CHAPTER 39 - Heroine

454 44 3
                                    

CHAPTER 39

Heroine

HALOS magtakbuhan kami sa napakahabang pasilyo matakasan lamang ang kamatayan na humahabol sa amin. I am pretty sure that she’s still alive. Lalo na ang ilang mga alipores niya na sasamahan raw siya hanggang kamatayan. Panay ang lingon ko sa likod upang masiguro na walang humahabol sa amin. Suportado ni Makoy ang naglalakad na ring si Raihana samantalang si Ryan ay buhat na si Ken na sobrang dinudugo na dahil sa mga tinamong saksak sa sikmura. Napahigpit ang kapit ko sa tubo nang  maramdaman kong parang umaagos na naman ang dugo mula sa sugat ng aking ulo. Tiniis ko ang sakit.

“Nasa pang-ilang palapag ba tayo?” tanong ni Ryan habang pinagpapatuloy ang malalaking hakbang.

“Fourth floor,” hinihingal na sagot ni Makoy. Gusto ko nang magmura dahil hindi namin mahanap ang tamang labasan. Mayamaya’y nakarinig pa kami ng pagsabog.

“Putangina, alam ko na ang kasunod nito,” nangangambang sambit ni Ryan at napatigil bigla.

“Ano?”

“Sunog,” bulalas niya dahilan para magsitakbuhan na naman kami. This time, triple na ang ginawa naming bilis ng pagtakbo. Naiiyak na ako sa bawat hakbang dahil kumikirot ang sugat ko pero hindi ako dapat tumigil. Ayoko pang mamatay.

“Dali, bilis! Naroon ang elevator!” anunsyo ni Makoy dahilan para mabuhayan ako ng loob at napangiti. Makaalis lang kami sa palapag na ito at magiging madali na ang pagtakas namin.

Ilang hakbang na lang ang elevator mula sa pwesto namin nang makarinig kami ng sigaw. Otomatiko akong napalingon at nanlaki ang mga mata. It’s Aayi again, running after us. Bakas ang galit sa kanyang mga mata at mas lalong nagpakaba sa akin ang hawak niyang palakol. Fuck, akala ko ba nabali na ang mga daliri niya? Hindi lang pala ito baliw kundi kampon talaga ng demonyo.

“Run as fast as you could, guys! We’re nearing.” Kahit ang hinang-hina na si Raihana ay pinilit humakbang nang malalaki upang makaabot sa elevator. Paulit-ulit kong pinindot ang button ngunit ayaw bumukas.

“Tangina, baka sira?” nakangiwing sambit ni Ryan.

“Bonagua, this isn’t a good joke.” Namumutla akong napalingon sa pinanggalingan namin. Nasa dulong pasilyo pa lamang si Aayi at may oras pa kami para mabuksan itong elevator at makasakay.

“Ako na,” anunsyo ni Makoy at siyang pumindot rito. Napanganga kami nang unti-unti itong  bumukas  gamit ang fingerprint niya.

“So, you really are her ally all this time?” wika ko pero umiling-umiling lang siya.

“I have to to that para ma-explore ko ang buong bahay. Sa ganoon, kapag nakatakas, alam ko na ang pasikot-sikot. Sorry, Mavi,” he answered in an apologetic tone of voice.

“Saka na kita patatawarin sa mga pagpapahirap mo sa akin kapag buhay akong nakalabas rito,” sarkastiko kong giit at naghintay na bumukas nang tuluyan ang pintuan ng elevator.

“Oh shit!” halos pare-pareho naming sigaw nang bumukas ang pinto at makita ang duguang si Maybelle. May hawak pa itong kutsilyo at waring natataranta.

“Stay away from me! Walang sasakay!” aligaga niyang sigaw at pinindot muli ang elevator sa loob kaya otomatikong nagsasara na ulit ang pinto.

“No way!” malakas kong sabi at gamit ang tubo na hawak, pinigilan ko ang pagsara ng pinto. Tinulungan na rin ako ni Makoy. Maging si Raihana ay natatarantang napatingin sa dulong pasilyo. Napaiyak siya.

“Malapit na siya. Maybelle, please. Please let us in,” pagmamakaawa pa ni Rai pero umiling-iling lamang si Maybelle. Tanging iniisip na lamang nito ay ang pansariling kapakanan at wala nang pakialam sa amin. Napangisi ako nang mapakla.

“So is this what you call friendship, huh? Gusto mo ba ‘yon, Maybelle? Mabubuhay ka pero habang-buhay kang uusigin ng konsensya mo dahil lang sa hindi mo hinayaang makapasok ng elevator ang mga kaibigan mo? Maliban na lang kung hindi mo kami tinuring na mga kaibigan,” mapait kong sambit kaya napasigaw siya.

“Just shut up!” pikit-mata niyang tili.

“Guys, this is not the right time para magsigawan. Let’s just go find another way out. May hagdan pa naman dito bukod sa elevator, hindi ba?” ani Ken kahit hinang-hina na. Patuloy pa rin kami sa pagpigil na sumara ang pinto.

“Wala na. Ito lang ang tanging daan,” sagot ni Makoy. Gusto ko nang manlumo dahil sa sinabi niya.

“Tangina,” mura ni Ryan nang mapansing malapit na si Aayi sa direksyon namin.

“Fudge, Maybelle! Just open the fucking door and let us in!”

“Please,” iyak ko dahil nanghihina na rin ako. Sa isang iglap ay ilang hakbang na lang si Aayi sa amin kaya nagsigawan na kami. Agad binuksan ng tulalang si Maybelle ang elevator kaya nagsipasukan na ang iba sa amin. Agad niyakap ni Rai si Maybelle dahil akala nito hindi na kami pagbubuksan. Rinig ko pa ang iyakan nila. Tinulungan ko naman si Ryan na buhatin ang duguang si Ken papasok.

Nilingon ko ang paparating na si Aayi. Kahit paika-ika na naglalakad ay tila malakas pa ito oras na masalakay kami. Putangina, ano bang vitamins ang iniinom ng demonyong ito?

“Mavi, get inside now!” sigaw sa akin ni Ryan na buhat pa rin si Ken pero nasa loob na kasama sina Rai. Doon ko lamang napagtanto na natulala pala ako. Kahit mahirap humakbang, pinilit ko pa ring maglakad papasok sa malapit nang magsara na elevator. Tumatakbo ang oras tulad ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang mabilisang pagsugod ni Aayi sa bandang likuran ko.

“Mavi!”

“Maybelle!”

Ang sumunod na eksena ang siyang ikinagulat naming lahat. Mabilis akong hinatak ni Maybelle papasok sa elevator at siya ang mismong lumabas upang harapin si Aayi.

“No!” sigaw ko at napaiyak na lamang. Tanging ngiti lamang ang iginanti niya sa amin at ikinumpas ang kamay na tila sinasabing magiging maayos rin ang lahat. Saktong pagsara ng elevator ay ang paglapit ni Aayi sa kanya at paghampas ng palakol sa ulo.

“Maybelle!” Akma na akong susugod palabas ngunit napahagulhol na lamang ako nang malamang umaandar na ang elevator pababa at wala man lang kaming nagawa para maisalba si Maybelle na isinakripisyo ang buhay niya para lang makaligtas kami.

Paulit-ulit kong kinalampag ang pintuan ng elevator dahil sa sobrang hinagpis. Ako dapat ‘yon. Ako dapat ang naatake ni Aayi pero bakit pa niya isinangga ang sarili niya? Napakagat-labi na lamang ako at napaupo sa maduming sahig ng elevator. Naririnig ko rin ang iyakan ng mga kasama ko. Lahat kami ay nagulat sa ginawa ni Maybelle pero alam kong wala nang magagawa pa ang pag-iyak naming lahat.

All I can do is to make Aayi suffer too. I’ll make her experience the hell she made us feel inside this house. Ako mismo ang papatay sa kanya. Para sa buhay ng mga kaibigan ko at ng iba pa na kinuhanan niya ng kalayaan para magsaya at mamuhay nang normal. Walang tita-tita rito. Wala akong tita na demonyo.

No Body, No Crime | Published under TDP Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon