Gabrielle's POV
Nang makauwi kami ni Mama sa bahay naglakad na ako papunta sa kwarto ko at ako'y maglalaro pa ng COD. May mission pa ako dun. Aalis din naman si Mama eh. Wala din naman si Papa. May pareho silang trabaho. Sa isang araw pa ang off nila so mag-eenjoy muna ako dito.
Mga ilang minuto din akong nag-laro ng COD ng tamaan ako ng pangangati ng kamay. Drawing time! Hinagis ko lang sa kama ang pobreng game controler at hinablot mula sa side table ko ang doodle notebook ko at nagpunta sa kwarto ni Kuya. Pagkabhkas ko ng kwarto nya nakita ko si Kuyang nakaupo sa dahig at napapalibutan ng sobrang daming papel at ang laptop nya. Lumapit ako sa kanya at umunan sa hita nya. Umayos sya ng pagkakaupo ay inayos ang ulo ko.
Sweet namin no? Kakambal ko yan e kaya ganun talaga. Kuya Is Hart.
Hindi busy si Kuya-- o ako lang pala kasi as of now may ginagawa si Kuya na assignment. Ako naman hawak lang ang doodle notebook ko at nagdodrawing ng kung ano-ano. Eto naman talaga ang gawain ko eh. Si Kuya kasi gusto nya talaga makuha yung kompanya... ako ayoko. Boring dun eh.
"Kuya pwede bang sa labas muna ako? Dun lang ako sa park."
Umiling si Kuya kaya nilapitan ko pa siya lalo at hinawakan sa braso. Nagsumiksik ako sa tabi nya at yumakap ng mahigpit. Tinigil nya ang ginagawa nya at pinitik ang noo ko. Napahawak ako sa noo ko at napatingin sa kanya.
"Sige na. Wag kang lalayo."
Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi bago tumakbo pababa ng hagdan. Hinablot ko mula sa sofa ang jacket ko at sumbrero bago tuluyang lumabas ng bahay. Masyadong mainit sa labas baka maging pula-pula magka-sun burn ako.
Pagkalabas ko ng bahay naglakad-lakad lang muna ako sa paligid ng park ng may makita akong magandang pwesto kaya agad akong umupo at sinimulang mag-drawing. Maganda mag-drawing dito tahimik.
Nang matapos ako sa dino-drawing ko itinabi ko muna yun at tumingin-tingin sa paligid ko. Bihira lang ang tao sa park na to kasi may isa pang park sa kabila na mas maganda pero para sakin mas maganda tong park na to.
Malapit narin palang lumubog yung araw. Tatayo na sana ako para umuwi ng may mapansin akong lalaking nakupo sa may puno at nakatingin sa araw. I can't resist such a beautiful scene. I sat down and started drawing him. He's the best model I can have and it's free. Ilang model na din ang kinailangan o at ilang araw din akong nag-ipon para mabayaran sila. Nag-iipon kasi ako at ayokog galawin ang pera ko na binibigay nila mama kasi yun ang savings ko.
Ilang minuto din ang lumipas nang matapos ko siyang drawing. I looked at my drawing and felt amazing. Ang ganda! Sobra! It's magnificent. Kakaiba din kasi ang kagwapuhan nung lalaking yun eh. Muka siyang anghel. Maputi at makinis na balat tapos matangos na ilong. Chocolate brown eyes at brown hair. Hindi ko napansing nakatitig ako sa kanya kaya muntik na akong mahulog sa upuan ko sa gulat ng makita kong nakatingin pa din sya sakin. Tumayo na agad ako sa kinauupuan ko at nag-lakad na pauwi.
Grabe! Kinabahan ako dun ah! Mamaya pag-bayarin nya ako dahil sa pagdrawing ko sa kanya. Nako. Wala pa naman akong pera.
Tumakbo na ako pauwi at tumingin sa likod ko at nakitang hindi naman ako nahabol o napansin nung lalaki. Para naman akong tanga eh. Bakit ba ako natakbo eh di naman nya ako aanuhin?! Dinrowing ko lang naman sya. Napakamot nalang ako sa ulo ko at pumasok sa loob.
Nakita kong nakapark na ang sasakyan nila Mama at Papa kaya siguradong nasa loob na sila. Pumasok na ako sa loob ng bahay at inabutang nanunuod ng TV sila Mama. Lumapit ako sa kanila at sumiksik sa tabi ni Kuya. Ipinatong ko ang binti ko kay Kuya at nakinuod sa pinapanuod nila. Nanunuod sila ng horror.
"Kuya alam mo kinuwento sakin nung kabigan ko nung nanuod sya nyan binisita sya nung multo." bulong ko kay Kuya.
Nakita kong nanlaki ang mata nya at nagulat pa ko ng bigla nya akong hilahin at kinurot sa tagiliran.
"Aray!" sigaw ko at napahawak sa tagiliran ko
Tumayo ako sa upuan ko at lumipat papunta sa tabi ni Papa. Kumalong ako kay Papa at sinamaan ng tingin si Kuya.
"Papa kinurot ako ni Kuya." sumbong ko kay Papa
Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. Ngumiti ako at yumakap kay Papa. Close kami nyan ni Papa eh. Kaso minsan nakakainis yan kasi sobrang protective. Pero loves ko yan. Kaya lagi akong nagkukwento ng mga nangyayari sakin sa kanya kasi good listener sya di katulad ni Kuya inaaway agad ako.
"Pa alam mo may nakita akong gwapong lalaki sa park kanina. Dinrowing ko pa nga sya eh. Tignan mo."
Di ko na napigilan na ikuwento kay Papa at ipakita sa kanya yung dinrowing ko kanina. Napangiti siya at iniabot kay Mama yung drawing.
"Darling sino to?" nakangiting tanong ni Mama
Napatingin sa kanya si Papa at sinamaan sya ng tingin. Kinuha ko ang notebook ko kay Mama at inilagay sa loob ng jacket ko. Tumayo na ako at naglakad na palayo sa kanila.
"Mama eto yung lalaking nakita ko sa park. Di ko alam pero ngayon lang ako naamaze sa isang mukha ng tao. Kaya dinrowing ko siya."
He's one magnificent of a guy.
Él es mi obra maestra. (He is my masterpiece)
Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at umakyat na sa kwarto. Inaantok na ko. Well di pa pala. Mag-pepaint nalang muna ako.
I'll paint him.
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.