CHAPTER 24
Slaves
ISANG malutong na sampal ang naging dahilan para magising ako. Naimulat ko ang aking mga mata. Nakita ko sa aking harapan ang mukha ni Cherus Ann. Naka-cross arm na ito at napakasama ng tingin sa akin.
“Tulog mantika! Ayaw na ayaw ni Aayi ng ganyan! Ikaw ang nakatoka ngayon sa pagluluto ng agahan. Hindi mo alam? Bumangon ka na bago pa magising si Aayi!” sigaw niya sa akin kaya otomatiko akong bumalikwas ng bangon kahit inaantok pa.
“Sarapan mo ang luto, ha?” pahabol pa nito bago ako tuluyang lumabas ng aking silid.
Naghilamos lamang ako at diretso nang pumunta sa kusina. Kahit ge-gewang-gewang sa paglalakad dahil kulang ang tulog, minabuti kong kumilos na parang normal lang ang lahat. Tulad ng nakagawian, napasulyap na naman ako CCTV sa sulok. Sino kaya ang nagmamando ng mga CCTV na ito?
Pagpasok ko pa lamang sa kusina ay naramdaman ko nang hindi ako nag-iisa. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang isang babae at isang lalaki na abala sa paghahanda ng mga sangkap at materyales para sa agahan naming lahat. Nailang ako bigla nang matigil sila sa ginagawa para lang pasadahan ako ng tingin. Titig pa lang nila, alam mong may kaya silang gawin na baka hindi mo asahan.
Nakakatakot sila kung tumingin. Parang napakabayolente nilang lahat.
“Magandang umaga,” bati ko sa kanilang dalawa. Hindi sila umimik. Sa halip ay nagpatuloy sila sa mga ginagawa. Ang babae ay naghihiwa ng sibuyas at ang lalaki nama’y naghuhugas ng kawali. Hindi ko sila mga kilala. Tanging mga kaibigan ko lang naman kasi ang pamilyar sa akin dito.
“Tulungan na kita,” alok ko sa babae. Hindi man lang niya ako nginitian o tiningnan man lang. Nagpatuloy lang siya sa pagkilos hanggang sa napansin kong bumibilis na ang paghiwa niya sa sibuyas na pinong-pino na naman.
“Ouch!” bulalas niya nang tuluyan na ring mahiwa ang isa niyang daliri dahil hindi niya napansin na wala na namang sibuyas na hihiwain. Tila wala siya sa sarili kaya nagawa niya ang bagay na iyon.
“Dahan-dahan lang. Halika, gamutin muna natin,” sambit ko at hinawakan ang dumudugo na niyang hintuturo ngunit iwinakli niya ito at napaiwas ng tingin. Mukhang ayaw niyang makipagkaibigan sa akin.
“Huwag mong tiisin ang sakit. Gamutin mo na hangga’t maaga pa.” Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at pinagmasdan ang hiwa sa daliri niya.
“Ayos lang naman. Mas malala pa nga rito ang sugat na natamo ko kay Aayi noon,” mahinhin niyang sagot kaya napatitig ako sa kanya. At sa puntong iyon ay napagtanto kong may kamukha siya. Ang babaeng nasa poster noon. Nasisiguro kong siya iyon at wala nang iba.
“A-Ano ang pangalan mo?” tanong ko kaya mas sumeryoso siya at napatingin sa paligid.
“Esther,” walang alinlangan niyang sagot at nagpatuloy na sa muling paghihiwa ng sangkap habang hindi na iniinda ang dumudugong daliri. Hindi ako nakontento sa sagot niya kaya hindi ko siya tinantanan.
“Naaalala mo ba ang mga sinasabi ng mga magulang natin noong mga bata pa tayo? Na huwag tayong lumaki na sinungaling,” wika ko dahilan para mapatigil muli siya sa ginagawa at gulat na gulat na napatingin sa akin. Napakagat-labi siya.
“Tell me your real name. I won’t tell it to anyone, I promise.”
Nakita ko ang paglunok-laway niya at napapikit. Waring pinag-iisipan kung dapat nga ba niya akong pagkatiwalaan sa sitwasyong ito. Umawang ang bibig niya at nagsalita.
