48

46.9K 929 111
                                    

Nagmulat ako ng mga mata dahil hindi ako kumportable sa posisyon ko. I saw Ian holding my hand, his eyes were closed. Puti ang nakapaligid sa 'kin, obviously nasa hospital ako.


Gumalaw ako nang bahagya kaya nagmulat ng mga mata si Ian at mukhang gulat nang magtama ang mga mata namin.


"Are you okay? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong niya. Bakas ang pag-aalala at takot sa mukha niya.


"My tummy is hurting a little but our baby.. is he alright?"  Tanong ko at humawak sa tiyan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makapa ang tiyan ko. I can feel my baby inside it.


"Yes he is. Tatawagin ko lang ang Doctor" paalam niya bago tumayo at umalis sa kwarto. Pagkabalik niya ay may kasama na siyang doctor at nurse.



"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng Doctor sa 'kin.



"Medyo sumasakit lang po ang tiyan ko" magalang na sagot ko at nang dahil doon, umupo ang doctor sa tabi ko at binaba nang kaunti ang kumot upang makita ang tiyan ko.


"Pwede ko bang itaas 'to?" Tanong niya at hinawakan ang laylayan ng damit ko. I nodded.


Tinaas niya nang bahagya ang damit ko at linagay ang chest piece ng stethoscope sa tiyan ko. Pinakiramdaman niya ang galaw ng bata sa loob. 



"Wala na bang ibibilis yan?" Inis na saad ni Ian. Nang tumingin ako sa direksyon niya, nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kilay.


"Ian" Isang banggit lang ng pangalan niya ay alam niya ng binibigyan ko siya ng warning. Iritado siyang umirap at hindi na tumingin sa gawi namin.



"What happened earlier is pregnancy hypertension. Don't stress yourself, it's bad for your health and your baby's health" pagpayo ng Doctor bago kami iwan.



"Why do you look annoyed?" Tanong ko kaagad kay Ian pagkalabas ng doctor sa kwarto.



"He's touching you" nakasimangot niyang saad. "It irritates me" parang bata siyang tumabi sa 'kin at humiga sa hinihigaan ko.



"Paano nyan ako manganganak kung naiirita ka sa simpling paghawak lang? Whether you like it or not, they have to lay their hands of me" Nang-aasar na saad ko. Ang pikon niya e, sarap asarin.


"I already took care of it sweetheart. Nagpaschedule na 'ko sa doktor.. I mean doktora" He smirked. 



"Jealous guy" I mumbled and rolled my eyes. 




Napaupo ako nang maalala ang dahilan kung bakit ako nandito. Umupo rin si Ian at hinarap ako, bakas ang pag-aalala sa mukha niya. 




"Can we visit my Dad?" I asked in a pleading tone. I know Ian hated my dad because of what he did. I did hate him so much but he's still my dad and I want to say my last farewell to him. 


"Pinaasikaso ko na, no need to worry" he calmly said and kissed my forehead.



Nakatulog ako habang nakakulong sa mga bisig ni Ian. Nagising lang ako nang makarinig ng mga taong nag-uusap.



"Mommy are you okay?" Lia tilted her head while waiting for my answer. 


"Yes baby, mommy's okay" I smiled to assure her. 



"Ate stop making us worried again please" Alexi ran towards me and embraced me tightly, muntikan na 'kong mawalan ng hininga. 



"Okay, I'm sorry for making you worried" natatawang saad ko at tinapik ang balikat niya. 




Hindi kami nagtagal sa hospital at umalis din kinabukasan dahil wala namang masakit sa 'kin pwera lang sa tiyan kong paminsan minsan sumasakit. 




"Lola!" I ran towards my grandparents and hugged them tightly. 




"Bakit lola lang ang tinawag mo walang lolo? Nakakapagtampo kana ha Shalian" natawa ako nang sumimangot si lolo, napaka matampuhin. 




"Sorry na 'lo" I chuckled and hugged him tightly. 




Pupunta kami ngayon sa libingan ng dad ko. Isang araw lang ang lamay na dinalawan ng mga empleyado niya noon at kaagad din siyang nilibing. Ngayon, ako naman ang magbibigay ng huling paalam. 




Pagkarating namin sa lugar, maraming nakapalibot na pulis kung saan nakalibing ang ama ko. Lumapit kami sakanila at kaagad naman akong nilapitan ng isa sa kanila. 



"Are you Ms. Shalian Formentera?" tanong ng isa.



"No she's not. She's Mrs. Shalian Villafuente" Ian rolled his eyes. Siniko ko siya at nginitian ang lalaki na nasa harapan ko. 




"Before Mr. Formentera died, he asked me to give this to you" he handed me a paper. Pinasalamatan ko siya at kinuha ang papel.  

Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon