CHAPTER 11 - Punishment

541 54 1
                                    

CHAPTER 11

Punishment

Punishment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


WE stopped by our usual hideout, the old abandoned covered court. Kanya-kanya kaming labas sa kotse.

“Take my hand,” alok ni Bonagua nang mapansin niyang hirap ako makalabas ng sasakyan dahil ako ang nasa pinakadulo at ipit na ipit.

“Thanks,” sambit ko na lamang.

“Ehem!” Pareho kaming napatingin kay Ken na mapang-asar nang nakatitig sa amin. Agad kong binawi ang kamay kong hawak ni Bonagua.

“Issue kang punyemas ka,” mura ko saka tuluyang bumaba ng sasakyan. Tumawa lamang siya. Tulad ng dating gawi noong high school, hinabol ko siya ng sapak at naghabulan na nga kami paikot-ikot rito sa lumang covered court. Nakarinig kami ng tawanan mula kina Raihana. Kahit papaano, sa pang-aasar ni Ken at sa paghabol ko sa kanya, nalimutan naming may problema pala kami. At iyon ay ang nawawalang sina Cherus Ann, Via at Makoy.

“Tama na ‘yan. Narito tayo mag-usap, hindi ba?” iritadong sambit ni Bonagua na tila hindi natutuwa sa paghahabulan namin ni Ken. Nagkibit-balikat na lamang kami.

“Let’s go,” aya ni Maui.

“Selos lang yarn,” bulong sa akin ni Ken at humagalpak muli ng tawa.

“What?” tanong ko pa at nginiwian siya.

“Fudge, it’s locked. Those fucking cops really closed this for real. Fudge them!” mura ni Raihana nang mapagtantong ang hideout namin sa baba ay tinakpan na ng patong-patong na plywood at kahoy. Nakapako na ito at mukhang mahirap tanggalin. Aabutin kami rito ng siyam-siyam.

“Sewer no more,” may panghihinayang na sambit ni Echo. Ang mga pulis na iyon, panira talaga ng kaligayan ng mga kabataan rito. Kaya hindi na ako pala dapat magtaka na nawawala ang ilan. Mga pamatay ng kasiyahan, e.

Dahil wala naman kaming magagawa, sa bench na lang nitong covered court kami nagtipon-tipon para mag-usap. Malakas ang hangin at tinatangay sa pwesto namin ang mga alikabok kaya maya’t maya kaming napapaubo.

“What will be our plan now?” tanong ni Ken na seryoso na ang pagmumukha. Saludo talaga ako sa isang ‘to na kahit nasa kalagitnaan ng discussion niya sa school, piniling makipagkita sa amin para mahanap sina Makoy, Via at Cherus Ann.

“Honestly, hindi natin alam kung saan magsisimula,” ani Maui na nagsasabi lamang ng totoo. Pagkatapos noon, wala nang umimik sa amin. Lahat kami ay nag-iisip ng paraan kung paano at saan magsisimula sa paghahanap. Nakakasakit na ng ulo.

“Cherus Ann disappeared five months ago, and now, Via and Makoy. I can’t take this anymore,” iyak ni Maybelle at kinagat na naman ang mga kuko sa sobrang tensyon na nararamdaman.

“Let’s all calm down. Hindi  tayo makakapag-isip nang tama kung pare-pareho tayong magpa-panic,” payo ni Bonagua. Sa wakas, may matino rin siyang nasabi.

“Let’s make it this way. Cherus Ann vanished five months ago after the missing of two teenagers earlier than her. After her disappearance is the death of your father, Mavi.” Nakunot ang noo ko sa sinabi ni Rai.

“Wait, anong connect ng pagkamatay ni daddy sa pagkawala nila?”

“I don’t think it makes sense. Magkaibang krimen ‘to,” sabat ni Echo. Malalim rin siya kung mag-isip.

“Then what if they’re only one? The culprit who murdered Mavi’s father and the one who kidnaps teens every month?” ani Rai kaya natahimik ulit kami. Napakagat-labi ako at napapikit habang pinapakiramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa pisngi ko.

“The missing teens’ age ranges from 17-20 years old. Every month, someone is missing. At wala talagang iniiwan na clue ang bawat nawawala kaya hanggang ngayon hindi ma-identify kung nasaan sila.”

“Pinapalabas lang na naglayas sila o kaya ay umalis para hindi gaanong nakakabahala para sa nakararami.”

“Bakit hindi ito ipinapaalam sa media?” Hindi ko na napigilang itanong dahil naiirita na ako.

“The government doesn’t want the Pinecrest people grow in panic. Pinapangalagaan pa rin nila ang katahimikan ng bayang ‘to,” saad ni Maui.

“But we all know it’s selfishness, right? Takot lang silang ipaalam na napakarami na talagang krimen na nangyayari rito dahil ayaw nilang ibato sa kanila ng taong-bayan ang sisi kahit ang totoo, pabaya talaga sila!” Finally, Ryan Bonagua spilled the tea. I can’t deny that he looks intimidating with this kind of mindset.

“Kung hindi sila kikilos, tayo na ang dapat gumawa ng paraan,” wika ko. Nagsitanguan silang lahat.

“We have to find Cherus Ann, Via and Makoy as soon as possible.” Nararamdaman kong tama talaga ang sinabi sa akin ni detective. Hindi sila patay, nawawala lang sila. Hangga’t walang nakikitang katawan, buhay sila. Buhay ang lahat ng nawawala.

“I agree with you, Mavi. Let’s look for a way to find them,” Echo agreed.

“The only problem we have is these two nuisance,” nakangiwing sambit ni Ken habang nakatingin na sa nakaparadang kotse ng pulis na babae. Kung hindi ako nagkakamali, si Gloriette ito at kasama pa talaga niya ang siraulong si Lavape. Tandem talaga.

“What are they doing here?”

“Fudge, they’re spying us.” Nakuyom ni Raihana ang kamao habang lahat kami ay nakatingin na sa dalawang pulis na papalapit sa amin. Paano nila natunton na narito kami sa lumang covered court?

“Hi, guys. Anong gathering na naman ito? Care to share?” taas-baba ang kilay nitong si Lavape at nilalaro-laro ang hawak na batuta. Binatukan siya ni Gloriette bilang siga sa kanilang dalawa.

“We’ve been looking for all of you and who would have thought na dito lang ulit kayo maglalagi? Buti na lang pinadali n’yo ang utos sa amin ni hepe. Lavape, kunin mo na,” utos nito sa kasama. Pinagmasdan lamang namin si Lavape na bumalik sa kotse at pagbalik nito’y may bitbit na itong mga timba, walis, trolley, mop at dustpan.

“Fudge, what’s the meaning of this?” iritadong tanong ni Rai sa dalawa. Agad kinuha ni Gloriette ang isang mop at hinagis ito sa pwesto ni Bonagua.

“Dahil lumabag na naman kayo sa curfew noong isang gabi, ito ang parusa ni hepe para sa inyong lahat. Buong araw ninyong lilinisin ang covered court na ito para magamit ulit. Tutal wala naman kayong ginagawa sa buhay,” sagot nito at ngumisi.

“Happy cleaning, everyone!” pahabol pa ni Lavape habang papaalis na muli sila at sumakay na ng kotse.

“Potangena n’yo! Nawawala ang mga kaibigan namin tapos paglilinisin n’yo lang kami?! Tangina n’yo talaga!” sigaw ni Bonagua at hinagis pa ang isang walis.

“Darn it! I ditched my discussion just to clean this mess?” reklamo ni Ken.

“Okay lang ‘yan, Ken. Kahit hindi ka naman magturo, su-sweldo ka,” ani Maui.

“Marami na sana akong client ngayon sa salon,” may panghihinayang na wika naman ni Echo.

Padabog kong kinuha ang isang mop at tinanaw ang papaalis na kotse ng dalawang pulis. Rinig ko pa ang hagikhikan nila. Mga putragis talaga. Ang dami ko nang iniisip tapos dumagdag pa ang paglilinis ng maruming court na ito. Paano na lang namin mahahanap sina Makoy, Cherus at Via kung laging may humahadlang?

No Body, No Crime | Published under TDP Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon