Kabanata 19

179 13 0
                                    

Chapter 19: Picture 

"I'm sorry talaga, Kia. Hindi ko inakala na may sugat ka pala sa balikat mo."


Nag-aalala akong nakatingin kay Kia habang nasa clinic kami parehas. Nanalo ako sa laban namin pero sobra akong nakokonsensya. Hindi rin ako makapaniwala na nagawa kong lumaban dahil 'yon ang unang beses na makahawak ako ng kusilyo para manakit ng iba.


"No, it's okay. I understand kasi nasaktan din naman kita. It's just part of our training. Masakit man pero I'm so proud of you, baliw ka!!"


Napakunot naman ang noo ko dahil nakangiti pa si Kia sa akin na para bang masaya sa ginawa ko. Baliw raw ako? Hindi nama- "Oops! Hindi naman literal na baliw! Basta masaya ako para sa'yo kasi kahit na first time mong lumaban kanina, natalo mo agad ako."


Ang totoo niyan, sinunod ko lang ang sinabi ni Dale sa'kin. Palagi niyang sinasabi na atakihin ko ang kanang balikat ni Kia. Nakakapagtaka lang kung bakit niya alam na may sugat doon si Kia?


"May I ask kung bakit ka nagkasugat sa kanang balikat mo?"


Napanguso naman siya sa tanong ko at umayos ng kanyang pagkakahiga sa puting kama. "May umatake sa'kin kaninang umaga sa labas. I don't know kung sino siya. Sa pagkakatanda ko naman, wala akong kaaway ngayon. You know what's weird? He's wearing our uniform. 'Yung uniform natin sa school ng Ordinary City. Luckily, tinulungan ako ni Dale."


Kaya naman pala alam ni Dale 'yung tungkol sa balikat ni Kia. Pero 'di ba kaibigan niya si Kia? Bakit ako pa ang tinulungan niya kanina?


"Baka naman nagkataon lang 'yung suot. Same lang siguro ng design ng uniform? It's impossible din naman kasi na may makapasok dito basta-basta."


Nagkibit-balikat naman si Kia at tumingin sa ibang direksyon. "Sana nga. Pero palagay ko nanganganib na ang mga buhay ng mga tao dito sa Mort Ville."


"Hey."


Napatingin kami parehas ni Kia sa lalaking nakapamulsang kapapasok lang ng clinic. Nanahimik kaming lahat dahil ang awkward para sa kanila na magsama ulit. Lalo na at ang huli nilang usap ay nag-aaway sila.


"Anong problema mo, Zack?"


"About sa nanay natin. Gusto mo ba siyang puntahan?"


Napangiti naman ako nang marinig kay Zack 'yon. Sino ba namang hindi papayag sa tanong niya? Matagal ko na ulit gusting puntahan ang ina namin pero pinagbawalan pa ako ni Zack noon. "Oo naman. Ngayon na ba?"


Tumango naman si Zack at hinawakan ang braso ko. Hindi niya pinapansin ang presensya ni Kia na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa aming dalawa.


"Sama ako."


Napataas naman ang kaliwang kilay ni Zack nang marinig ang sinabi ni Kia. Napangisi siya at binigyan ito ng matalim na tingin. "For what? Hindi ka naman kailangan don."

Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon