Kabanata 41

98 7 11
                                    

Chapter 41: Forgotten Memories

"Are you ready?"


Nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mangyayari sa amin mamaya. Nakaharap lamang ako sa salamin at pinagmasdan ang kasuotan ko. I'm wearing Vrake's white hoodie kaya naman masyadong malaki ito para sa 'kin.


Nakaakbay lang si Vrake sa aking balikat, and he's wearing his comforting smile to encourage me. Natatakot ako na maalala lahat katulad ng sinabi sa akin ni Tito Ridge. Kahit masakit, kailangan ko pa ring maalala ang mga 'to dahil bahagi 'yon ng buhay ko.



"I think so, Vrake. Kakayanin ko naman siguro."


Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry, Zaylee. I'm always here to look after you, and of course, to love you," mahina niyang sabi at maririnig mo talaga kung gaano siya kaseryoso sa kanyang binitawan na salita.


Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko habang hinahaplos ang aking nakalugay na buhok. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa dahil nasisiyahan ako kada ginagawa niya 'yon. Feeling ko sobrang importante kong tao kapag ginagawa niya 'to sa akin.


"Thank you so much, Vrake."


Mayamaya pa ay may narinig kaming katok mula sa pinto ng kuwarto ni Vrake. Agad din namang bumukas ang pinto at bumungad ang maamong mukha ng nanay ni Vrake na si Tita Vhina. "Mga anak, tinatawag na kayo ni Ridge. Kailangan n'yo na raw pumuntang laboratory. Nando'n na raw ang mga kaibigan n'yo."


Tumango na lang kami ni Vrake at nagpasalamat kay Tita Vhina. Masaya ako na tinuturing nila akong isang pamilya sa bahay na 'to. Pakiramdam ko palagi ay hindi ako nag-iisa kung paano nila ako tratuhin at alagaan.


"Let's go."


----

"Hala, Zaylee! Namiss kita!" sumisigaw na bati sa akin ni Kia habang nakabukas ang magkabilang braso na aktong yayakapin ako nang makita niya akong naglalakad patungo sa direksyon nila. Nakita ko namang umirap si Cara nang makita niyang magkasama kami ni Vrake.


"You're so OA naman. Kahapon lang kayo hindi nagsama," nakangiwing sabi ni Cara kay Kia at pasimple pa itong binatukan.


Napapailing naman ako dahil sa inakto nilang dalawa. Masaya akong makita muli ang mga kaibigan ko, pero mas nangingibabaw lang talaga 'yung kaba na nararamdaman ko kada naiisip ko na maibabalik na lahat ng alaala ko mamaya.


"Nakakain na ba kayo? May dala akong hotdog sandwich, oh! Pinabaunan ako ng nanay ko. Feeling niya ata elementary ang anak niyang pogi," masayang sabi ni Keifer habang inaabutan kami isa-isa ng sandwich na dala niya.


"Picnic ba 'to, ha? Ba't ang dami mong pagkain sa bag?" nakakunot ang noong tanong ni Zack at kumuha ng chichirya sa bag ni Keifer. Napangiwi naman si Keifer dahil sa narinig. "Ewan ko rin, eh! Baby Keifer pa nga minsan tawag ng nanay ko sa 'kin."


Natatawa naman kami dahil sa kanyang sinabi. Halata mong alagang-alaga siya ng kanyang mga magulang. Binuksan ko ang binigay niyang hotdog sandwich at dahan-dahan itong kinain kahit nakapag-breakfast na naman ako kanina sa bahay nina Vrake.


Nakita ko naman ang pasimpleng pag-akbay ni Zack kay Kia na naging dahilan ng malakas na pagtutukso ng mga tao rito. "Teka lang! Kayo na ba talaga in real life or hanggang Mort Ville lang ang relasyon n'yo?" nakataas ang kilay na tanong ni Blaze sa dalawa.


"Actually, hindi naman talaga kami ni Kia sa totoong buhay. Nagkadevelopan lang talaga kami noong nasa Mort Ville pa tayo. Pero binigyan niya ako ng chance na gawin naming totoo ang relasyon namin," nakangiting sabi ni Zack at kumindat pa sa amin.


Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon