Chapter 23: Blaze Limbo
"Ha? Ba't kami papasok sa cabinet mo?"
Hindi sila makapaniwala nang sabihin ni Zack sa kanila na pumasok silang lahat sa cabinet niya. Inirapan naman sila ni Kia na umuna sa pagpasok sa cabinet ni Zack. "Daan 'to papuntang City A. Tara na."
"Seryoso ka ba diyan, teh?" Nakakunot ang noong tanong ni Cara kay Kia kaya hinila naman niya ang kaibigan para pumasok sa loob. "Hala! Pasok na kayo dito, guys!"
Hawak-hawak na naming lahat ang itim na cloak at suot na rin namin ang itim na contacts para hindi na mahirap isuot kapag nasa loob na kami ng Ordinary City. "Teka! Ang cool naman. Una na rin ako," masayang sabi ni Keifer at sumunod sa dalawa.
Halatang namamangha silang lahat dahil kakaiba ang dadaanan nila kumpara sa matagal na nilang alam na daluyan. Pumasok na kaming lahat doon kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin kasi talaga mapigilang mag-alala.
Magtatagumpay kaya kami? Ano na kayang nangyayari ngayon sa loob ng Ordinary City?
Tahimik lang kaming naglalakad habang papalapit na kami sa liwanag sa bandang itaas. Sumenyas naman sa amin si Zack na huwag kaming lilikha ng ingay nang dahan-dahan niyang itaas ang bakal.
"Kinakabahan ka 'no?"
Nagulat ako nang bumulong sa tenga ko si Vrake. Ang lapit niya masyado sa akin kaya naiilang akong tumingin sa kanya. Tanging tango lang ang sinagot ko at hindi na siya muling pinansin.
"Weird. Walang katao-tao."
Nakakunot ang noo ni Zack nang pagmasdan niya ang kapaligiran ng syudad na 'to. "Akyat na kayo. Walang tao. Huwag lang kayong maingay. Bilisan n'yo nalang," paalala niya sa amin.
Agad naman kaming umakyat at sinuot na ang itim naming cloak upang magpanggap. Tahimik lang kaming nakasunod kay Dale at Zack habang tinitingnan ang kabuuan ng syudad.
Nakakatakot naman dito. Sobrang tahimik at wala akong nakikitang tao. Naninibago na naman ako. Alam kong dati palang ay tahimik dito ngunit mas tahimik pa ngayon dahil wala akong naririnig na sasakyan o kahit na ano pang mga bagay na naglilikha ng ingay.
"Sadya bang ganito katahimik sa inyo?" Nakakunot ang noong tanong sa amin ni Keifer. Umiling naman ako sa kanya at sinenyasan siyang 'wag nalang siyang maingay.
Nakarating kami sa bahay namin sa Ordinary City at kinakabahan ako nang pumasok kami sa loob. Sobrang linis ng bahay at ang tahimik. Wala rin ang mga naninilbihan sa amin dito sa bahay.
"Nasaan 'yung mga tao sa syudad na 'to? Bakit pati sa bahay n'yo ay walang katao-tao?"
Lahat kami ay katulad lang ng naiisip na tanong ni Cara. Nasaan nga ba talaga ang mga tao sa syudad? "Dito lang muna kayo." Umakyat si Dale sa ikalawang palapag ng bahay kasama si Zack para tingnan ang kwarto ni Dad. Samantalang kami namang naiwan sa baba ay lumilinga lang upang magbantay.
BINABASA MO ANG
Mort Ville (Ongoing)
Mystery / Thriller𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘭𝘪𝘦𝘴. Isang malaking siyudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati rito upang paghiwalayin ang magkaiban...