Chapter 13: High Section
"Kinilig ka naman? Lul! Mukha mo! Akala mo naman, mukha ka kayang yaya. Asa ka pa! 'Yung room mo nga pala, kumaliwa ka tapos may makikita kang High Section sa dulo. Malaki 'yung sign na 'yon kaya makikita mo agad. Ikaw na bahala pumunta don."
May kung anong tama rin pala talaga 'yung utak nito 'no? After niyang tumulong, biglang nanlait. Napataas na lang ang isa kong kilay at sinamaan siya ng tingin. Bigla naman ako nitong pinitik sa noo nang makita niyang masama ang tingin ko sa kanya.
"Wala kang karapatang samaan ako ng tingin. Sasamaan mo lang ng tingin 'yung nagligtas sa'yo? Hah! Kapal mo naman, yaya" pagmamalaki niya habang nakatingin ito sa ibang direksyon at tumatango-tango pa. "Pumunta ka na doon kung ayaw mong mapagalitan agad."
"Oo na! Madapa ka sana" bulong ko sapat na marinig niya ito. Magsisimula na sana ako maglakad paalis nang makita ko si Vrake na nagkakamot ng ulo na nakatingin at sumusunod sa akin. Sinenyasan lang ako nito na maglakad na at huwag siyang pansinin.
"Bakit ka sumusunod?"
Tumingin lamang siya sa ibang direksyon at pasimpleng nilagay ang kanyang kamay sa bulsa kasabay ang pagsipol nito. 'Yung para bang bata na ayaw magpahuli na may ginagawang masama?
"Baka maligaw ka. Kasalanan ko pa" inis na saad niya. Nakita ko naman na bakante na ang corridor. Wala nang ibang naglalakad dito kundi kami. Kumaliwa naman ako katulad ng sabi niya. 'Di ko maiwasang humanga sa laki ng school. Ang kintab-kintab pa ng sahig na parang nakakahiyang apakan at baka madumihan.
Tiningnan ko muli ang likod ko at nandoon pa rin siya. "Malapit na. Diretso lang" simpleng sabi niya habang sumesenyas gamit ang kamay. Nakita ko nga ang malaking nakalagay na High Section sa kulay itim na pinto. Nakasulat ito sa gold plate na nakalagay sa taas ng pinto.
Ibang-iba 'to sa nadaanan kong mga rooms. Para bang may pa-special treatment itong mga nasa High section. "Ano pa hinihintay mo? Pasok na" inis na sabi ni Vrake. Bakit naman nandito pa 'to?
"Why are you still here? Sinusundan mo ba ako?"
Tumatawa naman ito habang tinitingnan ako na parang hindi siya makapaniwala.
"Me? Susundan ka? Okay ka lang? Hah! Parte ako ng klaseng 'to. Taas ata ng tingin mo sa sarili mo. Pumasok ka na lang."
Aba! Malay ko bang ito rin ang room niya. Kasalanan ko ba na 'di ko alam?
Agad ko namang binuksan ang pinto kahit medyo kinakabahan ako. Nakita ko ang mga estudyante na nakatuon ang atensyon sa akin dahil bago ako sa kanilang paningin. Papasok na sana ako nang bigla akong itulak ni Vrake na naging dahilan ng pagkakatumba ko sa harapan ng klase.
Nakita ko naman na parang nagulat ito dahil sa simpleng pagtulak niya ay natumba agad ako. Badtrip naman!
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
BINABASA MO ANG
Mort Ville (Ongoing)
Tajemnica / Thriller𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘭𝘪𝘦𝘴. Isang malaking siyudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati rito upang paghiwalayin ang magkaiban...