Kabanata 34

122 7 2
                                    

Chapter 34: The Truth Outside The Laboratory

VRAKE

"Kailan ba gigising 'yan?"


"Kapag talaga 'yan 'di nagising, mapapatay ko sila."


Binuksan ko na agad ang mata ko kahit mabigat pa rin ang talukap ng mga 'to dahil sa naririnig kong mga boses. Konti na lang talaga, masasampiga ko na ang mga maiingay na 'to. I hate noises so much, especially when I'm asleep. It annoys the hell out of me.


I rubbed my eyes before looking at their faces. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang mga taong nasa paligid ko. What the hell?


Nakita ko si Keifer na malaki ang ngiti sa kanyang pagmumukha, si Zack naman na nakahalukipkip na nakatingin lang sa akin nang diretso, si Blaze naman na nakakunot ang noong may hawak pang toothbrush habang bumubula pa ang bibig.


Ba't ko kasama ang mga taong namayapa na? What the fuck are they doing here? Sinusundo na ba nila ako papuntang langit? Looking at what they are wearing, it's color blue. Heaven naman siguro 'to 'no? Pati ngayon ko lang nalaman na need din pala namin mag-toothbrush sa langit?


"Yow! Nagising ka na rin sa wakas!" malakas na sigaw ni Keifer habang aakto pang yayakapin ako. Masakit pa rin ang ulo ko, pero I tried my best to smile when I saw him with full of energy. Sobrang brutal ng pagpatay sa kanya noon. Pinugutan pa siya ng ulo at pinagbabaril. Seeing him happy made me realized that he's already okay. Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan, nagagawa pa rin niyang ngumiti.


"Bakit hindi ko nameet si San Pedro?"


Nakita ko naman ang pagkunot ng mga noo nila sa aking katanungan. I'm asking them with a serious tone, pero hindi nila ako sinasagot nang seryoso. Naguguluhan lang silang nakatingin sa akin na para bang nababaliw ako. Si Blaze naman ay mabilis na umalis sa harapan ko para idura ang mga bula sa kanyang bibig sa may lababo.


"Ano pa bang droga ang naiturok sa 'yo?" nakakunot ang noong saad ni Zack na umiiling-iling pa. "Wake up, pre! You're here sa Jordin's Laboratory. Hindi mo ba natatandaan kung paano ka nagwala noong nagising ka sa stasis chamber?"


Mabilis akong tumingin sa buong paligid at puro puti lang ang nakikita ko sa kabuuan. Pati pala ako ay nakasuot ng kulay asul na hospital gown. Unti-unti ay naaalala ko na ulit ang mga pangyayari. Mga pangyayaring hindi ko inakalang posible pala talaga. Pinaglaruan lang nila kami at pinag-eksperimentuhan. Tangina!


"Where's Zaylee?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanila na may halong pag-alala. Hindi ko pa siya nakikita rito kaya kinakabahan ako sa maaaring nangyari sa kanya. Hindi ko kailanman mapapatawad ang mga may kagagawan nito kung may nangyari sa kanyang masama.


"Probably, she's with Cara and Kia in another room. Don't worry too much. I assure you that she's safe with them," mahinahong sabi ni Blaze na kagagaling lang sa banyo. Maingat naman akong bumangon at umupo lang sa gilid ng kama.


Marami akong katanungan na gusto ko na agad malaman lahat ng kasagutan. Gusto ko mang puntahan ang mga tao sa labas para tanungin sila, hindi ko naman ito magawa. We are locked here, and we can't even sneak outside this room dahil masyadong mahigpit ang security nila ngayon. 


"May mga nakalap akong impormasyon bago pa kayo makapunta rito," sabi ni Keifer at saka umupo sa sahig na para bang mapapahaba ang aming pag-uusap.


Mabilis ko namang tiningnan ang loob ng kuwarto para makasigurado kung walang camera sa loob. Kung mayroon man, mas mahihirapan kaming mag-usap at magplano.


"Don't worry. I already checked kung may camera rito to monitor our actions. Buong kuwarto ay tiningnan ko na pati na rin ang sulok-sulok. Wala na silang budget to install CCTV sa loob ng bawat kuwarto kaya it's safe to plan here," panimulang sabi ni Keifer na mas ikinabigla ko. Marami na pala talagang alam si Keifer. Halatang wala siyang sinayang na oras noong nauna na siya sa real world. "Ipapaliwanag ko muna sa 'yo kung ano ba talaga ang mga nangyari, okay?"


