09

76K 1.9K 605
                                    

"Wife,wake up" Naramdaman ko ang kamay ni Ian at hinahawi ang buhok ko.




Hindi ko napansing nakatulog pala ako sa byahe papuntang kumpanya nila.



Bumaba si Ian sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito dahil sabi ni Ian noon na ayaw niyang may nakakaalam na asawa niya 'ko




Nakahawak si Ian sa bewang ko hanggang sa marating namin ang office niya.



"Nasaan si mommy Alisa?" Tanong ko



"Hindi siya makakarating" kalmadong sagot niya habang may tinitignan na folder.



"Huh? Bakit niya 'ko pinapunta dito?" Kumunot ang noo ko




Nabaling ang tingin ko sa pinto nang may kumatok doon.Lalapitan na sana ni Ian para buksan pero bumukas na 'yon at linuwa si mommy Alisa




"M-Mom!" Gulat na sigaw ni Ian " Why are you here?" Mukhang kabado siya sa tanong niya




"This is our company,what are you talking about?" Mommy Alisa asked then faced me "Oh Shalian dear,glad to see you here"






Huh? Glad to see me here? Isn't she the-- oh fuck!




I smiled at mommy and glared at Ian when I finally realized what's happening





I looked around his office because they're talking about something.I suddenly stopped when I saw our wedding picture on his table




He's not even smiling at the picture but he's confident to display it here?



I immediately looked away when they were done talking




Baka akala niya affected ako porket naka display wedding picture namin dito.




"Una na'ko Shalian,tinignan ko lang kung may babae asawa mo.Alam mo namang sayo lang ako boto" kinindatan ako ni mommy Alisa





"Kailan ba'ko nambabae ma?" Tinaasan siya ng kilay ni Ian




"Kaya nga umalis ng bahay niyo si Shalian diba?Dahil dun sa Denice" diretsong sabi ni mommy.




Pasmado bibig! Medyo foul ah




"May lunch pa daw kayo ni Dad.Bilisan mo na baka malate kapa" pagpapaalis ni Ian sakanya




Late? Wala pa ngang 11am eh





"Bye Sha!" Pagpapaalam sa'kin ni mommy at binigyan ako ng flying kiss bago lumabas.




"Hi tita" bati ni Dash kay mommy pagkapasok niya tsaka bumaling ang tingin sa'kin




"Shalian nandyan ka pala! Namiss kita!" Lumapit sa'kin si Dash at yayakapin sana ako pero tinulak siya ni Ian




"Damot naman pare" umiling iling si Dash





"Malamang sa'kin lang 'to" hinapit ni Ian ang bewang ko palapit sakanya





"Akala ko bang 'kung gusto mo sa'yo na,wala akong pakielam " ginaya ni Dash yung pagkakasabi ni Ian dati kaya natawa ako "So ano Sha, akin kana?" Tanong sa'kin ni Dash





"Uhm gwapo ka naman kaya sige" pagsakay ko sa tanong niya





"Alam mo? Hindi ko alam kung bakit ikaw ang kaibigan ko" Ian said to Dash and rolled his eyes




Married To My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon