21

59.2K 1.3K 272
                                    

"Call me when you need something or when you want to call me" he said while tying he's necktie. Aalis siya ngayon,pupunta sa kumpanya nila. Ilang araw na din siyang hindi nagtratrabaho at si daddy Erick ang pansamantalang namamahala.




"How can I call you when I don't even have your number? Tsaka no worries,i won't disturb your work" diretsong sabi ko. Bakit ko naman siya icacall? Para kamustahin ang trabaho niya?





"Hindi ka naman makakaistorbo" He said and walk towards me. He kissed the top of my head before leaving the room.





Akala ko nakaalis na siya pero nagpaalam pa siya kay Lia. Mukhang naiiyak na ata si Lia,ayaw niyang paalisin ang daddy niya.





"Trabaho lang si daddy,nak" Sabi ko kay Lia para tumahan siya. Kinarga ko siya papuntang labas dahil gusto niya daw makitang umalis ang daddy niya. Mukhang mahirap nang paghiwalayin sila.





"What time uuwi si daddy?" Tanong ni Lia habang kumakain siya ng almusal.




"I don't know baby pero gagabihin siguro si daddy" pagpapaliwanag ko. Kinuha ko ang phone ko nang tumunog yon. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang text galing sa unknown number.





From: Unknown Number

I miss you already




Nagsalubong ang kilay ko. I have an idea na kay Ian galing yung text pero paano niya naman nakuha yung number ko? Naisipan kong itanong nalang kung sino





To: Unknown Number

who u?





Binaba ko muna ang phone ko at pinagtimpla muna ng gatas si Lia habang hinihintay siyang magreply




From: Unknown Number

Rave




Napailing nalang ako. Ako pa ang lolokohin ng lokong Ian na 'to e hindi naman ganito magreply si Rave,naisipan ko tuloy pagtripan.




To: Unknown Number

Punta kana dito dali,umalis na siya





Napangisi ako pagkasend ng message at mas lalong lumawak ang ngisi ko nang tumawag siya.





"Sinong tanga Mr. Villafuente?" Kaagad na bungad ko pagkasagot ko nung call.




[What? You already know it was me?] Naguguluhang tanong niya. Hindi ko alam kung paano niya nahahandle ang kumpanya nila kung simpleng analyzation lang hindi niya makuha. Hindi nalang ako sumagot at hinayaang maproseso yon sa utak niya





[You made me nervous. Uuwi na talaga ako] Pananakot niya. Bahala siyang mapagalitan sa dad niya





"Do whatever you want,I'll hang up" bago ko pa man napatay ang tawag,nagsalita siya ulit




[Sus,gusto mo lang akong pauwiin. Alam ko namang miss mo na 'ko,I miss you too wife] natatawang sabi niya




"Kung gusto mo,dyan ka nalang matulog"




[No thanks,I want to sleep with you and make love every-] hindi niya na natuloy ang sinasabi niya nang patayin ko na ang tawag




Dahil bored si Lia nakipaglaro ako sakanya at nanood kami ng disney movies. Habang nanonood kami,panay ang tanong niya sa daddy niya. Nagiging curious siya sa daddy niya kaya andami niyang tanong sa'kin.





Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon