Gabrielle's POV
It's already six o'clock in the evening and we were all singing outside our tents with Toby playing the guitar. Si Mama kasi umalis din. Nag-out of the town siya kasi daw yung branch ng hotel sa Batangas nasunog. She was so worried kaya ayun natuluyan na syang umalis. Naiwan nalang ako kasama sang apat na lalaking to. Si kuya syempre tapos si Kulot, Toby at RJ.
"Hoy! Nganga ka nanaman jan Gab!" sigaw ni RJ sabay batok sakin
"Ay men! Masakit." sigaw ko at sinimulan na syang ihead lock
Pinagtawanan lang kami nila Kulot at Kuya samantalang naging intense namin yung pagpapatugtog ni Toby sa gitara. Naramdaman kong nagtatap na si Toby sa tagiliran ko kaya binitawan ko na sya.
"Grabe ka talaga eh! Pag ako napatay mo mawawalan ka na ng kaibigang gwapo." mayabang nyang sinabi
"Aba! Ang sabihin mo mababawasan na ang lalaing playboy. Wala na rin akong poproblemahing gf mo na inaaway ako." natutuwa kong sinabi
Kita ang gulat sa muka nya at ang galit ng marinig ang sinabi ko. Hindi nya ba alam na nabubully ako dahil sa mga syota nila? Nabubully din ako dahil sa bwisit kong pagkatao. Hmmm. Come to think of it. Kahit naman mahkng mayaman ako o mahirap I'm still gonna be bullied.
Inabot ko ang lata ng beer ni Kuya at uminom don bago nya pa ako napigilan. Ngumiti lang ako sa kanya at nagthumbs up.
"Don't worry bro! Hindi ako magpapakalasing." nakangiti kong sinabi
Parang allergic sila Toby, kuya at RJ sa lasing ako kaya ayun nakasimangot sila. Napansin naman yun ni Kulot kaya siniko nya si Kuya at tinanong. Mukang ikukwento naman ni Kuya kaya kinuha ko nalang yung gitara mula kay Toby at pinaingay yun habang inuubos ang beer ni Kuya na hindi naman niya napapansin.
Napangiti ako ng maubos ko na yung lata ng beer nya. Sakto namang natapos na siya pagkukwento kaya ngayon masama na ang tingin sakin ni Kuya. Mukang alam nyang naubos ko na yung laman.
"Ikaw kahit kelan ka talaga!" sabi ni Kuya habang pingot pingot ang tenga ko
"Kuya masakit! Aray! Hind ka bibitaw?!!" sigaw ko na naiinis na
Oo ako na pikon talo. Dahil sa inis ko kinagat ko si Kuya sa braso na ikinasigaw nya. Nabitawan nya ako kaya ngitig ngiti akong nagpatuloy sa paggigitara.
Lumipat ako sa tabi ni Kulot at sumandal sa kanya. Kumabaga yung likod ko nasa braso nya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya humarap ako sa kanya at tingnan siya.
"Hindi mo naman ako nainform na nanghahalik ka kapag lasing sana pala nilasing na kita matagal na." nang-iinis nyang sinabi
"Aba loko ka pala eh! Marami ka pang hindi alam sakin kulot. Isang buwan palang kitang friend kaya dapat mas lalo mo akong kilalanin. Marami akong pangit na ugali kaya humanda ka." banta ko sa kanya na nakangiti
"Naku! Ang pinakapangit na maririnig ko sayo eh kung lesbian ka dahil baka masaktan ako ng sobra nun." pabiro nyang sinabi
Kinurot ko siya sa tagiliran na ikinatawa lang nya.
"So kayo na?" sarkastikong tanong ni Toby
"Sabihin mo lang tol kung kayo na isusumbong ko na kayo kay papa." sabat naman ni Kuya
"Nakakadiri kayong dalawa. Parang chocolate. Kadiri." maarteng sigaw ni RJ
"Yung totoo Relivan James anong problema mo sa chocolate?! Sabihin mo lang at bibigyan kita ng mag-asawang suntok." banta ko sa kanya
"At sipa." dugtong naman ni Kuya
Tumawa naman siya at binato kami ni Kuya ng tig-isang unan. Kilala nya kami ni Kuya na mahal namjn ang chocolate dahil dun kami oinaglihi ni Mama.
"What's with yoy getting angry at him? Chocolate lang yun." sabi naman ni kulot
"Kasi ganito yan kulot. Pinaglihi kami sa chocolate ng kuya ko gets mo? Yun ang paborito namin ng kuya ko!" paliwanag ko sa kanya
"Ah yun pala." tipid nyang sagot
Natahimik ang lahat para uminom samantalang ako nakiinom nadin ng beer. Can't hold it back anymore
"Laro tayo!" biglang sigaw ni Kulot
"Anong laro?" tanong ko
"Spin the bottle tapos puro dare."
Tumango naman kaming lahat at nagsimula ng maglaro. Unang ikot palang tumapat na agad sakin. Napasimangot ako samantalang tumawa naman sila.
"Kunin mo sa loob yung drawing notebook mo at ipakita mo kay Marcus ang drawing mo." utos ni Kuya sakin
"Bakit yun pa?!" galit kong sigaw
"Eh gusto ko eh! Dali kunin mo na!" sigaw nya sabay tulak sakin
"Oo na!" sigaw ko at tumkbo papasok sa bahay
Kinuha ko agad yung drawing notebook at hinagis kay kuya. Tumawa lang sya at binigay na kay Marcus yung notebook.
Nilaklak ko yung isang lata ng beer at nakaramdam ng pagkahilo. Nagbukas pa ako ng bago at narinig silang napasinghap.
"WHAT THE HECK?!" sabay na sigaw ni Toby at RJ
"What?!" tanong ko sa kanila
"Ikaw nagdrawing nito? Galing mo naman!" sigaw ni Toby na parang di naniniwalang ako nagdrawing nun
"Fvck! Stalker ka ni Marcus!" sigaw naman ni RJ
"Gago ka ba?!" inis kong sinabi sa kanya
"Awe! Gago zoned." pangiinispa ni Toby sakin
"Shut up Tobias." sinabi ko gamit ang tunay nyang pangalan
"Walang ganyanan. Alam mo namang ayaw ko sa Tobias. Parang kinuha sa arinola ng great great great great grandma ko." nandidiri nyang sinabi
"Ikaw yung sa park?!" gulat na sigaw ni Kulot
"Ako nga yung babaeng nakapantulog at nakaupo sa bench na muntik nang malaglag." sagot ko na nakangiti pa
"Akala ko stalker kita nun eh." natatawa nyang sinabi
"Wow naman. Stalker your face." masungit kong sinabi
Ininom ko na ang isa pang lata ng beer at unti-unting naramdamang nakalutang na ako. Anyare?!
"Ilan na ang nainom mo?" seryosong tanong ni kuya
"Di ko sure bro!!!" humahagikgik kong sagot
"Para ka ng ewan. Lasing ka na?" tanong ni Kulot sakin
"Di ah!" high pitched kong sagot
"Wag mo ko lokohin." sabi nya sabay bato ng marshmallows sakin
Lumapit ako kay Kuya at nagsumiksik sa gilid nya. Nakita ko namang naglayuan sila Toby at RJ sakin. Si kuya naman napapailing nalang.
"Bakit ba?! Bakit kayo nalayo?!" naiiyak kong sigaw
"Nalagot na talaga." narinig kong bulong ni Kuya
YOU ARE READING
Just Innocent Love
RomanceChildih is an understatement to describe her. She's just a different from the others. She's a pain in the ass. But I fell in love with her.