Kabanata 20

496 14 0
                                    

Chapter 20: War

"Parehas lang ba kami ng nanay n'yo? Nakalimutan namin lahat ng-"


"No. Hindi kayo parehas. Dahil si Mom, hindi niya pinili na kalimutan ang lahat. Ikaw, pinili mo talaga."


Nararamdaman ko ang tensyon nilang dalawa sa isa't isa habang nandito pa rin kami sa bahay ng aming ina. Napatayo naman si Kia at nilapitan si Zack na nanlilisik ang mata sa galit.


Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng kakambal ko. "Ano bang problema mo sa'kin? Hindi ko nga alam lahat ng nangyari! Kung sinasabi mo nalang 'no?!"


"Uy! 'Wag na kayo mag-away. Mapag-uusapan naman 'yan." Nag-aalalang sabi ni Mom na may kunot sa kanyang noo.


Binitawan naman ni Kia ang kwelyo ni Zack at pinakalma ang sarili bago umupo. "Gusto ko lang malaman lahat. Sumama ako sa inyo para malaman ang katotohanan. Sobrang hirap para sa'kin na mabuhay nang wala man lang natatandaan. Parang may kulang sa'kin araw-araw."


Bumuntong-hininga si Zack at tumingin sa ibang direksyon. Mahirap nga talaga kung wala kang natatandaan sa nakaraan mo. Wala ngayon si Carlo dahil inutusan ni Mom na ibenta ang mga natitirang sampaguita para na rin hindi niya marinig ang mga pinag-uusapan naming apat.


"Sige. Sasabihin ko sa'yo lahat."


Nakita ko sa mga mata ni Kia ang determinasyon na malaman ang lahat. "Go on. Makikinig ako."


"Dito sa Mort Ville, isa ka lang tauhan ng tatay mo. Matalik na magkaibigan ang ama natin na mga namumuno sa Ordinary City. Ikaw 'yung nagsasabi lahat ng plano namin para pabagsakin ang Mort Ville. Kinaibigan mo lang kaming lahat na kasali sa High section para sa mga plano n'yo ng tatay mo."


Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Zack dahil alam niya pala lahat 'yon. Samantalang kaming dalawa ni Kia ay hindi mapakali sa narinig. Edi kaaway pala talaga namin si Kia?


"Dumating ang araw na nagustuhan mong manatili dito. Nagkagusto ako sa'yo at ganon ka rin. Tinanggap ko lahat ng sikreto mo. Ang traydurin kaming lahat na mga kaibigan mo. Kahit sinabi mo mismo sa sarili kong ama na pumupunta ako sa Mort Ville at nag-iiba ng pangalan. Hindi ko dinamdam 'yon dahil mahal kita, Kia."


Nagpapatuloy sa pagsasalita si Zack habang namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakakunot naman ang noo ni Kia at tahimik lang na nakikinig sa sinasabi ni Zack.


"Hanggang sa pinapili ka ng ama mo. Kung kami bang mga kaibigan mo o siya. Pinili mo siya kahit alam mong darating ang araw na mapapahamak kami at ang mga tao sa syudad na 'to. Mayroon silang itinuturok na gamot na matagal na nilang pinag-aaralan. Ito ay para makalimutan ang lahat ng 'yong nakaraan. Pinili mong kalimutan kami para magkaroon nang maayos na buhay sa Ordinary City. Sobrang selfish mo. Hindi mo man lang naisip ang naiwan mo sa Mort Ville at ang mga pinagsamahan natin. Alam din ni Dale ang lahat tungkol sa'yo pero pinili lang din niyang manahimik dahil tinuring ka niyang matalik na kaibigan."


Nakatulala lang si Kia kay Zack na ngayon ay naluluha na. Inaalala siguro niya ang nangyari noon. Kaya naman pala hindi ko siya makausap nang maayos noon dahil may pinagdadaanan siya.

Mort Ville (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon