Chapter 13- Overnight part 2

67 2 0
                                    

Third Person's POV

Marcus was laughing so hard while running around the Del Valle's Residence. Hindi nya mapigilang tumawa ng malakas ng makita nyang hinahabol ni Gabrielle si RJ. Napakalayo ng agwat ni Gabriele kay RJ kaya't mabilis itong naiinis na sumalampak nalang sa damuha. Naiinis nitong ipinadyak ang paa at umiyak na parang bata.

Napapailing nalang ang natatawang si Eriol sa inaasta ng kanyang kakambal. Bihira malasing ang kakambal nya at malalasing lang ito kung pagod ito o talagang may problema. Ugaling umiyak at maglambing ng lasing na si Gabrielle na kabaligtaran naman kung siya ay hindi lasing. Naranasan na niyang mag-alaga ng lasing na Gabrielle dahil ugali nitong umuwi ng lasing kapag may hindi magandang nangyayari sa school.

"Gabrielle come here." mahinahin nyang tawag sa kapatid

"Kuya nilalayuan nila ko oh! Di ko naman sila aanuhin eh. Ikikiss ko lang nanan sila eh. Gabrielle wants to kiss them." umiiyak na sigaw ni Gabrielle habang nakayakap sa kakambal

Hinimas naman ni Eriol ang magulong buhok ni Gabrielle at niyakap din ito. Mga ilang segundo lang ay humiwalay na si Gabrielle sa kapatid at lumaoit naman sa nananahimik na si Marcus. Agad namang lumapit si Eriol sa dalawa at inabangan ang gagawin ni Gabrielle.

"Kulot. Kulot. kulot." paulit-ulit na sinabi ni Gabriele habang nilalaro ang buhok ni Marcus

"Baby stoo doing that." pigil ni Marcus sa kaibigan na dikit na dikit sa kanya

"Gabrielle stop it." saway naman ni Eriol sa kapatid

"Eh! Ayaw! I want to play with him! He looks cute! I like him. Can I keep him? He's cuddly." parang batang sinabi ng lasing na si Gabrielle habang unti-unting yumayakap sa natatawang si Marcus

Tuluyan na ngang yumakap si Gabrielle sa kaibigan ngunit bigla itong tumayo at tumakbo palapit sa dalawa pa nyang kaibigan na nakaupo at tinalunan ito. Bumagsak sila sa damuha at sinimulan na ngang halik-halikan ni Gabrielle ang mga kaibigan. Sa pisngi, sa leeg, ilong, at tenga. Agad namang lumapit si Eriol at Marcus sa tatlo at bago pa man mahalikan ni Gabrielle ang labi ng dalawa ay agad na napigilan na ito ni Marcus.

Hindi alam ni Marcus pero kusa ng gumalaw ang katawan nya na parang ayaw nyang halikan ni Gabrielle ang dalawang kaibigan sa labi.

"GABRIELLE!!" malakas na sigaw ng dalawa nyang kaibigan na ikinagulat ni Gabrielle

Bigla nalang itong umiyak ng sobrang lakas kaya agad namang lumapit si Marcus dito at niyakap ito para sana i-comfort pero yunakap ng todo si Gabrielle sa kanya kaya binuhat nalang nya ito na nakaharap sa kanya. Nakapaikot ang dalawang binti ni Gabrielle kay Marcus at yakap-yakap nya ito na parang ayaw ng bumitaw.

"Bro anong gagawin ko dito?!" alalang tanong ni Marcus sa kaibigan

"Halika dalin natin sa loob ng bahay. Pupunasanko ng malamig na tubig." sagot naman ni Eriol na sanay na sa kapatid

"Ganito ba talaga to kapag lasing?" tanong ni Marcus habang hinihimas parin ang likod ng kaibigan

"Hindi yan nalalasing basta-basta. Talagang may problema sya kapag ganyan. Nakakaiyak lang sya kapag lasing sya. She never cried in front of many people." paliwanag ni Eriol sa kaibigan

Napatango nalang si Marcus at sinundan si Eriol sa kwarto ni Gabrielle. Pagkarating nila sa kwarto ay agad na naupo si Marcus sa kama nito at ibinaba si Gabrielle sa kama. Agad namang yumakao ulit si Gabrielle kaya't napahiga na rin si Marcus.

"Tol yung kambal mo ayaw ako pakawalan." sigaw ni Marcus mula sa kama

Lumabas naman galing banyo si Eriol na may dalang planggana at bimpo. Nilapitan niya ang dalawa at tinanggal ang pagkakapit ni Gabrielle sa kaibigan. Agad namang humiga ng maayos si Gabrielle at mahimbing na natulog.

"Pupunasan ko lang to tapos isama ulit natin sa labas para makatulog na sya." sinabi ni Eriol habang pinupunasan ang muka at leeg ng kapatid

"Ang tanong bibitawan pa ba ko nito?" taas kilay na tanong ni Marcus habang nakatitig sa kamay ni Gabrielle na nakakapit sa daliri nya

Natawa nalang si Eriol at tinapos na ang pagpupunas sa kapatid. Pagkatapos nitong punasan ang kapatid ay iniligpit nalang nya ang mga ginamit at hinayaang si Marcus na ang magbuhat sa kapatid palabas.

Nang makarating sila sa labas ay agad na dinala nila si Gabrielle sa loob ng tent at inihiga. Hinanao naman ni Eriol ang dalawa na si Toby at RJ at naabutan itong mahimbing na natutulog sa tent.

Pumasok na sa loob ng tent si Eriol at naabutang nakahiga na si Marcus sa kanan ni Gabrielle at pinagmamasdan ito.

"Baka matunaw yang kapatid ko." pabirong sinabi ni Eriol

"Nako bato yang kaptid mo. Di agad matutunaw yan." nakangiting sagot naman ni Marcus

"Mauuna na ako matulog sa iyo. Wag mong pagsamantalahan yan. Bibigwasan kita." banta ni Eriol bago naguubad ng saplot at iniwan lang ang boxers at natulog na

Hindi maiwasan ni Marcus na titigan ang mala-anghel na muka ni Gabrielle.

She has long eye lashes, fierce eyes just like her mom, red lips, rosy cheeks and pointed nose. Hinawi niya ang mahaba at itim na buhok nitong nakatabing sa muka at hinalikan ito sa noo.

"Goodnight baby. Sweet dreams." bulong nya rito bago tuluyan ng nakatulog habang magkahawak kamay sila ng kanyang matalik na kaibigan

"Nyt nyt. Bebe kulot." bulong naman ng isang tulog na tulog na si Gabrielle

Just Innocent LoveWhere stories live. Discover now