Gabrielle's POV
"Penge ako!" sigaw ni Kuya kay Callum at RJ na kumakain ng popcorn
"Ako din! Mga matatakaw!" sigaw naman ni Toby habang nakaupo sa kabilang sofa
"Fvck! Ang ganda nung babae!" sigaw ni RJ
"Maganda ba yan?" tanong ni Kuya
"Oo! Bakla ka ata eh!" sigaw naman ni Toby kay sinugod sya ni Kuya at sinuntok sa tyan at muka
"Wag naman sa muka!" sigaw ni Toby
"Eh gago ka eh!" sigaw naman pabalik ni Kuya
"Ang iingay nyo nanunuod ako!" sigaw ni Callum na tutok na tutok sa pinapanuod nila
Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ang pawis na pawis at galit na galit na si Marcus.
"Anyare sayo pare?" tanong ni Toby sa kanya at hinablot ang plastic sa kamay ni Marcus
"Bwisit kasi yung nurse ang landi! Fvckshit! Nakakadiri naman sya. Kabaklaan ang puta."
Nagtawanan naman yung mga kaibigan ko at si Kuya sa kinuwento nya. Ako naman biglang nainis. Pati ba naman kasi sa ospital nilalandi siya.
Kinuha ko yung mansanas sa gilid ko at kinagat yon ng masama ang tingin kay Marcus. Bago pa man siya makatingin sakin nakaiwas na ako. Kaso napansin ni Kuya.
"Kumain ka na ba at yan na agad ang kinakain mo ha?" masungit na sita sakin ni Marcus
"Oo kumain na ko. May dala kanina si Callum." sagot ko na hindi tumitingin sa kanya
Hindi naman sya sumagot at pabagsak na inilapag sa lamesa yung mga binila niya sa convenience store. Puro ata chichirya yun eh.
"Usod nga!" inis nyang sinabi kay Toby
"Ang init init naman ng ulo mo! Meron ka ba ngayon?" nag-bibirong tanong ni Toby
"Kapag hindi ka nanahimik bibigwasan kita." galit na banta ni Marcus kay Toby
Nagbangayan na silang dalawa at nagsimula na silang mag-ramble sa sahig. Ewan. Ganyan naman lagi eh.
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha yung notebook ko. Magdo-drawing nalang ako.
"Gab oh." inabot sakin ni Callum yung cellphone ko at tinulungan akong isuot yung earphone
Umupo sya sa kama ko at naki-share sakin. Tig-isa kami ng earphone habang sya naman nag-iiscroll ng kanta sa cellphone ko.
"Wag yan. Eto nalang." sinabi ko at pinalitan yung kanta
"Mas maganda nga to." sinabi niya at nakisandal sa kama ko
Nakataas kasi yung sa may ulunan ng kama ko kaya nakaupo ako ng maayos. Masakit padin yung tyan ko eh.
"Try mo i-shade to para maenhance yang part na yan." sinabi niya at tinuro yung isang parte ng drawing ko
"Hmmm. Eto bagay ba na ganito?" tanong ko habang nilalagyan ng shade yung sa kabilang gilid
"Ok lang pero dapat sa itaas yung mas dark tapos light na kasunod."
"Oo nga. Galing mo talaga!" nakangiti kong sinabi at nakipag-apir sa kanya
Tumawa sya at sumandal sa balikat ko. Itinaas ko yung balikat ko at inalia ang ulo nya pero binalik niya lang ulit.
"Ang kulit naman." sinabi ko at hinayaan nalang sya
"Makulit talaga ako. Kaya humanda ka na kasi yung mga anak natin ganito din."
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.