Gabrielle's POV
Kanina pa kami nagtitinginan dito sa kwarto ko at wala namang ginawa si RJ at Toby kundi magvideo games. Samantalang hindi ko naman majntindihan kung bakit parang masama ang tingin ni Marcus kay Callum. Si Callum naman cool na cool na tumitingin tingin sa kwarto ko.
Siniko ko si Marcus at napaigtad naman sya at napatingin sakin. Kanina pa kasi siya nakakapit sa braso ko at hindi ko naman alam kung bakit.
"Ano ang problema mo Marcus Nichoas!?" inis kong tanong sa kanya
"Sino ba yan?!" galit nyang tanong
"Napakilala ko na kanina ah! Ulit-ulit?! Bago kong kaklase, ay mali, kaklase ko matagal na." paliwanag ko
"At pano naman naging matagal eh parang ngayon mo nga lang nakilala." masungit nyang sinabi bago ako inirapan
Ayan nanaman po siya. Nagsimula nanaman.
"Kasi po galing sya ng ibang bansa eh ngayon lang pumasok eh. Bakit ba parang inis na inis ka?" nagtataka kong tanong sa kanya
"Huh?! Sinong naiinis?!" napalakas nyang sigaw bago lumabas ng kwarto
Lumapit naman sakin si Callum at umupo sa tabi ko.
"Bakit umalis yun?" tanong nya habang kumakain ng popcorn
"Hindi ko alam eh. Pabayaan mo sya baka meron sya ngayon." pabiro kong sinabi sa kanya
Ngumiti lang sya at pinagpatuloy ang pagkain ng popcorn.
"Alam mo nagtataka ako eh. Tomboy ka ba?" out of no where nyang tanong
Muntik na akong mabulunan sa iniinom kong juice dahil sa tanong nya.
"Di ako tomboy!!!" sigaw ko bago sya binato ng unan
"Weh? Di nga?" di makapaniwala nyang tanong
Dahil sa inis ko kinuha ko yung unan sa kanya at pinalo sya.
"Kapag sinabi kong hindi! Hindi! Ikaw bakla ka?!" inis na inis kong sigaw sa kanya
"Hala di ah! Lalaki ako no? Gusto mo pakita ko pa sayo?" nakangisi nyang tanong
Napatakip ako sa muka ko dahil sa sinabi nya. I'm sure sobra nanamang pula ng muka ko.
"Ahem! Ahem! Andito pa kami!" sigaw ni RJ
"Nako naman! Pumoporma agad oh! Di pa nga nakakalapit yung isa eh!" sigaw naman ni Toby
"Anong di pa nakakalapit? Sino?" nagtataka kong tanong
"Ewan ko sayo Gab! Manhid ka! Manhid ka! Walang pakialam! Dead na dead pa naman sayo! Di mo napapansin!" nagdadramang sigaw ni Toby
Tumawa naman si RJ at hinila palabas si Toby na mukang ewan na. Nakainom ata yun eh.
"Ay nako. Ewan ko nalang talaga. Sana naman hindi ka katulad ng isang yon ah!"
Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. Hinila nya ako paupo sa sahig at binigay sakin ang isang controller.
"Laro tayo!" aya nya sakin
Napangiti ako at namili na ng game. Ay nako COD nalang.
"Prepare to lose darling." bulong nya na nakangisi pa
Tinulak ko siya at inistart na yung game. Ilang minuto din kaming naglalaro at tutok na tutok kami sa laro ng bumukas yung pinto. Yung tipong gumalabog talaga.
"Ay shit! Patay na ko!" sigaw ko
Napatayo nalang ako at sinamaan ang kakapasok lang na si Marcus. Nakangisi siyang umupo sa kama at dumikwatro pa.
Nakakabanas talaga! Binato ko siya ng unan at pinalo palo ng isa pang unan na nahablot ko. Nakarinig kami ng tawanan at napatigil ako ng makita kong nagtatawanan yung dalawa.
Kambal ba si RJ at Toby? Para kasing kambal tong dalawang to eh.
"Anong tinatawa-tawa nyo jan?" inis kong tanong sa kanila
"Ang cute lang kasi ng pwesto nyo. Parang pamilyar. Ganyang-ganyan ko nakita sila mama eh tapos nagkaron tuloy ako ng kapatid."
Napatingin ako sa pwesto namin at walang isang segundong nahulog sa kama. Nasa ibaba ako ni Kulot. I was straddling his waist.
Umupo ulit si kulot at tinignan ako habang nakaupo sa sahig. Napatakip ako sa bibig ko at nahihiyang tumingin sa kanya.
Unti-unting lumapit ang muka nya sakin at nang magkadikit na ang dulo ng ilong namin ngumisi siya. Nakatakip parin naman yung kamay ko sa bibig ko kaya siguro natatakpan yung konting part ng muka kong namumula.
"Awe. Meron kang crush sakin no?" nangiinis na sinabi ni Kulot
"Wala ah!" sigaw ko bago tinulak ang muka nya
Tumayo na ako pero bago pa ako makalayo eh nahila na nya ako. Yumakap sya sa bewang ko at niyakap ako.
"Nako pare masanay ka na sa dalawang yan. Ganyan sila kasweet eh." seryosong sinabi ni RJ kay Callum na nakangiti
"Anong sweet?!" sigaw ko pero di niya ako pinansin
Pilit kong tinatanggal ang yakap ni Marcus pero ayaw nya bumitaw.
"Tara iwan na natin yan!" sigaw ni Toby bago tuluyang hinila sila RJ at Callum palabas
Saktong pagsarado ng pinto eh naramdaman ko nalang na nahihila na ako ni Marcus. What the?!
Pagtanggal ko ng yakap nya nakita kong nakatulog na siya. How did he fell asleep?
Pinagmasdan ko ang muka nya at para bang sobrang pagod sya. Natawa nalang ako ng mahina at hinimas ang buhok nya habang nakaupo sa tabi nya.
Parang anghel naman to pag tulog. Ang cute! Nagmamadali kong kinuha ang drawing pad ko at dumapa sa kama. Sinigurado kong nasa maganda akong anggulo bago ko sinimulan yung drawing.
Tutok na tutok ako sa muka nya kaya hindi ko na namalayan yung oras. Nang matapos ako sa pagdodrawing sa kanya napangiti ako at tuwang tuwang tinitigan yung natapos ko.
"Masaya ka talaga pag nakakanakaw ka ng pose sakin no?" I heard him suddenly speak with his husky voice
Nagulat ako at tinago ang drawing pad ko sa likod ko. Ngumiti lang ako sa kanya at nangalumbaba.
Hinawi nya ang buhok na nasa muka ko at pinisil ang pisngi ko.
"You do have a crush on me."
"No I don't! I just really like drawing you! Because your face is perfect and your aura too! You look so peaceful." nahihiya kong paliwanag sa kanya
"Sa susunod may bayad na." seryoso nyang sinabi
"No way! Wala akong pera!" sigaw ko
"Then a kiss will do."
"No! Ayoko na! Hindi na kita idodrawing! Maghahanap nalang ako ng bago." sagot ko sa kanya
Unti-unti namang nagbago ang expression nya. He look angry.
"There's no way I'd let you." bulong nya na hindi ko naman naintindihan
Ano daw sabi nya?! Naiintidihan nyo ba bakit nya sinabi yan?
"What did 'ya say kulot?"
"Nothing baby." sagot nya bago pumikit ulit
"Tell me!" sigaw ko pero ngumiti lang sya
Guess I need to figure it out by myself.
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.