“K-Keyne,” halos pabulong niyang sagot. Napangiti ako nang tipid at bumulong na rin. Iniabot ko ang isa kong kamay upang makipagkilala.
“Hi, Keyne. I’m Mavi.” I smiled at her. She awkwardly smiled too and continue slicing onions. Hindi man lang siya nakipag-shake hands sa akin.
“Ilang buwan ka na rito?” usisa ko pa at tinulungan na siya sa ginagawa. Kumuha na rin ako ng kutsilyo upang hiwain naman ang ilang carrots.
“Not months but years.” Well, that doesn’t surprise me anymore. I just need confirmation and she exactly answered it.
“Can you tell me where are we? Are we living underground? Like uhh... some sort of abduction that happens in the movie?”
“We’re living in a normal house far from the town proper of Pinecrest.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang lalaking naghuhugas kanina ng mga kasangkapan rito sa kusina. Kanina pa pala siya nakikinig sa pag-uusap namin. Mabuti na lamang at kami lang tatlo ang narito upang maghanda ng agahan.
Kung ganoon, wala kami sa ilalim ng lupa tulad ng mga napapanood at nababasa ko. Pero bakit ganito?
“Paano niya tayo naitatago na parang normal lang at hindi nawawala?” naguguluhan kong tanong sa kanila. Ngumisi lamang ang lalaki at lumingon sa CCTV na nasa sulok ng kusina.
“Ewan ko rin. May saltik ang babaeng iyon at alam iyon ng lahat pero nagta-tanga-tangahan pa rin sila.” Bakas sa boses niya ang galit at pag-aasam na makapag-alsa laban sa ina-inahan na si Aayi. Maging ako rin naman. Ngunit ano pa kaya ang nararamdaman nila sa nararamdaman ko kung mas matagal na nilang nararanasan ang pang-aabuso ng siraulong babae na ‘yon sa kanilang lahat? Wala silang kalaban-laban. Manipulado pa rin sila ng baliw na ‘yon.
“Then why do you guys aren’t doing anything to escape from here?” Dahil sa totoo lang, kung gugustuhin naman talaga nilang makatakas mula kay Aayi, noong una pa lang, ginawa na nila ang lahat para makalabas sa impyernong bahay na ito.
“Because Aayi made us feel that we really are her children. The motherly love that we never experience from our own mothers and families. She promised that nobody could ever hurt us. She’ll protect us ‘til death. She’s our mother and will always be. Just be kind and don’t do anything that could make her angry, she’ll treat you like you’re a part of the family,” ani Keyne kaya halos mapaawang ang bibig ko. She really promised that? What the hell? I can’t take this shit anymore.
“So, are you already contented living in this house with her?”
“Not only with her, but with all of my brothers and sisters,” nakangiting wika ni Keyne kaya hindi na maipinta ang pagmumukha ko. Hindi iyon ang gusto kong marinig na sagot mula sa kanya. God! Kailan ba sila matatauhan na hindi anak ang turing ni Aayi sa kanila? Sunod-sunuran sila ng isang demonyo!
“The only technique to survive in this hell is to follow her house rules and never argue with her,” sambit pa ng lalaki.
“What?” I got confuse and I asked him. What does he mean?
“I don’t want to scare you but this is just a warning since you’re new here. Don’t oppose her decisions. Follow everything she’s telling you to do. Because anyone who opposed her is punishable by death.” Bumilis ang tibok ng puso ko at napatitig sa kutsilyong hawak ko. Nanginginig na ang aking mga kamay dahil sa naririnig.
“This is not a drill but you have to, Mavi. Be the Esther that she wanted you to be. In that case, you’ll survive here for years. To live a long life, be a slave of the devil.”
Nabitawan ko ang kutsilyong hawak at tuluyan nang nalambot ang mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
No Body, No Crime | Published under TDP Publishing House
Mystery / ThrillerThey're not dead, just missing. For years, Mavi thought her mother abandoned them. Her father sent her to the city for her good fortune. She was forced to leave her beloved hometown and her circle of friends. Months passed and she found out that he...