Chapter 40: Fear of Truth
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You're just going to stay here and cry for a long time?"
Napataas ang ulo ko dahil napukaw ng atensyon ko ang nagsalita. He is now wearing a white shirt and black jogger pants that made his well-toned and muscular body more visible. Nakapagpalit na siya ng damit, samantalang ako ay nakasuot pa rin ng kulay asul na hospital gown.
Napapahid naman ako ng luha dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin kaya't niyakap ko na lamang ang sarili ko. "Wala ka na ro'n. Why are you here? Dapat nagsasaya ka na with your family. Don't waste your time nang dahil lang sa nakakaawa akong tingnan, Vrake."
Natawa naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sa kanya. Gusto ko lang naman na sulitin na niya ang panahon niya na kasama ang kanyang pamilya kaysa samahan akong umiiyak dito. Umupo siya sa aking tabihan at nakangiting tumingin sa kalangitan.
"Nasa loob pa ng laboratory ang tatay ko. He's a policeman na naka-assign sa kasong 'to. I'm just here to ask him about something, then I saw you here."
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi habang nanginginig na sa lamig ng hangin. Ano na bang month ngayon? Bakit ang lamig masyado ng simoy ng hangin? Napansin naman ito ni Vrake at halata kong hindi siya mapakali.
"I know it's cliché if I'll give you my jacket just like the other guys. Sad to say, wala akong jacket ngayon. Gusto ko lang malaman mo dahil baka nasa isip mo, pinababayaan lang kitang manginig diyan," dire-diretsong sabi ni Vrake habang nakatingin sa kanyang rubber shoes.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Maraming kaganapan ang nangyari sa loob ng Mort Ville kasama siya. Inaamin kong ang bilis lang ng panahon nang malaman kong nahulog na rin ako sa kanya. Siya 'yung tipo ng taong akala mo palagi ay walang pakielam, pero kapag nakilala mo siya, handa siya palaging alagaan at protektahan ka.
"Why are you laughing? Nababaliw ka na ba? Kaiiyak mo lang, tumatawa ka naman ngayon," nakakunot ang noong tanong niya sa 'kin. Umiling-iling naman ako at ngumiti na lang nang malapad.
"I'm just happy na nakikita ko kayong masaya na with your family. Hindi ko nga lang maiwasang mainggit dahil napagtanto kong mag-isa lang ata ako sa mundong 'to. Hindi ko man lang kilala ang pamilya ko at kung meron naman, wala man lang kahit isa ang nagmagandang loob na puntahan ako. It breaks my heart realizing that I think I'm happier inside that stupid experiment instead of being alone here."
Nakikita ko ang mata ni Vrake na puno ng emosyon. Hindi ko nga lang talaga mabasa ang kanyang isipan nang marinig niya ang sinabi ko. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko na para bang wala itong katapusan. Hindi ko na rin mapigilan pa na lumikha nang malakas na ingay dahil sa pag-iyak. Dahil dito, mas hindi mapakali si Vrake habang tumitingin sa aming paligid. Alam kong mukha akong bata ritong nagwawala at umiiyak, pero wala na akong pakielam dahil sobrang sumisikip ang dibdib ko.
"It's okay. Iiyak mo lang. Hinaan mo nga lang kahit konti. Feeling ko kasi aakalain ng mga taong dumadaan, sinaktan kita."
Hinampas ko naman siya gamit ang kanang kamay ko kahit humagulgol pa rin ako. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako at hinahaplos ang ulo ko nang dahan-dahan. Nakabaon lang ang mukha ko sa kanyang dibdib at hinayaan ko na lamang siya. Masakit man ang aking nararamdaman, pero hindi ko maiwasang amuyin ang kanyang damit dahil ang bango nito. Dahil sa barado ang ilong ko sa pag-iyak, napalakas ang pagsinghot ko na agad din namang napansin ni Vrake.
"Yuck! Lalagyan mo pa ako ng sipon, ha?"
"Ano'ng ginagamit n'yong panlaba? Ang bango, eh."
"Akala ko ba umiiyak ka pa?"
Aawayin ko pa sana siya nang may marinig kaming boses na tinatawag si Vrake sa may itaas ng hagdan sa harapan ng Jordin's Laboratory. Mabilis itong nakapunta sa aming harapan at binigyan kami malapad na ngiti.
"Zaylee, he's my dad. You can call him Tito Ridge. Dad, si Zaylee nga pala-"
"She's your girlfriend. Alam ko na 'yan dati pa. Napakilala mo na rin siya sa 'kin bago pa kayo mawala," nakangising sabi ni Tito Ridge. Nanlaki ang mga mata namin ni Vrake sa sinabi ng kanyang ama. He's my boyfriend sa real world?!
"Ang alam ko po ay hindi pa kami. Don't tell me; she's my girlfriend in this world? So that explains why I already have feelings for her kahit kakikilala ko pa lang sa kanya."
"Exactly, son! Ano? Tara na? Hinihintay ka na ng nanay mo. Ikaw nga pala, hija. You can stay at our place for awhile hangga't hindi pa naibabalik sa inyo ang mga parte ng memories n'yo."
Nabigla naman ako sa sinabi ng ama ni Vrake dahil sa kanyang paanyaya. Gano'n ba talaga sila kabait? Nakahihiya naman kung makituloy ako sa kanila. "Nakahihiya naman po sa inyo, Tito Ridge. Abala pa po ako sa inyo."
Natawa naman ito at tinapik pa ang kaliwang balikat ko. "Huwag kang mahiya, hija. Kung alam mo lang, dati pa ay palagi kang nasa bahay namin. Turing na rin namin sa 'yo sa bahay ay anak dahil iisa lang ang anak namin. Paboritong-paborito ka rin ng asawa ko dahil matagal na niyang gustong magkaanak ng babae. Don't be shy, hija. Palagi kang welcome sa bahay namin," nakangiting sabi ni Tito Ridge. Kung titingnan mo siya, ang angas ng datingan niya at nakakatakot siyang kausapin. Dahil sa way ng pagsasalita niya at sa kanyang ngiti, nawala ang lahat ng angas na nakikita ko sa kanya no'ng una.
Pinapasok na niya kami sa kanyang sasakyan at binigyan pa ako ng kulay pulang jacket na nakasabit sa upuan sa unahan. Napangiti naman ako dahil sa bait ng ama ni Vrake. Wala pang isang minuto nang biglang hawakan ni Vrake ang kaliwang kamay ko na nanlalamig.
"P'wede ko naman siguro 'tong gawin bilang boyfriend mo?"
Napatawa naman ako sa kanyang ginawang pagbulong. Hinayaan ko na lamang siya, ngunit hindi rin maaalis sa akin ang pagkakaroon ng hiya dahil hindi pa rin ako sanay sa ganito. Habang umaandar ang sasakyan, hindi ko maiwasang itanong kay Tito Ridge ang mga bagay na gusto kong malaman dahil alam kong may alam naman siya sa akin kahit konti.
"Tito Ridge? May alam po ba kayo tungkol sa aking pamilya?"
Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya dahil sa aking naging katanungan. Itinabi niya rin ang kanyang sasakyan na ikinabigla at ikinahiya ko. May nasabi ba akong hindi maganda? Hindi tuloy ako mapakali dahil sa kanyang naging reaksyon.
"Dad? Ano'ng problema?"
Humarap naman si Tito sa direksyon namin at huminga nang malalim bago magsalita. "Alam ko ang tungkol sa pamilya mo, hija. Nakuwento mo na siya sa amin dati. Sobrang pait ng karanasan mo kaya ayaw kong sabihin ito sa 'yo ngayon. Alam ko ring hindi ka pa handa para malaman ang lahat. Nakikita pa lamang kita ngayon na umiiyak dahil walang sumipot na pamilya sa 'yo ay nakadudurog na ng puso. Tatanungin kita, hija."
Lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako mapakali sa aking narinig na nagpapatunay na hindi nga talaga ako masaya sa mundong 'to. "Y-yes po, Tito. Ano po 'yon?"
"Gusto mo pa bang ibalik sa 'yo ang mga alaala mo kahit habang-buhay kang sasaktan ng mga alaalang meron ka?"
----
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Mort Ville (Ongoing)
Mystery / Thriller𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘭𝘪𝘦𝘴. Isang malaking siyudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati rito upang paghiwalayin ang magkaiban...