"Can I have some mommy?" Lia asked me. Binigyan ko siya ng chocolate na kinakain ko.
Nasa sala kami at nanonood ng Disney kasama si Lia. Nakahiga ako sa binti ni Ian habang yakap ang pregnancy pillow na binili ni mommy para hindi ako mahirapan sa paghiga.
"Ate!" I glanced at the door when I heard Alexi. "Babe bilisan mo naman!" Sigaw niya sa likuran niya.
"Ang dami kaya ng mga pinamili mo" reklamo ni Rave.
"Shut up" Alexi rolled her eyes before facing me. Nag iba kaagad ang reaksyon niya nang humarap sa 'kin. Excitement is evident in her eyes.
"Nag sale ang mga baby clothes, tignan mo!" Masaya siyang lumapit sa 'kin at kinuha ang mga paper bags mula kay Rave. Sabi ko na, may mga pinamili na naman siya.
Nalula ako nang makita ang mga pinamili niya. Iniisip ko pa kung paano ko ipapasuot sa anak ko ang mga damit na binili nina mommy at lola, dumagdag pa si Alexi.
"Hindi ka ba naparami ng bili?" Tanong ko habang tinitignan ang mga damit.
"Ng alin?" Tanong niya.
"Ng mga damit. Ano pa bang binili mo?" Kumunot ang noo ko.
"Buti nalang tinanong mo" she smiled widely before looking at Rave. "Baby pakuha nung mga laruan"
Napailing nalang ako. Typical Alexi.
Linapag ni Rave ang mga laruan sa sahig. Kaagad namang pinagka interesan ni Lia 'yon.
"Tita Exi do I have toys?" Tanong niya habang tinitignan ang mga laruan.
"Of course baby" sagot ni Alexi sakaniya at nag abot ng laruan kay Lia.
"Tama na ang pagbili mo ng mga gamit para sa bata Alexi" pagsaway ni Ian sa kapatid.
"Bakit naman? Pamangkin ko naman ah?" Pakikipag-away ni Alexi sa kuya niya.
"Paano pa 'ko bibili kung binili niyo na lahat? Papagalitan ako ng ate mo kapag bumili pa 'ko nyan" Masungit na sagot ni Ian. Talagang papagalitan ko siya kapag bumili pa. Sapat na 'to, ang bilis lang lumaki ng bata at kakailanganan naming bumili ulit ng damit para sakaniya kapag hindi niya na kasya ang lahat ng 'to.
Nagpaalam din kaagad si Alexi pagkatapos niyang ibigay ang mga pinamili niya para sa bata dahil may pupuntahan pa raw sila.
"Love, gusto ko ng ice cream" I said and cutely pouted. Tumayo siya at tumungo sa kusina, pagkabalik niya ay may dala ng tatlong ice cream.
"Wala naman ice cream kagabi sa ref ah? Saan galing 'to?" Tanong ko habang sinusubukang buksan ang ice cream. Kinuha 'yon ni Ian sa kamay ko at siya ang nagbukas.
"Bumili ako kanina alam kong maghahanap ka ng ice cream. Nagluto rin ako ng manok at nilagyan ng mangga sa loob gaya ng lagi mong hinahanap" he informed me.
"Napaka responsable naman pala. Halika halikan kita" I laughed to tease him. Hindi ko inaasahang uupo siya sa tabi ko at tumitig sa labi ko. Nagbibiro lang naman, masyadong seryoso!
He leaned closer to me and stop only an inch. I closed my eyes when he was about to kiss me but Lia interrupted.
"Daddy open mine" saad ni Lia at inabot ang ice cream niya kay Ian. Kinuha ni Ian at binuksan bago binalik kay Lia.
We spent time watching T.V and playing with Lia. Nakatulog ako habang naglalaro sina Ian ng Snakes and ladder, pagkagising ko nasa kwarto na 'ko.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend's Boyfriend
RomanceShalian Formentera was forced to marry her best friend's boyfriend, Alejandro Adrian Villafuente. Hindi siya nakipaghiwalay kahit na ginagawa ni Ian ang lahat para makipaghiwalay siya. Pero sino bang hindi sumusuko kapag nahihirapan na nang sobra? ...