Chapter 1: Simula
KYLA
"Okay, class. Dismiss," simpleng sabi ng aming Physics teacher nang marinig namin ang malakas na bell na naghuhudyat na oras na para sa aming uwian. Simpleng inayos niya ang kanyang mga gamit at muling tumingin sa aming lahat na may ngiti sa kanyang pulang labi.
"Goodbye and thank you, Mrs. Gonzales."
Lahat kami ay tumayo upang magpaalam sa aming guro maliban sa isang lalaki na may hinihigaang unan sa kanyang desk. Napailing ako nang makita ko itong nagmulat ng mata at humikab.
"Mr. Jordin. Wala ka bang balak na batiin ako upang magpaalam?" nakangiting tanong ni Mrs. Gonzales habang inaayos niya ang kaniyang salamin sa mata. Naghikab siya muli at tinatamad na tumayo. Walang emosyon siyang tumingin sa aming guro.
"Goodbye and thank you," mahinahong sabi niya kaya naman kaming lahat ay naghanda na ng gamit para makauwi na sa mga sarili naming mga bahay.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas, tumayo ako sa harapan ng lalaking sinita ni Mrs. Gonzales at sinamaan siya ng tingin. Tumingin-tingin naman ako sa paligid. Mabuti naman at wala na ang mga tao sa room.
Muli ko siyang tiningnan na may kunot sa aking noo. Mayroon itong kulay brown na mata na mas ikinabagay sa buhok niyang ganoon din ang kulay. Matangos din ang ilong nito at may kaputian ang kanyang balat.
"Hi, sis! Miss mo agad ang bro mo?"
Nakapamewang ko naman siyang tiningnan at kinuha ko ang unan na dinala niya galing sa sofa namin sa bahay.
"Talagang nagdala ka pa dito ng unan, Zack? Nandito tayo sa eskuwelahan para mag-aral. Hindi para matulog!"
Nakanguso niya lang akong tiningnan na parang wala lang ang sinasabi ko sa kanya. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at kinuha ang backpack na nakasabit sa upuan ng unahan niya.
"Ayan ka na naman sa kakadakdak mo. Zaylee, quiet ka na lang ha? Wala kasi talaga akong tulog."
Aalis na sana siya pero hinila ko ang bag niya dahilan ng pagkakahulog ng mga gamit niya doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nahulog na gamit niya. Mga maliliit na kutsilyo at isang baril ang nahulog sa bag niya.
Agad niya itong pinulot na wala man lang halong kaba sa kaniyang mukha. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa mga armas na nahulog.
"B-bakit mo dala 'yan?" nauutal kong tanong sa kakambal ko.
"It's not my fault kung hinila mo 'yung bag ko at nahulog 'yan. Matagal ko na namang sinasabi sa'yo na huwag mo na ako pakialaman 'di ba? Mind your own business. Niyaya na kita dati pero lagi mo na lang pinapamukha sa akin na isa akong kriminal kaya ako nararapat doon. At isa ka namang inosente na puro sunod sa ama natin kaya nararapat ka rito sa syudad na 'to," mahinahong sabi niya pero nakikita mo ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.
"Zack."
Hindi na niya ako muling nilingon. Nakita ko na lamang sa bintana ang pag-alis niya gamit ang itim na motor na paboritong-paborito niyang gamitin kaysa sa mga sasakyan na mamahalin na bigay sa kanya ni Dad.
"Ms. Zaylee, kailangan n'yo na pong umuwi. Uuwi po ang inyong ama mamayang gabi," magalang na sabi ni Mang Rico. Isa sa mga driver namin na pinagkakatiwalaan ng pamilyang Jordin.
Tumango na lang ako dito bilang tugon. Napatingin ako sa paligid habang naglalakad palabas. Napakatahimik ng building at wala man lang kaguluhan na nangyayari. Walang nag-aaway o magkakaibigang nagkuwekuwentuhan.
BINABASA MO ANG
Mort Ville (Ongoing)
Mystery / Thriller𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘭𝘪𝘦𝘴. Isang malaking siyudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati rito upang paghiwalayin ang magkaiban...