Mabilis naman akong sumama sa kanya na umupo sa may sahig para mapakinggan lahat ng sasabihin niya. Gano'n din naman ang ginawa nina Zack at Blaze na halata mong interesado rin sa sasabihin ni Keifer.


"Ang mga nangyari sa 'tin sa loob ng Ordinary City at Mort Ville ay panaginip lang nating lahat. Pero ang mga panaginip na 'yon ay kontrolado nilang lahat. Para bang totoong-totoo ang mga pangyayaring 'yon dahil may nararamdaman tayong sakit, saya, at marami pang iba. Para bang nagkaroon talaga tayo ng ibang mundo at namomonitor nilang lahat ang actions natin. Akala natin matagal na tayong nandoon at doon talaga tayo nakatira, pero sa totoo lang, isang buwan lang tayo sa panaginip na 'yon. Tama nga kayo dahil pinaglaruan lang talaga nila tayo. Isa lang ang daan para mawala ka sa mundong 'yon. Ang mamatay ka."


Sa mga sinasabi ni Keifer ngayon, naliwanagan ako. Nakakuyom lang ang kamao ko para macontrol ko ang galit ko kahit papaano. Dapat pala ay matagal na akong nagpakamatay sa panaginip na 'yon para malaman na agad ang katotohanan. Kaysa pinaglalaban namin ang mga buhay namin doon na hindi naman pala talaga kailangang ipaglaban.


"Sa totoo lang, Ordinary City lang talaga ang plano nila noon. Gusto nilang lumikha ng mundo at ipakita sa buong mundo ang kanilang eksperimento. Ipapakita nila ang buhay ng mga inosenteng taong walang kaalaman sa kahit anong kasamaan o walang kahit na anong relasyon na tinatawag din nating kaibigan kung anong mangyayari sa mundong 'yon na sobrang kabaliktaran ng tunay na mundo. Let's just accept the fact that we are living in such a vain world. Sa palagay ko ay hindi naging successful ang kanilang plano dahil nagkaroon ng Mort Ville. Doon nila inilalagay ang mga taong nabubuksan na ang kaisipan dahil nalalaman na nila ang katotohanan tungkol sa totoong mundo. In the end, kahit na ilagay nila ang mga tao sa lugar kung saan malayo sa totoong mundo, gano'n pa rin talaga ang mangyayari."


"Ilang beses na silang hindi nagtagumpay sa kanilang mga imbensyon at eksperimento kaya ginagawa nila ang lahat para mabalik ang kanilang pangalan na nawala na. Para bang lumaos na gano'n. Ang mga tao sa Jordin's Laboratory ay pinaghahahanap na ng mga pulis dahil marami na silang human subjects na namatay dahil sa palpak nilang mga ginawa. Obviously, ang suwerte natin dahil buhay pa tayo. Wala nga lang tayong alam kung sino ba talaga tayo sa labas. Panigurado ay pinaghahanap na tayo ng ating mga pamilya. Hindi na ako magtataka pa na tayo ulit ang gagawin nilang human subjects hanggang sa magtagumpay sila."


Hindi ako mapakali sa lahat ng nalalaman ko kay Keifer. Para nga lang talaga kaming mga hayop na naghihintay na lamang mamatay sa loob ng laboratory na 'to. Napakunot naman ang noo ko dahil sa nalalaman ni Keifer. Where did he get that information? Sobrang dami no'n at imposibleng malaman niya agad 'yon sa pananatili niya rito.


"Saan mo nakuha lahat 'yan?" malumanay na tanong ni Zack. Parehas lang pala talaga kaming lahat ng katanungan. Nakita ko naman ang malaking ngisi ni Keifer at kinindatan kami.


"Giving pleasure to someone in exchange for information. Sobrang tigang niya, mga pre. I fucked one of those scientists para lang malaman lahat 'yan," natatawa niyang sabi habang umiiling pa.



Nanlaki naman ang mga mata namin dahil sa kanyang sinabi. "Are you for real, bro?" hindi makapaniwalang tanong ni Blaze. Hinawakan naman niya ang balikat ni Blaze at saka tumawa.


"Don't worry. Nagsaya rin naman ako. Hindi ko naman ginawa 'yon para lang makakuha ng impormasyon. Actually, may Round 2 pa nga kami mamaya, eh. Kapalit ang mga katanungang, Sino ba tayo? Paano ba tayo makalalabas?-"


Mahina ko namang tinapik ang balikat ni Keifer at saka siya nginitian. Inunahan ko na siya sa pagsasalita bago pa niya maituloy ang sasabihin.


"And ask her the truth about the outside this fucking laboratory."


-----

Read. Vote. Comment.

Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon