pag aaral si Lia habang si Zandro naman ay nilalaro ang mga robots niya.

Tutulungan ko na sana si Lia na nagmamaktol dahil sa mga homeworks niya nang dumating ang magaling niyang ama. Tumayo si Lia at mabilis na tumakbo papunta kay Ian para magsumbong.

"Daddy look oh! Ang daming pinapagawa sa 'min mas marami pa kaysa sa tinuro!" Reklamo ni Lia habang pinapakita ang mga libro at nakakunot ang noo kaya mapapansing magkamukha sila ng Daddy niya.

Maiinitin ang ulo.

"I can help you with your homeworks" Sagot ko sakaniya. Magtatampo na ata ako dahil lagi nalang si Ian ang nilalapitan. Matalino rin naman ako ah?

"It's science and math mommy" she said teasing me. Masyado akong minamaliit ng batang 'to ah? Parang hindi ako ang nagluwal.

"We both know who's smarter my love" pagmamayabang ni Ian at kinindatan pa ako ng siraulo.

"Anong ibig mong sabihin?" Pinagtaasan ko siya nang kilay na nakapagpabago kaagad ng reaksyon niya.

"We both know who's smarter and we both know it is you" pagliligtas niya sa sarili sa binit ng walang pagkakalat mamayang gabi.

At ayun na nga at nagsanib pwersa na ang mag ama. Mabilisang tinulungan ni Ian at pinaintindi kay Lia kung ano ang hindi niya maintindihan.

Nakapaghanda na ako kanina pa nang makakain na kami karating ni Ian dahil alam ko namang pagkauwi niya ay gutom siya at tama nga ako dahil mabilisan niyang nilantakan ang pagkaing niluto ko.

Kung gaano kasiglang kumain si Ian kabaliktaran naman niya ang mga bata dahil maraming gulay ang nilagay ko sa mga plato nila.

"Lia, Zandro eat your vegetables or hindi tayo aalis bukas?" Pangtatakot ko sakanila kaya wala silang nagawa kung hindi kainin ang mga gulay na nasa plato nila.

Pagkatapos nilang kumain, pinaakyat ko
na sina Zandro at Lia upang maligo na bago matulog. Umakyat na ang mga bata pero si Ian ay nanatiling nakaupo pa rin sa upuan at ang mga mata niya'y diretso lang na nakatingin sa 'kin.

"Oh anong tinitingin mo dyan?" Masungit na tanong ko. Ngumisi lang siya kaya sinamaan ko ng tingin.

"Panahon na siguro para masundan" Lumawak pa lalo ang ngisi niya kaya napairap ako at nilagay ang kamay ko sa baywang.

"Umiiyak pa nga si Zandro kapag hindi ko siya nabibigyan ng atensyon, gusto mo pang sundan?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. He licked his lower lip and flashed a smirk.

"Next year?" He tilted his head and held my hand. I shook my head as a no. Okay na sa 'kin ang dalawa.

"Next next year?" He tried again that made me sigh.

"Tigilan mo 'ko lalake" umirap ako tsaka na dinala ang mga maruruming plato para mahugasan.

Naramdaman ko ang presensya ni Ian sa likod ko habang naghuhugas ako ng plato. Gosh, he's so damn clingy.

"Umalis ka dyan" pagsusungit ko nang maramdaman ang kamay niya sa baywang ko. He didn't listen, he started kissing my nape instead.

"Ian!" I said irritatedly when I felt him sucking on my skin, leaving a mark.

Winisikan ko ng tubig ang mukha niya para lubayan niya ako.

"Nawisikan mo ang mata ko" reklamo niya at lumayo muna sa 'kin para punasan ang mukha.

"Deserve" I said and chuckled when he glared at me.

Hinintay niya muna akong matapos maghugas ng plato bago umakyat sa kwarto. Pagka akyat namin ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo bago ako tinabihan sa kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon