Chapter 15: Condominium
Nakaupo lang ako sa kulay itim na sofa sa kwarto ni Zack habang nakataas ang kilay na nakatingin kay Kia.
"Habang wala kayo, tiningnan ko ang kabuuan ng bahay mo dito, Zack. Nakita ko 'to. So, please explain dahil naguguluhan na ako."
Nakangiti si Kia habang ipinapakita ang litratong hawak niya. Napakunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ang litrato. Magkakasama silang lahat dito. Si Zack, Keifer, Dale, Cara, Vrake, at nandoon din si Kia sa larawan. Lahat sila ay malaki ang ngiti. Parte ba ng barkada nila si Kia? Bakit siya napapuntang Ordinary City?
"Hindi lang 'yan. May nakita rin akong litrato nating dalawa." saad ni Kia. May kinuha siyang mga litrato sa bulsa niya. Magkasama silang dalawa ni Zack at nakadampi pa ang labi niya sa pisngi ni Zack. Halata mo ang pagmamahalan nilang dalawa sa larawan na 'yon.
Nakita ko ang malalim na pag buntong hininga ni Zack at padabog na kinuha ang mga litrato sa kamay ni Kia. "You don't need to know the truth, Kia. Ikaw mismo ang may gawa kung bakit mo kami kinalimutan. Next time, huwag ka na mangingialam ng gamit ko."
"I don't understand. Ang al-"
"Shut up, Kia. Matagal na kitang inalis sa buhay ko. Isa ka nalang stranger para sa'kin. Huwag mo masyadong madaliin na malaman ang mga bagay-bagay dahil ikaw mismo ang may gustong kumalimot."
Mabilis namang napatulala si Kia nang marinig ang mga salitang 'yon galing kay Zack. Halata mo ang pagpipigil ng kanyang luha. "Bakit ang sakit mo magsalita? Naaapektuhan ako sa mga sinasabi mo kahit wala akong maalala tungkol sa ating dalawa. Ang hirap."
"Baka nga karapat-dapat lang 'yan sa'yo. Hindi mo alam ang sakit na naramdaman ko noon. Gabi-gabi akong umiiyak. Samantalang 'yung taong iniiyakan ko, walang maalala."
Hindi na makapagtimpi pa si Kia kaya agad niyang kinuha ang litrato nila ni Zack at mabilis itong pinunit. "Stranger nalang ako sa'yo 'di ba? Dapat 'di mo na 'yan tinatago pa. Sinunog mo nalang sana ano? Don't worry. Hindi na kita guguluhin, Zack Jordin." mariing sabi ni Kia at padabog na lumabas ng pinto.
Hindi ako makapagsalita nang maiwan kami ni Zack dito. Kita ko sa mga mata niya na nagpipigil lang din siya ng luha. Kinuha pa niya ang mga litratong pinunit ni Kia kanina at pilit itong inaayos.
"Ang dali para sa kanyang punitin ang huli naming litrato bago niya ako kalimutan. Wala talagang pag-asa para sa aming dalawa."
Wala naman akong masabi dahil wala akong karapatan para manghimasok sa probema nila. Nabigla lang din ang sa mga nangyayari ngayon. Masakit siguro ang nangyari sa kanilang dalawa noon.
"Saan nga pala pupunta 'yon? Walang mapupuntahan 'yon for sure."
"Don't worry about her. Bestfriend niya si Cara. Alam kong tutulungan siya non."
Napatango nalang ako sa sinabi ni Zack. "Sabi nga pala ni Keifer kanina, tanggapin mo na raw 'yung offer niya sa'yong condo. Sinabihan ko na rin naman siya dahil ayokong may kasama ako dito. Pampasikip ka lang eh."
BINABASA MO ANG
Mort Ville (Ongoing)
Mystery / Thriller𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘭𝘪𝘦𝘴. Isang malaking siyudad na hinati sa dalawa. Dalawang malaking pagkakaiba kung saan may malaking pader na naghahati rito upang paghiwalayin ang magkaiban...