Chapter 11- Sketch ni Kulot

54 1 0
                                    

Gabrielle's POV

"Ma!!" sigaw ko mula sa labas ng bahay habang hila-hila si Marcus, Toby at RJ

"Oh bakit?!" sigaw ni mama mula sa kusina

"Ma pwede ba magovernight kami?" malambing na sinabi ni Toby kay mama

Ginulo nalang ni mama yung buhok ni Toby at tumawa.

"Magtanong ka sa tito mo." sagot ni Mama kay Toby

"Nako naman! Uuwi nalang ako tita. Lagot ako nyan kay tito eh." sagot ni Toby

"Bakit? Nakakatakot ba si Tito?" tanong ng walang kaalam-alam na si Marcus

"Alam mo kulot. Manhid ka lang talaga at hindi mo alam na nakakatakot si Papa." nakangisi kong sinabi sa kanya

"Manhid ako?" tanong nya

"Oo at slow." sagot ko at iniwan na sila sa kusina

Ako nalang mag-tatanong. Nasa taas naman ata si Papa eh.

"Papa!!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto nila ni Mama

Bumukas ang pinto at nadatnan kong sandamakmak na papers ang nasa sahig nila ni Mama. Napasimangot ako at dahan-dahan naglakad papasok.

"Pa! Pwede mag-overnight sila Toby, RJ at kulot?" tanong ko kay Papa

"Sinong kulot?" takang tanong ni Papa

"Si Marcus." sagot ko

"Hindi pwede." matigas na sagot ni Papa

"Why?!" inis kong sigaw

"It's because I don't want him here!" sigaw nya na namumula na

"Eh! Papa naman! Sige na!" sigaw ko at nagsisimula na magtantrums

Oo na! Ganito talaga ako. Childish. Nakasanayan ko na to eh.

"Fine! Kahit ayoko! Don't you dare sleep with them!" sigaw nya at sinamaan ako ng tingin

Nagtatatalon ako sa tuwa at hinalikansa pisngi si Papa bago bumaba na.

"Okay na!" sigaw ko pababa ng hagdan

"What's with you bitch?" takang tanong ni Kuya

"KUYAAAA!!!" sigaw ko at tinalunan sya

Sinalo naman nya ako at hinalikan sa pisngi. Matagal kasing nawala si Kuya. Mga two days! Meheheh~ meron kasi silang pinuntahan ng kaibigan nya.

"Kuya! Sali ka? Mamaya?" excited kong tanong sa kanya

"Saan?" tanong nya bago ako ibinaba

"Overnight sa labas ng bahay." sagot ko na todo ngiti

"With whom?" taas kilay nyang tanong

"Them!" turo ko sa mga kaibian ko

"Hmmm. Okay." sagot ni Kuya na nakangiti

"Yey!" sigaw ko at nagtatatalon

"Napakachildish mo talaga eh no?!" tanong ni kulot

"Edi wag ka sumama!" sigaw ko at tinaikuran na siya

Naramdaman ko yung braso nya sa balikat ko kaya tinanggal ko ng padaskol at umakyat na sa kwarto. Drawing pad ko!!! Nasan ka?!

Hinanap ko yung drawing pad ko at nang makita ko yun sumalampak ko sa sahig at nagdrawing. Habang nililipat ko yung pages napansin ko yung isang drawing ko na sobrang pamilyar.

Brown curly hair, almond shaped brown eyes, long eye lashes, pointed nose, red pouty lips, high cheekbones and strong jaw.

Fuck! Si kulot! Holo! Hindi ko alam na siya yun?! Siya yung dinrowing ko sa park!?

"WHAT THE HECCCKKKK!!" sigaw ko ng sobrang lakas na hindi ko na narinig na nagbukas na ang pinto

"What happendd to you?"

Tumingala ako at nakita ko si Kuya na nakatayo sa may pintuan buhat-buhat ang sndamakmak na comforter. Tumakbo ako palaoit sa kanya at pinakita sa kanya yung drawing ni kulot.

"Bitch tignan mo!" sigaw ko habang nakaturo sa drawing ko

"Oh anong meron jan?" tanong nya na nakakunot noo

"Si kulot pala to?" taka kong tanong

"Oo bakit di mo alam?" tanong ni kuya na mukang natatawa sa reaksyon ko

"Psh. Kakainis naman." bulong ko

"Tara na nga. Wag ka na mag-inarte jan." aya nya

"Sige sasakay ako sa likod mo." ngiting aso kong sinabi

"Ayoko. Mabigat ka." sagot nya na nukang naiinis

"Eh! Dali na! Hanggang sa baba lang naman!"

"Fine!"

Sumampa na ako sa likod nya at masayang kumapit. Dahan-dahang bumaba si Kuya dahil nga nasa likod nya ako. Pagkababa namin ni kuya naabutan naming nakaupo ng maayos yung tatlo at kaharap si Papa. Sino pa ba yung tatlo edi sila kulot, Toby at RJ.

"Wag na wag kayong gagawa ng kalokohan. Wag kayong magpaimpluwensya sa anak ko. Kilala ko si Gaby. Alam kong hindi yan makakatiis na gumawa ng kalokohan." masungit na sinabi ni Papa dun sa tatlo

"Di naman masyado." bulong ko na mukang narinig ni Kuya kaya napatawa sya ng malakas

Napatingin samin sila Papa at yung tatlo. Namutla naman si Papa at nginitian nalang ako. Sinimangutan ko sya at nagtago na sa likod ni Kuya. Bahala sya jan. Makapintas naman si Papa. Sobra.

"Gaby. I'll go na. Don't be angry I'm just stating a fact. I'll be gone for two days again. Bye." pagpapaalam ni Papa at hinalikan ako sa noo bago umalis kasama si Mama

"Ma! San ka punta?" sigaw ko baho makalabas si Mama

"Hatid ko lang papa mo!" sigaw nya bago lumabas na ng bahay

Well~ let's start the party!

Just Innocent LoveWhere stories live. Discover now