CHAPTER 34
Trip to Jerusalem
“BEFORE this day ends, hayaan naman natin ang ating birthday celebrant na makapagbigay ng short message sa ating lahat! Let’s welcome, Esther!” anunsyo ni Raihana na siyang host nitong munting birthday party para sa akin. Napakunot ang noo ko at tiningnan na siya nang may pagtataka.
Alinlangan niya ako sinenyasan na lapitan siya sa unahan para magsalita pero ako naman itong nanatili sa tabi nina Ken at Maybelle. Siniko-siko na nila ako.
“Mavi, go,” utos ni Ryan kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“What?”
“Huwag mong ipahiya ang sarili mo at si Raihana. Move forward and join her,” gatong pa ni Maui kaya napangiwi ako.
“Ano namang sasabihin ko, ha?” Para kami ritong mga tanga na na nagbubulungan. Buti na lang at wala namang pakialam ang iba sa amin lalo na si Aayi na hinihintay lang akong daluhan ang host sa unahan. Mas nakunot ang noo ko.
“Guys, I can’t do that. Hindi ako masyado nagsasalita tuwing---”
“Just go. Bola-bolahin mo na lang kami, bilis!”
Wala na akong nagawa pa nang ipagtulakan nila ako patungo sa unahan. Kahit nakakaramdam ng hiya dahil sa mga tingin nila sa akin, minabuti kong ipakitang kalmado lang ako at kaya ko silang harapin lahat. Napatikhim ako para iwasang pumiyok kapag nag-umpisa nang magsalita. Isa-isa ko silang tinitigan hanggang sa mapunta ang tingin ko kay Raihana na nakangiti lamang sa akin. Waring ipinapahiwatig niya na kaya ko ito. Ipinilig ko ang aking ulo at huminga nang malalim.
Ibinuka ko ang aking bibig. Naghahagilap na naman ako sa hangin ng sasabihin. Kinakabahan ako dahil baka kung ano na namang lumabas sa bibig ko na mga salita at sa bandang huli, hindi naman nila magustuhan. I’m really stuttering in front of them right now.
“Esther?” Napalingon ako kay Cherus na kanina pa ata naiinip sa kung anong sasabihin ko. “Say what you want to say. This is your chance now, birthday girl,” dugtong pa niya kaya nabalik ako sa huwisyo.
“Gusto ko lang... magpasalamat para sa masayang araw na ito.” Napatungo ako para hindi makita ang mga reaksyon nila. Sobrang tahimik at tanging ako lang ata ang nagsasalita ngayon.
“Salamat sa nakaalalang araw ko pala ngayon. You guys, are the best.” Muli kong inangat ang aking tingin at napangiti nang makita ang pagmumukha nina Ken, Maui, Maybelle, Raihana, Cherus Ann, Via at Makoy. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at konting kasiyahan dahil nakikita ko ang mga nakangiti nilang mukha habang nakatitig sa akin. Gusto kong maiyak.
“God knows how much I love you, guys. Thank you for the friendship. For the sisterhood and brotherhood, rather.” Natawa na ako at pinahid ang munting luha na kumawala sa aking mga mata. Maging sila ay napapaiyak na rin sa mga sinasabi ko.
“I already found my family in you. No matter what happens, I will not let us fall apart. Always remember that, I love you all.” Nakarinig ako ng pagsinghot at nakita ko si Ryan na ginagawa nang pamunas ng sipon ang suot niyang T-shirt kaya natawa ako. Mukhang gusgusin pa rin kahit kailan.
“Okay, tama na ang iyakan. It’s time to party again!” pag-iiba ni Raihana ng usapan upang pigilang maging emosyonal ang lahat. Saglit akong napasulyap kina Makoy at Via. Nakaiwas na sila ng tingin at natahimik. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip nila ngayon. Pero sana hindi sila ganoon kamanhid para hindi malaman na para sa kanila ang mensahe na sinabi ko. Para sa buong Fire Breathing Rubber Duckies iyon at sinisigurado kong sabay-sabay kaming lalabas rito sa ayaw at sa gusto nila.
“Let’s play the final game!” sigaw ni Raihana bilang isa sa pinakanag-eenjoy ngayong araw. Bakas man sa kanya ang pagiging hindi komportable sa kinikilos, ramdam kong gusto lang niyang pagaanin ang paligid. Nakarinig ako ng sigawan mula sa kanila. Napangiti ako. Para kaming mga normal kung titingnan ngayon. Pawang kasiyahan lang at tawanan.
“And it will be called... Trip to Jerusalem!” Mas lumakas ang hiyawan naming lahat dahil exciting nga ang laro. Naglabas na ng ilang monoblocks si Makoy habang ang iba nama’y mga KJ at wala atang balak sumali sa amin. It turns out, halos lahat lang ng Fire Breathing Rubber Duckies ang kasali ngayon sa Trip to Jerusalem. Nakangiti lamang si Aayi sa tabi habang pinagmamasdan kaming sumayaw sa saliw ng masisiglang tugtog.
“This how we gonna play it,” panimula ni Raihana. Lahat kami ay nakikinig kahit alam naman na namin kung paano ito laruin. Heck, lahat ata kami rito ay expert sa ganito. Ipupusta namin ang aming mga sarili at walang kai-kaibigan kapag iisa na lang ang natirang upuan.
“The music is played and we will dance around the chairs. Once the music stops, we will scramble to find a seat. The player who will be left standing without a seat is eliminated. And the game goes on until there is one winner, the person who always finds a seat after every round.” Matapos marinig ang mechanics, pumalakpak ang lahat at excited na sa magaganap na competition para sa iisang mono block.
“Ready na ba kayo, guys?” tanong ni Maui at ini-stretch pa ang leeg niya. Napangiwi ako.
“Huwag na kayong umasa. Pro ata ako sa game na ‘to,” pagmamalaki ni Makoy kaya hindi ko mapigilang matuwa. Kahit papaano ay sobrang attach pa rin siya sa larong ito na tanging Rubber Duckies lang ang mahilig.
“Mukha mo! Ikaw nga ang unang natatanggal lagi,” kontra ni Via dahilan para mapatingin ako sa kanya. Muli siyang nag-iwas ng tingin na parang ayaw akong tingnan. May kakaiba talaga sa kanila. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano nga ba ang totoo sa kanilang mga ikinikilos nitong mga nakaraang araw?
“Umpisa na ng laro!”
Tulad ng nakagawian. Habang umiikot-ikot kami sa mga upuan, sinasabayan namin ng galaw ang masiglang musika na nagmumula sa maliit na speaker. Hanggang sa tumigil ang tugtog at kanya-kanya na kaming hagilap ng bakanteng uupuan. Puro sigawan ang namayani nang si Makoy ang unang natanggal. Hindi nga nagkamali si Via. Halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa.
“Ang daya. Hindi kasi ako nakapag-practice. Bwiset kayo. Next time, ako na ang panalo,” aniya at napabusangot.
Sa isang iglap ay napuno na naman ng tawanan ang buong paligid. Pati sina Aayi ay nakisali na rin sa hagalpakan. Matapos ang ilang mahabang taon ng pagkakawalay ko sa kanila, ngayon lang ulit kami nagkasama-sama upang laruin ang paborito naming party games sa lahat. At hindi ko akalain na dito pa sa bahay ng baliw na babaeng si Aayi kami magkakaroon ng pagkakataon na makasama muli ang isa’t isa. Otomatiko akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko. Napakahalaga nila para sa akin at hindi sila matutumbasan ng kahit na anong bagay rito sa Pinecrest.
I will do anything just to save them from this insane woman in front of us. We, as Fire Breathing Rubber Duckies, we will get out of this hell together. No one should be left behind.
BINABASA MO ANG
No Body, No Crime | Published under TDP Publishing House
Mystery / ThrillerThey're not dead, just missing. For years, Mavi thought her mother abandoned them. Her father sent her to the city for her good fortune. She was forced to leave her beloved hometown and her circle of friends. Months passed and she found out that he...