Kabanata 29

131 8 0
                                    

Chapter 29: Exit

"Are you sure? Parang nadadaanan naman natin 'to palagi, pero wala akong nakikitang pinto palabas," nakakunot ang noong sabi ni Zack habang itinuturo ni Vrake ang makipot na daan.


Hindi na lang ako umimik dahil nakapapagod na ang maglakad. Uhaw na rin ako kaya tumigil muna ako sa paglalakad at kinuha ang bottled water sa gilid ng aking backpack.


"Kaya pa?"


Napatingin naman ako kay Vrake na tumigil din sa paglalakad para sabayan ako sa paglalakad. Samantalang si Blaze at Zack naman ay nauna sa paglalakad at nagdadaldalan. Naging close na rin 'yung dalawa kahit madalas silang nag-aaway.


"Yep. Iinom lang ako. Una ka na," nakangiti kong sabi sa kanya. Pinagmasdan ko naman ang hawak kong bote na wala na palang laman. Naubos ko na lahat agad?


Malungkot kong binalik ang bote sa gilid ng aking backpack at tinapik si Vrake sa kanyang kanang balikat. "Let's go," mahina kong sabi sa kanya.


"Drink mine instead. Marami naman akong nainom before tayo umalis sa Ordinary City," mahinahong saad ni Vrake habang kinukuha ang bottled water sa kanyang itim na backpack.


Nahihiya naman akong kunin ang inabot niya at dahan-dahan 'tong ininom. Pagkatapos ko naman 'tong inumin ay bigla niyang pinitik ang noo ko.


"Aray! Ano bang problema mo?"


Bigla-biglang namimitik ang sakit kaya!


"Are you seducing me? Umiinom ka pa talaga nang dahan-dahan, then you'll bite your lips in front of me? Really, Zaylee?"


Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya dahil hindi ko naman intensyon na gawin 'yon. Gano'n lang talaga ako uminom ng tubig.


"Hoy! I'm not seducing you, Vrake! Gano'n lang talaga ako umino-"


Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang labi ko nang mabilis. Hindi pa ako tapos magsalita pero bigla-bigla na lang niya akong hahalikan?! Nanlalaki ang mga mata ko habang siya naman ay nakangisi lang na nakatingin sa akin.


Mabilis naman akong tumingin sa direksyon nina Zack at Blaze dahil natatakot ako na baka nakita nila ang nangyari. Mabuti na lang ay naglalakad pa rin sila at tanging likuran lang ang nakikita ko sa kanila.


"Why?" nakatulala kong tanong sa kanya habang hinahawakan ang labi ko. Sobrang lakas na naman ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang malambot niyang labi.


"I'm sorry. I can't help it. Did I scare you?"


Mabilis naman akong umiling sa tanong niya. Sa totoo lang ay ginusto ko rin naman 'yon.


"It's okay. Sa totoo lang-"


"Hoy, kayong dalawa diyan! May ipakikita kami sa inyo ni Blaze! Napakatagal ninyo," malakas na sigaw ni Zack sa hindi kalayuan.


Napatawa naman kami nang bahagya, pero mabilis naman niya akong kinulbit habang kami ay naglalakad. "Sa totoo lang, what? Nabitin ako sa sinabi mo."


Ngumiti lang ako sa kanya dahil nahihiya na akong sabihin 'yon sa kanya. Hindi niya ako tinitigilan hanggang sa malapit-lapit na kami kina Zack. Lumapit pa siya sa may tenga ko at bumulong sa akin.


"Kung 'di mo sabihin sa'kin, I'll tell them na I kissed you awhile ago," nakangisi niyang bulong sa akin kaya kumunot ang noo ko.


Ayokong malaman ni Zack 'yon! Nakakahiya kaya!


Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon