CHAPTER 6 - Welcome Party

622 55 0
                                    

CHAPTER 6

Welcome Party

ANG kaninang masayang atmosphere ay napalitan ng pagkabahala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG kaninang masayang atmosphere ay napalitan ng pagkabahala. Parang natatakot. Ayaw nilang magsalita at ang iba’y napaiwas pa ng tingin. Si Raihana na tila aligagang kumilos ay nagpumilit ngumiti para sagutin ang tanong ko.

“I think we should not talk about her anymore. She’s---”

“Where is she?” I asked her sounding desperate. Siyam lang kami rito at wala siya. Imposibleng hindi siya pupunta rito para makita ako. There could be another reason why she isn’t here. Naging malikot ang paningin ni Raihana at napatingin sa iba pa naming mga kaibigan. Maging sila’y nag-aalinlangan rin na magsalita.

“She went missing five months ago and until now, we couldn’t find her,” Ken answered and looked at me directly in the eyes. Dahil sa narinig ko ay parang nanlambot ang tuhod ko at napasandal sa pader na katapat ko lamang.

“I’m sorry, Mavi.”

Ilang sorry na ang naririnig ko kahapon pa. Bakit ba sila nagso-sorry?


“FUDGE! You ruin the night!” tili ng natatawang si Raihana at nakipagsigawan sa iba pa habang naliligo naman sa sumabog na soda si Via. As always, soda pa rin ang kinaaadikan niya at hindi ang alak. Sinulyapan ko lamang sila at agad tinungga ang hawak na bote ng beer. Walang palya. Mainit ang likidong dumadaloy ngayon sa lalamunan ko at hindi ko mapigilang ngumiwi habang nakamasid sa malayo. Sa hindi malamang dahilan ay napaiyak na ako.

This welcome party is suppose to be a happy gathering for us. But without Cherus Ann, we are incomplete. Ewan ko ba kung bakit ang lungkot ngayon? Nagsama-sama na kasi agad ang problema ko. Ang pagkamatay ni daddy, ang pagkawala ni mommy, ang pagkakawatak-watak namin tapos nawawala pa si Cherus. Muli akong humablot ng panibagong bote ng beer dahil ubos ko na ang isa. Akma ko na sana itong iinumin nang may pumigil sa braso ko.

It’s Maui.

“Is this what the city taught you? To get drunk and cry like a duckling?” natatawa niyang komento kaya tiningnan ko siya sa namumungay na mga mata at ngumisi lamang.

“Remember that you all taught me how to get drunk,” I almost whispered. He smirked.

“But we didn’t teach how to cry when you’re drunk, Mavi,” ganti niya. Kapwa kami natawa at nag-apir.

“You know that drinking doesn’t make any girl attractive.” Napairap ako.

“Shut up. I’m not trying to be attractive in anyone’s eye. I’m trying to be drunk, you bullshit,” mura ko kaya muli siyang humalakhak.

“Hindi mo ba ako kukumustahin?” tanong niya. Ngumiti lamang ako.

“Why would I? Mukhang ayos ka naman. Actually, lahat kayo. Masaya akong makita kayo ulit.”

“’Yon na ‘yon?” aniya pa at napatango ako. May iba pa ba akong dapat sabihin bukod sa na-miss ko silang lahat?

“Parang others na ‘to. Akala mo hindi umamin sa akin dati.” Halos mabilaukan ako ng pulutan na kinakain ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Hoy, De La Cruz? Bakit biglang may pag-memories bring back ka, ha?” naasar kong sambit nang maalala ko kung paano ako nag-confess sa kanya. Ini-lock ko pa ang mga sarili namin noon sa loob ng isang bakanteng classroom at umamin sa kanya na crush ko siya. Pagkatapos noon, hindi ko na siya pinansin dahil sa sobrang hiya na nararamdaman hanggang sa nagpasya na nga si daddy na paalisin ako rito si Pinecrest. Hindi ko na tuloy siya muling nasilayan pa mula noon.

“Cause the drinks bring back all the memories and the memories bring back, memories bring back you?” taas-baba ang kilay na banat niya kaya naubo ako.

“Gago, nahawaan ka na ng kakornihan nina Makoy at Bonagua,” sambit ko na lamang upang ibahin ang usapan. Ayoko nang alalahanin pa kung paano ako magkandarapa sa kanya noon.

“Kayo na ni Via, hindi ba?” Gusto ko na lang iumpog ang ulo ko dahil sa lumabas na tanong sa aking bibig. Iba talaga kapag nakainom. Matagal siya bago nakasagot.

“Nope. It’s better if we remain friends. We, as a squad. Walang heartbreak, walang ilangan. Tropa-tropa lang.” Humalukipkip siya. “And besides, that’s just a puppy love way back in high school. Tulad noong naramdaman mo sa akin.”

Napaiwas ako ng tingin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na nga akong nararamdamang kilig kahit sobrang lapit na ni Maui sa akin. Baka nga siguro. Pero teka, paano kaya kong pareho kami ng nararamdaman noon? Posible kayang naging kami? Panira kasi ‘tong si Bonagua, e. Exciting sana ang lovelife ko noong high school kung walang epal na tulad niya.

Bumuntong-hininga siya at ibinalik sa akin ang bote ng beer. Muli akong lumagok nito kasabay ng pagbuntong-hininga.

“Sige na, mamaya na lang ulit. Ang sama na ng tingin sa akin ni Bonagua.” Kapwa kami napatitig sa direksyon ni Ryan na nakiki-jamming sa paggitara ni Ken. Nagkakantahan sila maliban kay Bonagua na napakasama ng tingin sa amin. Ano na namang trip ng isang ‘to? Pinagmasdan ko na lamang si Maui na bumalik sa upuan niya at nakipagkwentuhan na kina Makoy. Ilang minuto lamang ang lumipas, naramdaman ko ang paglapit naman sa akin ni Ryan at pagtabi sa akin.

“What’s your plan now?” tanong niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Tumango lamang ako dahil sa kalasingan at itinaas ang bote ng nangangalahati nang beer.

“I have to find the mistress of my dad.” Napatitig siya sa akin na parang hindi makapaniwala.

“Are you serious?”

“Of course. I’m gonna kill her,” desidido kong sagot kaya agad niyang inalog ang dalawang balikat ko para mabalik ako sa huwisyo.

“Nababaliw ka na.”

“Just tell me if you know who’s his mistress,” mahina kong sambit at tinitigan siya sa mga mata.

“Mavi, kabit  lang siya ng tatay mo pero hindi ibig sabihin noon siya na ang---”

“Ang pumatay sa daddy ko?” Nakangisi kong pagpapatuloy. “Paano pala kung oo?” dugtong ko pa. Naihilamos niya ang palad sa mukha.

“Mavi, get back to your senses.”

“Guys!” Nakarinig kami ng sigaw mula sa kakababa lamang na si Maybelle at Echo. Galing sila sa taas dahil namili pa ng dalawang case ng beer sa pinakamalapit na store rito. Bakas sa mukha nila ang kaba kaya naipilig ko ang aking ulo para mas maintindihan ang sinasabi nila. Nahihilo na rin kasi ako.

“Let’s hide! May mga paparating na pulis! Shit!” Natatarantang ibinaba ni Echo ang paper bag ng chips at agad sinaraduhan ang pinto pataas. Curfew na nga pala tapos ang iingay pa namin.

“God! Ang careless n’yo talaga kahit kailan, guys!” reklamo ni Via na naliligo na sa soda.

“No, we’re not. Nagkataon lang na talagang narito na sila bago pa kami makabalik! Hide! They’re coming!”

Nabitawan ko sa sobrang gulat ang bote ng beer. Lumikha ng ingay ang pagkabasag at ang kasunod noon ay ang wangwang ng sasakyan. May nakita akong pagsilay ng flashlight mula sa taas. Nakakasilaw ito. Nagsigawan kaming siyam.

“Run! Huhulihin nila tayo!” sigaw ni Makoy kaya kahit pasuray-suray ay nagtatakbo na kami sa kabilang lagusan ng hideout namin.

Here we go again, running away from the Pinecrest cops not as crazy teenagers anymore but reprimanding adults.





No Body, No Crime | Published under TDP Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon