Gabrielle's POV
Pagkatapos ako tanungin ni kulot na maging girlfriend nya mas lalo kaming madalas magkita. Kaya nya daw ako tinanong na maging girlfriend nya para tigilan na sya ng mga babaeng humahabol sa kanya.
Ayaw daw kasi nya ng hassle na may nga babaeng nag-aaligaga sa kanya. Arte naman nya. Ang dami ngang lalaking gusto habul-habulin ng babae eh.
"Anong mas gusto mo dito sa dalawa?" tanong nya habang hawak ang dalawang magkaibang Iphone Case
Tinuro ko lang ang gusto ko at tinalikuran na ulit sya. Bahala sya jan. Nilaglag nya yung phone ko sa kanal. Di ko maintindihan kasi sa kanya kung bakit kailangan nya pang nakawin yung phone ko para ang maglaro eh meron naman siyang sariling phone. Nalaglag tuloy sa kanal nung mabangga sya nung isang lalaki habang nag-lalaro sya.
Kinuha ko na yung mga cases tapos hinila ko na sya papunta sa cashier. Bumili kasi kami ng bagong cellphone kaya bumili narin kami ng bagong case para sa bago naming phone.
"Wow ang sweet naman po. Couple cases." kinikilig na sinabi nung nasa cashier
Tinignan ko yung binayaran ko at nakitang couple cases nga. Anak ng! Kinurot ko sa tagiliran si Kulot at kinuha na sa babae yung case ng phone.
Dire-diretso akong lumabas ng store at nagpunta sa starbucks. Ako na adik sa kape. Naupo muna ako sa upuan at kinuha ang bago kong cellphone. Tatawagan ko pa sila Mama.
"Huy galit ka pa ba?" tanong nya sakin na nakapout
Sinamaan ko siya ng tingin at pinagpatuloy na ang pagkakalikot ko sa phone ko.
"Huy." pangungulit nya habang kapit na kapit sa braso ko
Nakakainis naman kasi e kung di naman dahil sa kanya di malalaglag yung phone. Tinignan ko siya at nakitang nagmamakaawa na ang muka nya.
"Kasi naman eh, dahil sayo wala na yung isa kong phone! Wala na tuloy yung pictures ko dun!" naiinis kong sinabi bago binaba ang phone sa lamesa
"Eh binato mo din naman yung phone ko ah!" sigaw nya na nakatayo na
"Eh kasi nilaglag mo yung sakin!" sigaw ko na nakatayo na din at nakapamewang
"Baby naman." malambing nyang sinabi
"Wag mo ko matawag-tawag na baby! Hindi mo ko baby." inis kong sinabi
"Aba naman! Matagal na kitang tinatawag na baby tapos ngayong galit ka bawal na. Aba matinde." sarcastic nyang sinabi
"Matinde talaga!" galit kong sinabi
Hinila nya ako palabas ng starbucks dahi ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami. Nagmamaktol na nagpahila lang ako sa kanya palabas.
Hanggang sa makalabas kami ng mall hinihila parin nya ako. Isinakay nya ako sa sasakyan at pinitik sa noo.
"Aray ko naman!!" sigaw ko bago hinila ang buhok nya
"Iistraightin ko yang kulot mong buhok!!" sigaw ko habang sinasabunutan sya
"Gagawin kitang sanggol!" sigaw naman nya habang pinipisil ang pisngi ko
"Argh! Nakakainis ka talaga!" sigaw ko bago binitiwan ang buhok nyang napakagulo na
"Ikaw naman nakakapikon ka!" sigaw nya at humarap na sa manubela at pinaandar ang sasakyan
Nag-away kami dahil sa simpleng bagay tapos magkakabati din naman. Abnormal talaga eh.
"Sorry." sabay naming nasabi
Nagkatinginan kami at natawa nalang. Para sa one month na nakasama ko sya ganitong ganito lang kami.
Magkaiba man kami ng courses at kahit lunch break lang kami nagkakasama naging super close kami. Kahit hindi kami magpanggap na couple napagkakamalan parin kami.
"Uwi na tayo. Nagcutting classes lang naman tayo eh." natatawang sinabi ni Kulot
"Oo kulot at lagot nanaman tayo kay Papa."
Ngumiti lang sya at binigay sakin ang phone ko. Samantalang inayos ko naman yung kanya.
"Tinawag mo kong kulot kaya baby padin tawag ko sayo." nakangisi nyang sinabi
"Sa totoo lang hindi ko alam bakit tinatawag mo kong baby eh. Alam kong minsan childish ako pero--"
"Baby hindi lang minsan palagi." poker face nyang sinabi
Pinalo ko siya sa braso at sinimangutan.
"Oo na childish na kung childish. Ayos na rin sigurong baby wag lang babe. Pangbaboy eh."
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.