CHAPTER 8

424 19 0
                                    

ASHEY YNA POV

Nag hahanda na kami ng mga gamit namin na dadalhin para sa outing gusto ko din kasi makalimot sa nangyari samin sa Canada.

Sinasakay na ng apat na mokong ang mga bagahe namin sa kotse paalis  na din kami, kumuha muna kami ng mga guard para bantayan ang bahay baka kasi ilang araw kaming mawala.

"Ashey let's go!"tawag sakin ni Axel

"Ok I'm coming!"sagot ko at lumabas na ko ng bahay.

"Wala na ba kayong nakalimutan?"tanong ko sa kanila

"Meron!"sagot ni maxuel."Ano?"sabay-sabay na tanong namin.

"My baby snoopy!"sagot nya sabay tawa,ok na din si snoopy ibinilin ko na sya sa mga guard na wag papabayaan bigay kasi sakin ni Axel si snoopy sya din ang nag pangalan na snoopy.

"Baliw ka talaga tara na nga!"yaya ko at pinag buksan ako ni Axel ng pinto.

Si Ace ang nagmamaneho katabi nya si Ken tapos mag katabi naman kami ni Axel,si Giselle at Maxuel nasa likuran namin  ako ang nasa may bintana gusto ko kasi makita ang dinadaanan namin at makalanghap ng sariwang  hangin.

Kinuha ko ang earphone ko at inilagay sa tenga ko, si Maxuel at si Giselle lang ang maingay.

Habang naka earphone ako pinag isipan ko ang sinabi ni Ken sakin gusto ko syang bigyan ng chance ang problema lang lumalapit parin si Nicole sa kanya,si Ken kasi ang SSG president ng school at si Nicole ang V.president natatakot  ako na sumugal ulit baka sa huli ako na naman ang talo.

Malayo-layo pa naman ang byahe namin kaya napagpasyahan ko muna na matulog.

Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng bintana ng kotse habang hindi ko parin inaalis ang earphone sa tenga ko.

XIMEN AXEL POV

Napansin ko na tulog si Ashey kaya inayos ko sya pina unan ko sya sa hita  ko at inilagay sa katawan nya ang jacket ko.

Bigyan nya kaya ng chance si Ken?, natatakot ako para sa kanya baka mangyari ulit ang nangyari sa kanya dati na kulang nalang magpakamatay sya.

Iba mag mahal si Ashey handa syang ibigay lahat sa taong mahal nya,matagal na akong may gusto kay Ashey pero naunahan lang ako ni Ken at ayaw ko din na lumayo ang loob sakin ni Ashey.

Makalipas ang ilang oras nakarating narin kami sa rest house si Ashey tulog pa rin kaya hinantay ko nalang sya na magising,bumaba na ang mga kasama namin at pumasok na sa loob ng bahay.

"Good morning!"bungad ni Ashey habang kinukusot-kusot ang mata nya.

"Anong good morning ka dyan evening na!"

"Weee?"takang tanong nya

"Tignan mo wala na nga ang apat eh!"sagot ko sa kanya sabay turo sa bintana.

"Kanina pa ba tayo dumating?"tanong nya.

"Hindi naman kadarating lang natin!"pagpapalusot ko sa kanya

"Tara na!"yaya nya sabay upo. at binuksan ang pinto ng kotse."Ano pa ginagawa mo? Tara na!"yaya nya pa habang nakahawak sa pinto ng kotse nakababa na kasi  sya.

"Una ka na!"saad ko sa kanya nangangalay pa kasi ang mga hita ko.

"Tara na!"pamimilit nya sakin sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng kotse.

"Oh anong nangyare sayo?"

"May rayuma na ata ako!"sagot ko

"Hali ka lolo aalalayan kita!"saad nya sabay hawak sa bewang ko at halatang nagpipigil sya ng tawa nya.

Me And My Four Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon