CHAPTER 27
Her Other Half
THIRD PERSON’S POV
“THESE papers proved that Emilyn De Vera has an identical twin named Amalia Ayen Montes as she carried the surname of their father back then. Emilyn Montes married her husband Mr. De Vera, right?” basa ng detective sa papel na kanyang hawak habang nakikinig lamang sina Gloriette at Lavape sa kanya. Nagsitanguan ang dalawang pulis.
“Yes, sir. Maagang naulila ang kambal sa kanilang ina kaya wala silang nagawa kundi ang mamuhay sa puder ng tatay nila. Nasa record na adik ang kanilang ama base sa report na ilang beses nang inabuso nito ang kambal niyang si Amalia,” ani Lavape na kanina pa pala paulit-ulit binasa ang sheet na inabot niya kay Llobrera. Nakunot ang noo ng detective.
“Nasaan na ang ama nila?”
“He died 12 years ago, sir.” Si Gloriette ang sumagot habang pinupunasan ng kiwi ang itim niyang sapatos.
“Ano raw ang ikinamatay?”
“Murder. Amalia, his daughter, killed him.” Natahimik silang tatlo at nagkatinginan.
“Oh shit. I never heard this before. May ganitong krimen na pala noon pa rito sa Pinecrest. Bakit hindi man lang natin ‘to alam?” nakangiwing tanong ni Lavape.
“Abnoy, baka kasi wala pa sa utak natin na magpupulis pala tayo.” Sinapak siya ni Gloriette gamit ang isang kamay.
“Ay, oo nga ‘no.”
Muling pinasadahan ni Detective Llobrera ang napakahabang papel na punong-puno ng information tungkol kina Emilyn at Amalia.
“She killed their father for no reason. She’s mentally unstable that time,” komento ni Gloriette.
“She’s mentally unstable but I think she know what she did. It’s either nawala siya sa katinuan at napagbuntunan ang kanilang ama o wala siya sa katinuan pero balak talaga niyang patayin ito dahil gusto niyang makaganti sa paulit-ulit na pang-aabuso nito sa kanya,” paliwanag ni Lavape. Muli silang natahimik at pilit iniisip ang mga posibleng dahilan.
“Hindi siya nakulong sa part na ‘to knowing na may sakit nga siya sa pag-iisip. Emilyn sent her to mental institution in accordance to what the authority ordered her.” Nagsitanguan sila.
“It was year 2009 when she was released from the hospital. Sabi rito, nagkaroon raw ng pagbabago sa mental health status niya. Sa taon na ‘yon, three years nang kasal si Emilyn sa kanyang asawa. But after a year, she disappeared. Mr. De Vera reported his wife as missing.”
“But Mr. De Vera had a mistress before he was murdered. I think his mistress was the killer here,” wika ni Lavape. Sa puntong iyon ay mas nagiging magulo ngunit exciting ang kaso na ito.
“We already talked to his mistress and she wasn’t the suspect for killing Mr. De Vera. But Mr. De Vera was the one who killed his own wife.” Napanganga ang dalawang pulis sa sinabi ni Llobrera.
“What? So this means, patay na si Mrs. Emilyn dahil pinatay na siya ng asawa niya? Where was her body all these years?”
“Well, that’s what we’re going to find out.” Humigop ng kape ang detective.
“After the missing of Emilyn, numerous cases of the missing teens ascend. While that moment, Mr. De Vera was found murdered inside his house.”
“Sir, what if Emilyn was alive all this time and she was the one who killed her husband for avenge of having a mistress? Given that her body was nowhere to be found until now,” Gloriette deducted. Napatango naman si Lavape.
“She might still roaming around and kidnapping children. She might be the one who abducts teenagers!” akusa ni Lavape na parang siguradong-sigurado sa sinasabi.
Tumunog ang cellphone ni Llobrera kaya wala siyang nagawa kundi ibaba muna ang hawak na papel at sagutin ang tawag.
“Hello?” sambit niya ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. Napakunot na ang noo niya.
“Hello? You’re wasting my time. Prank call ba ‘to?” tanong pa niya. Puro static lang sa kabilang linya ang naririnig niya at mabibigat na paghinga.
“Hello?” Napatingin na siya kina Gloriette at Lavape na nakatitig na rin pala sa kanya habang hinihintay magsalita ang nasa kabilang linya.
Mayamaya’y mas lumakas ang static. Napakasakit sa tenga kaya inilayo niya ang cellphone sa tenga. Dahil naka-loudspeaker naman ito, narinig niya ang isang kalabog at ang paulit-ulit na paghikbi hanggang sa maputol ang tawag. Naguguluhang napaisip ang detective.
“Who’s that unknown caller?”
“He or she needs help. Nararamdaman ko,” sagot ni Gloriette sa tanong ni Lavape. Halos maihilamos ni Llobrera ang palad sa kanyang mukha.
“Lavape, track this number. We need to find the caller right away,” utos niya. Pakiramdam niya’y may kaugnayan pa rin ito sa sino-solve nilang kaso ngayon. Hindi niya dapat palampasin ang lahat ng detalye para malaman kung sino nga ba talaga ang nasa likuran ng mga napakaraming nawawalang kabataan rito sa Pinecrest. Hindi kumikilos ang mga nakatataas na opisyal ng Pinecrest. Kung ganoon, siya na mismo ang dapat gumawa ng paraan para mahuli ang salarin. Muli niyang binalikan ang papel na hawak at may pinindot sa computer.
“Gloriette, pakibasa ang mga nakasulat sa papeles na hawak mo,” walang tingin-tingin na sambit naman niya sa naiwang si Gloriette habang si Lavape naman ay lumabas ng kanyang opisina upang i-track ang cellphone number ng caller.
“Alin dito sir?”
“What happened to Amalia after she was released from the mental hospital?”
“She lived a normal life like the other women here in Pinecrest. After she knew that her twin sister Emilyn disappeared, wala nang balita sa kanya hanggang ngayon.”
Natigil si Llobrera at nag-isip-isip. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi ang lahat pero sobrang gulo talaga at napakarami kung iisipin.
“Emilyn was confirmed dead and I won’t change my deduction to her case. Mr. De Vera killed her. Let’s set aside this one.” Sigurado siya sa kasong ito ngunit sinusubok ng kakambal ni Emilyn ang kanyang kapasidad bilang isang detective. Ito ang pagtutuunan niya ng pansin ngayon. May kakaiba at kailangan niyang malaman kung ano ang deperensya ng dalawang kaso.
“Ngayon, si Amalia at ang mga nawawalang kabataan na lang ang involve rito. Paano na?” Wala nang ideya si Gloriette sa susunod na hakbang ng kausap.
“Nakapag-asawa ba siya” tukoy nito sa pulis. Umiling ito sa kanya.
“Hindi, sir. Wala rin siyang anak. At ang katotohanan, ayon rito, dahil hindi raw siya nagkaanak, nagpatayo siya ng isang orphanage. Casa de Montes ang pangalan, located at the heart of the Wildewood. Hindi ito sakop ng gobyerno at hindi masyadong kilala. Hindi rin ito masyadong nabibisita,” basa pa ni Gloriette sa nakasulat na impormasyon.
Magsasalita pa sana si detective nang dumating muli ang humahangos na si Lavape. Hingal na hingal pa ito pero pinilit magsalita.
“Detective, na-track ko na. The phone number address was from the recent orphanage here in Pinecrest.”
“Casa de Montes,” sabay-sabay nilang sambit at nagkatinginan bigla.
BINABASA MO ANG
No Body, No Crime | Published under TDP Publishing House
Mystery / ThrillerThey're not dead, just missing. For years, Mavi thought her mother abandoned them. Her father sent her to the city for her good fortune. She was forced to leave her beloved hometown and her circle of friends. Months passed and she found out that he...