CHAPTER 36 - Turncoat

471 52 0
                                    

CHAPTER 36

Turncoat

“ARE you all sure now about the plan?”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARE you all sure now about the plan?”

“Recap the things that we will do later,” sambit ni Ken at inilabas ang isang notepad na ipinuslit pa niya sa kwarto ni Aayi noong naglinis siya.

“This home escape will be a bit rough for us since we only have three hours to take actions,” seryosong sambit ni Maui at nagpalinga-linga.

“Anyone who found the telephone rack first should contact the police, okay?” mahina kong wika kaya nagsitanguan kami.

“Kami na ang bahala ni Rai sa CCTV. Sina Mavi kay Aayi at sina Ken sa iba pa.” Napalunok-laway ako dahil sa kaba. It’s not a big deal to escape this house but for us who have been locked in  since day one and been abducted, nearing to death, we must fucking leave this hell as soon as possible. Ayoko pang mamatay rito sa kamay ng isang demonyong tulad ni Aayi.

Pansin ko ang panginginig ni Maybelle kaya napasulyap ako sa kanya.

“What’s wrong?” tanong ko.

“C-Can we make this?” nauutal niyang tanong na parang kinakabahan. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang mga kamay upang pakalmahin siya.

“We should make this,” pagpapakalma ko kaya tumango-tango lamang siya sa akin at ngumiti.

“I am pretty sure that they won’t agree and cooperate with us,” tukoy ni Ken kina Via, Makoy at Cherus Ann na sa iba lamang nakikihalubilo at  hindi sa amin. Natahimik kaming lahat.

“Wait, I might convince Cherus Ann.” Akma na akong tatayo nang hatakin ako pabalik ni Bonagua.

“You can’t do that, Mavi,” kontra niya kaya napakunot ang noo ko.

“Why? You said last time that she’s not really a bad person. Then I can convince her to help us escape from here,” giit ko.

“Yes, I do really said that but we can’t just trust her for no reason. She might remember us but the truth that she’s with Aayi for almost months, alam nating sa demonyo pa rin siya kakampi kahit tayo ang mga kaibigan niya.” Natahimik ako at nanlumo nang sinabi niya iyon. Napaiwas ako ng tingin. Naiintindihan ko siya. Kahit ako rin naman. Noong unang sinabi sa akin na pinatay si daddy, sa kanya pa rin ako kumampi kahit nalaman ko nang pinagtaksilan niya ang pamilya namin dati. At the end of the day, you’ll choose to stay with the person who never made you feel alone all the time.

Pinagmasdan ko na lamang sila sa malayo at napabuntong-hininga.

“Then we still have to do the plan today. If we really need to leave them here for a moment para makahingi ng tulong if ever na makalabas na tayo, we should do it,” determinado kong sambit at nagsitanguan naman sila.

TULAD nga ng inaasahan, umalis ng bahay si Aayi dahil araw ng Linggo. Nagkatinginan kami ni Bonagua at waring nag-uusap sa mga mata. Mayamaya’y tila nagkaintindihan na rin kami nina Rai, Maybelle, Ken, at Maui. Isa-isa kaming nagsitayuan na hindi nagpapahalata sa iba. Una kaming umalis ni Bonagua upang  magmasid-masid sa napakahabang pasilyo nitong ikatlong palapag. Sunod naming sinenyasan sina Rai at Maui para maasikaso na ang mga putanginang CCTV na ito. Ang kailangan lang naman nilang gawin ay patayin ang system upang hindi ma-capture ang mga gagawin namin.

“Wait, how do we know if you already turn off all the CCTV system?” tanong ko kay Maui.

“The red one will fade out,” sagot niya at itinuro ang kulay pulang ilaw sa tabi ng CCTV camera.

“Got it.” Dali-dali na kaming nagsitakbuhan sa kanya-kanyang pwesto at pinapakiramdaman ang kilos ng bawat isa. Ang laking tulong ng napakakapal na carpet na inaapakan namin ngayon dahil hindi rinig ang mga nagmamadali naming yabag.

“Let’s go!” Matapos ang ilang minutong paghihintay at walang pagkurap, napansin naming namatay na ang kulay pulang ilaw sa lahat ng CCTV. Oras na para kumilos.

“Where are you going?” Akma na sana kaming tatakbo nang hinarangan naman kami ng isang babaeng nakasuot ring ng puting duster. Hindi ko siya kilala sa pangalan pero nakakasalamuha namin siya rito. Napaatras kami dahil hindi namin alam ang gagawin.

“You’re trying to escape, aren’t you?” nagmamataray niyang tanong habang naka-cross arm pa at malapad ang ngisi. Mas napaatras kami ni Ryan.

“Isusumbong ko ka---”

“You fudge!” mura ni Rai sa likuran niya at nanlaki ang mga mata nang paulit-ulit niya itong hampasin ng isang dos por dos sa ulo. Otomatikong humandusay sa sahig at duguang bumulagta ang babae.

“Where did you get that?” tanong ko pero imbes na sumagot, hinatak na niya ako paalis.

“Let’s hurry up. Maui’s waiting for us in the elevator.” Kapwa kami nagtakbuhan nina Ryan at nakasalubong pa nga namin si Ken na sobrang aligaga na at namumutla.

“Retreat! Aayi’s already here!” bulalas niya. Paulit-ulit kaming napamura.

“What?! Akala ko ba tatlong oras siyang mawawala? Isang oras pa lang!” Hindi makapaniwalang nagkatinginan kaming lahat.

“Putangina! Sinong traydor?!” sigaw ni Ryan na siyang ikinabigla naming lahat.

“Ano na namang traydor ang sinasabi mo? Bonagua, magkakaibigan tayo rito! Maliban na lang kung narinig ng iba ang plano natin!” giit ko. Nasapo na lamang niya ang kanyang ulo sa sobrang stress. Anyone who turned his or her coat against us is definitely a fucking slave of Aayi now!

“Wala nang oras para magtanungan pa kung sino ang nagsabi kay Aayi na may tatakas ngayong araw. Wala nang magba-backout! Kailangan na nating makaalis rito ngayon rin bago pa niya tayo maabutan rito! Bilis!” anunsyo ni Rai at hinatak na kami muli patungo sa direksyon ng elevator.

“Wait! Where’s Maybelle?” tanong ko sa kanila at sandaling napatigil.

“Fudge!” Sa isang iglap ay namatay ang lahat ng ilaw at tumunog ang nakabibinging emergency alarm sa buong pasilyo. Nakakabingi kaya napatakip na lamang kami sa aming mga tenga.

“C’mon, hurry up!” sigaw ni Ken sa amin. Pinilit naming tumakbo kahit nangangapa sa dilim. Wala na akong maaninag pa.

Naramdaman ko na lamang ang isang hindi pamilyar na kamay na humablot sa aking braso at inihampas ang ulo ko sa napakatigas na pader. Napangiwi ako dahil sa sakit. Mayamaya’y hinigit pa niya ang buhok ko. Pakiramdam ko, matutuklap na naman ang anit ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Pinakiramdaman ko ang kamay na nakahawak sa akin ngayon hanggang sa makilala ko kung sino ito. It’s Via again.

“Get off me!” sigaw ko. “ Raihana! Ryan! Maui! Ken!”

“You can’t escape from here!” sigaw ni Via at tinulak naman ako paupo sa sahig. Napaubo ako sa hindi malamang dahilan. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko na naman ang pagpalo sa akin ng isang napakatigas na bagay dahilan para mahilo ako. Kumirot-kirot ang ulo ko.

“M-Maybelle...”

Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko si Maybelle na may hawak na kahoy at nakatitig sa akin. Isa pang palo niya ang mas nagpadilim sa paligid ko.

No Body, No Crime | Published under TDP Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon