Gabrielle's POV
I'm so drained. Hindi ko na ata kaya. Hihimatayin na ako. My last days ng suspension wala akong ginawa kundi mag-review ng mga ikuquiz ko. Talagang wala naman napasok sa isip ko eh. Kanina pa ako natapos sa mga quizzes ko at so far nakasabit ang grades ko. Ayoko lang talaga ng ganitong rare na pagpapaquiz ng teachers ko eh. Mas gusto ko pa yung projects at sandamakmak na plates or artworks. Ayoko lang sa quiz.
Naramdaman kong may humihimas ng buhok ko at alam na alam ko na kung sino yan. Sya lang naman ang gumagawa nyan sakin eh except kay Kuya.
"Kulot." bulong ko at itinagilid ang ulo ko paharap sa kanya
"Umayos ka nga baby. Para kang tanga jan." nangiinis nyang sinabi
"Pintas pa more. Sobra kaya akong napagod! Dinugo yata ako sa quizzes ko kanina." inis kong ginulo ang buhok ko at naiiyak na ibinagsak ang ulo ko
Bago pa man tumama ng sobrang lakas ng ulo ko sa lamesa napigilan na niya. Inayos nya ang pagkakaupo ko at isinandal ako sa upuan ko. Pinitik nya ang noo ko at kinurot ang pisngi ko.
"Anong gusto mo? Ililibre kita." pagkasabi niya nyan para akong nabuhayan ng loob at hinila siya
Narinig ko nalang syang tumawa sa ginawa ko. Kumapit lang ako sa braso nya dahil baka pag-order ko iwan ako nito eh.
"Gusto ko nung cho--"
"Babe sino yan?! You're cheating on me?!" sigaw ng isang matining na boses ng babae
Sabay kaming humarap ni Kulot at totoo ngang babae ang sumigaw. Babaeng pang-model ang muka at katawan. Pustahan walang utak yan. Oo ako na pintasera.
"Cheating on you? Are you my girlfriend?" iritadong sagot ni Kulot na nakaakbay na ngayon sakin
Teka nga?! Parang pamilyar tong nangyayari eh. Kung sakali mang mangyayari yon sigurado akong pangatlo na to. Lagot nalang ako nito kay Papa. Siguradong aabot sa kanya ang balita.
"I'm your girlfriend Marcus!!!" sigaw nung babae na umiiyak na
Agaw atensyon pa more ateng. Naiinis na ko sa babaeng to ang arte ah. Walang emosyon ko syang tinitigan. Kumaoit ako sa bewang nitong si Marcus na mukang ikinagulat nya. I looked up to him and winked.
Tutulungan ko nalang sya. Para mas maganda makikisakay nalang ako. We're friends naman.
"Pwede bang manahimik ka. Gutom na ako. Iniistorbo mo kami ng boyfriend ko." inis kong sinabi
Totoo yan gutom na ako at naiinis na ko sa boses nya pero hindi totoo yung huli.
"Wag ka makisali dito hindi kita kinakausap." masungit na sambit nung babae
"Eh kung di ka ba naman manhid naramdaman mo ng ayaw ka kausapin ng boyfriend ko at kung hindi ka naman slow nagets mo ng akin lang to!!" kunwari kong galit na binanggit na nakapamewang pa
Tinignan ko ng maigi yung babae at muka na syang sasabog sa inis. Lumapit sya sa sakin at tinignan ako ng masama. Tumingal ako sa kanya at nakangising hinigpitan ang kapit kay Kulot.
"Why you?!" inis nyang sigaw at akmang sasampalin ako ng pigilan yon ni Kulot.
"Don't you dare hit my baby." stern na sinabi ni Kulot
Nice one! Boom Panot! Alis sya eh! Tumatawang kinurot ko sa tagiliran si Kulot at nakipag-apir sa kanya.
"Oh pwede na siguro akong umorder. Gutom na ko." I said then wriggled my eyebrows
"Oo na." tipid nyang sagot
Pagkatapos kong umorder siya na ang nagdala ng pagkain ko sa lamesa at sinamahan akong kumain.
Kumain lang ng kumain habang sya nasa harap ko at walang ginawa kundi ang pagtawanan ako.
"Bakit ba tumatawa ka?" inis kong tanong sa kanya
"Daig mo pa lalaki kumain eh." sagot nya sakin
"Eh ganun talaga. Ikaw nga daig mo pa babae eh." pang-iinis ko sa kanya
"Eh bakla ako eh." seryoso nyang sinabi
Nabilaukan naman ako sa kinakain ko at sinipa siya sa ilalim ng lamesa. Ano bang pinagsasabi nito?
"A-anong--"
"I'm gay Gabrielle. Ikaw palang ang nakakaalam nyan."
Seryoso nga ata itong taong to. Pero sa lakas nya manuntok at sa itsura nya hindi siya bakla. Kaso nga lang allergic sya sa babae.
"KULOT!" sigaw ko
Tinakpan nya ang bibig ako at kumindat sakin. Totoo nga. Nako naman!
"Secret lang natin to baby ah! Baka naman ipagsabi mo kila Papa sasapakin talaga kita." banta nya sakin
"Hindi ako naniniwala na shoke ka." inis kong sinabi sa kanya
Tumawa sya at binato ako ng fries. Bago lalong lumapit sakin at akbayan ako.
"Bakla ako maniwala ka. Kumbaga hindi ko gusto ang mga lalaki pero girl ako at heart." nakangiti nyang sinabi
"Please wag mo ko lokohin naiinis na talaga ako!" sigaw ko sa kanya bago sya sinuntok sa braso
"Fine. Hindi na kita lolokohin." tumatawa nyang sinabi
Phew. That was close. Buti nalang hindi sya bading.
Eh bakit ba ayaw mo syang maging bading?
Bakit nga ba ayoko?
Naramdaman kong mas lalo syang lumapit sya sakin at nilapit ang bibig nya sa tenga ko.
"Gaby, be my girlfriend." bulong nya
"No fvcking way!" sigaw ko
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.