Gabrielle's POV
"Wag ka ngang maingay baka mahuli tayo eh!" bulong ko habang umaakyat sa bakuran ng kapitbahay namin
"Eh nakakatakot kasi yung aso!" sigaw nya habang nakikipag eye to eye sa aso
"Hindi ka naman aanuhin nyan. Andito ko." natatawa kong sinabi habang hawak ang kamay nya
"Bibigwasan kita Gaby kapag nakagat ako nyan!" impit nyang sigaw
"Oo na. Oo na! Wag ka lang makulit." bulong ko habang hinila sya papunta sa puno
"Ano bang naisip mo at manguha ng mangga?! Buntis ka ba? Hindi pa naman kita--"
Napaharap ako sa kanya na nag-iinit na ang muka. Hinampas ko siya sa braso nya at kinurot ang tagiliran nya.
"Napakabastos mo talaga." naiinis kong bulong sabay takbo papunta sa ouno at iniwan sya kasama nung aso
"H-hey don't l-leave m-me h-here!"
"Just wait me there." sinabi ko at sinimulan ng akyatin yung puno
"Mag-iingat ka!" sigaw na bulong nya
"Oo na! Daig mo pa si Papa e!" inis kong sinabi habang umaakyat padin sa puno
"Aray!" naiiyak kong sinabi at kinmot ang tagiliran ko
Okaaaay~ may hantik. Kailangan kong bilisan. Nagmamadali akong umakyat sa puno at dahan-dahang tinulay ang sanga para maabot ang nakita kong hinog na mangga. Nang makuha ko na yung mangga dahan-dahan akong naglakad at dahan-dahang bumaba sa puno. Nakita kong nakikipag eye to eye parin si kulot dun sa aso. Lumapit ako sa kanya at hinila na sya palabas ng bakod.
"Del Valle!!! Isusumbong kita sa tatay mo!!" sigaaw ng may-ari ng bahay
"Salamat po!" sigaw ko
Umakyat na si kulot sa bakod at ako naman tinulungan nyang makaakyat. Nagtatakbo na kami pauwi ng bahay. Tumatawang nakauwi kami sa bahay. Humihingal na humiga kami sa kahoy na kama sa labas ng bahay at nakita ko nalang si yaya na nakahanda na ang kutsilyo at bagoong.
"Pasaway ka talaga." inis na sinabi ni Yaya sabay lapag ng kutsilyo at injwan na kami
Narinig kong napahagalpak si kulot sa tawa at tumingin sakin na parang sobrang saya. Ngumiti lang ako sa kanya yung ngiting aso at nawala din agad ang ngiti ko ng mangati ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Ayt! Kulot! Tignan mo nga kung may langgam sa loob!" sigaw ko at tinaas ang tshirt ko
"Wala namumula lang." sagot nya at pinagpagan ang likod ko
Ibinaba ko na ang tshirt ko at umupo na katabi nya. Sinimulan na nyang hiwain yung mangga ako naman kinalikot yung phone ko. Binuksan ko yung camera at pinkturan sya habang naghihiwa ng mangga. Seryosong seryoso kasi yung muka nya eh. Nakakunot noo tapos nakaipit yung dila nya sa labi nya. Nagmamadali kong pinost yung picture sa instagram at nilagyan ng caption na 'with my kulot and yummy mangoes'.
Nang maupload ko na yung picture humiga nalang muna ako at inantay syang matapos. Nagscroll muna ako sa instagram at maya-maya lang ay marami na ang nagcomment sa picture nya. Binuksan ko lahat ng notification at binasa. Nakakatawa yung ibang comment yung iba naiinggit lang. Hanubayan!
Napatigil ako sa pagiiscroll ng marinig ko syang humahagikgik at yung notification ringtone nyang paulit-ulit na tumunog. Umupo ako at lumapit sa kanya at nakitang naguplad din ng picture ang loko. Pinalo ko sya sa ulo nya sa inis ko pero etong loko gumanti.
"Aray ah! Masakit kulot." inis kong sinabi
"Ikaw kasi. Ambigat ng kamay mo." sagot nya sabay subo ng mangga
"Aba! Pahingi ako!" sigaw ko habang inaagaw yung mangga
"Magbalat ka ng sarili mo!" sigaw nya sabay abot ng mangga sakin na may balat pa
"Nakng!" sigaw ko tapos hinawakan yung mangga at kutsilyo
Pano ba to? Dahan-dahan kong sinimulan yung mangga pero wala pa man ako sa kalagitnaan ng mahiwa ako. Ay tanga naman!
"Oops." bulong ko sabay tingin sa kanya
Nanlaki naman ang mga mata nya at hinila ang kamay ko. Tinitigan nya ang daliri ko na parang titigil sya sa pag-dudugo pag ginawa nya yon. Pinalo ko sya at hinila ang kamay ko.
"Wait lang nga! Kitang nagdudugo oh!" sigaw nya sabay buhat sakin
"Hoy baliw ka ba? Kaya ko maglakad!" sigaw ko pero patuloy parin sya sa pagtakbo papasok ng bahay
"Oh anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Yaya
"Nasugatan lang po." sagot ko at ipinakita ang daliri ko
"Eh bat buhat ka nyang si Marcus?" taas kilay na tanong ni yaya
"NagpakaOA nanaman yan." sagot ko kay yaya na natatawa
"OA?! Eh nadu--" tinakpan ko nalang ang bibig nya at bumaba na sa pagkakabuhat nya
"Go g yaya! Gamutin mo na to. Mahapdi na talaga e." nakangiti kong inabot ang kamay ko at sinimulan na nga ni yaya gamutin
"Sigurado ka bang bestfriend mo lang yan at hindi boyfriend? Alalang-alala eh." bulong ni yaya
Sinamaan ko ng tingin si yaya at natatawang nag-focus nalang sya sa sugat ko.
"Sorry na baby." malungkot na bulong ni kulot
"Problema mo? Bat ka nagsosorry?" tanong ko
"Malamang nasugatan ka dahil sakin."
"Ikaw ba yung kutsilyo?" sarkastiko kong sagot
Tumingin lang sya sakin at pinitik ang noo ko.
"Oo na. Oo na. Gets na kita. Ipagbabalat na nga lang kita." nakangiti nyang sinabi
"Yun naman pala eh! Oh edi lafang na this!" sigaw ko at hinila na sya palabas ulit
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.