Chapter 2

16 2 0
                                        

Alondra's POV

Bumaba ako at kumain sa niluto ni lolo habang nasa taas pa rin sila ni kuya. Maguusap ata kasi nagpunta sila sa library ni lolo.

I don't get it, why are they so meant to me...? Simula bata pa lang kami ganiyan na ang trato nila sa 'kin, minsan iniisip ko kung ampon ba ako? Hindi ba nila ako totong kapatid? Anak ba ako sa labas? Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong masagot.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako at naligo. Kinuha ko ang skateboard ko at nasa hagdan na ako nang tawagin ako ng isa sa mga kasambahay namin at sabihin pinapatawag ako ni lolo sa library, napabuntong hininga ako at pumunta sa library.

Kumatok muna ako bago ako pumasok, "'Lo? Pinapatawag mo raw ako?"

"Yes, come in, hija." Tinanggal niya ang salamin niya at pinatong ang dalawang kamay sa lamesa, "Uuwi tayo sa Pilipin-"

"Really?! Kailan?!" Excited kong tanong, napangiti naman si lolo.

"Next week."

"Talaga, 'lo?! Excited na 'ko!"

Natawa naman si lolo, "Alam kong miss mo na ang mga kaibigan mo roon."

Ngumiti naman ako at tumango, palabas na ako nang magsalita ulit si lolo. "Kasama natin ang dalawa mong kuya at papasok ka roon sa Ricar Academy." Natigilan man ako ngunit tumango nalang din, as if mayroon pa akong magagawa.

Dadaldalin ko muna si kuya Cristobal, pagod si kuya Carlos kasi galing siya sa trabaho kaya si kuya Cristobal muna hehehehe. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan niya at magka-bunguuan kami, pareho kaming natumba sa sahig.

Natawa naman ako habang hinhinas ko ang likod ko ngunit tumigil din nang makaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko.

"What the fuck? Is there something funny?! Tanga." Inis na sambit niya at tumayo.

"Kuy-"

"What do you want?"

"I was thinking.... Are you... Uhmm... Are you free?" Napapahiyang tanong ko, aayain ko sana siyang mag-skate board. Wala naman si Blaire kaya magagawa ko ang gusto kong gawin.

"No, I am not. I have a date, why?"

"Mag-skate board sana tayo roon sa-"

"I'm not into skateboards." Tugon niya at bumaba na.

Dumaan ang ilang araw na sinusubukan ko ulit mag-skate board. Marunong ako dati pero tumigil ako nang ma-injure ang paa ko. Pinatigil ako ng doctor sa pagsayaw, pero nakikipag-away pa rin ako.

"Ayos na ba gamit mo, Alondra?" Sabado ng gabi nang pumasok si lolo sa kwarto ko habang nagpe-paint ako.

"Yes, 'lo." Tinuloy ko ang pagpipinta ko, 'yong buhok na lang at tapos na. Pinirmahan ko 'yon nang matapos.

Nang humarap ako kay lolo ay nakangisi na siya, "Come on, he lives in my imagination, okay? I don't know if I will ever see him again." Bulong ko ngunit halakhak ng aking pinakamamahal na lolo ang narinig ko.

"You will, once we're back in the Philippines." Nakangiting sambit ni lolo at tinapik ang balikat ko, "Tomorrow's our flight, 6:00am." Ngumiti lang ako at tumango.

"Alondra... Gising na." Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sa balikat ko.

"Tsk! Inaantok pa 'ko." Nagbalot ako ng kumot at sinubukan matulog ulit.

Emilliano's POV (Alondra's lolo)

Napabuntong hininga ako, sinasabi ko na nga ba't hindi magigising ng maaga 'tong batang 'to. Maga-alasingko na ng madaling araw at tulog pa siya.

"Alondra, apo, gising na. Mahuhuli tayo sa flight." Napabalikwas siya ng bangon at dumiretso sa banyo, napailing ako. Ano na naman ba ang ginawa ng batang ito kagabi?

"Ano pa'ng tinatayo tayo mo riyan, 'lo? Tara na!" Nauna siyang lumabas habang hatak hatak ang maleta niyang maliit na kulay green. May dala rin siyang backpack na mayroong design, siya mismo ang nagpinta n'on.

Naroon na rin sa sala ang dalawa ko pang apo na naghihintay, si Alfonso Cristobal ay  nakapikit habang mayroong nakasuksok na headset sa magkabilang tainga niya. Si Alejandro Carlos naman ay nagbabasa ng libro.

"Is that all your things?" Turo ni Alejandro sa bagahe ni Alondra.

"Yup! Madami pa akong gamit na naiwan sa Pilipinas kaya konti lang ang dinala ko." Sagot naman ni Alondra.

"Sumakay na kayo roon sa sasakyan, medyo mahaba rin ang biyahe papuntang airport." Iyong private airplane namin ang gagamitin para hindi kami makaagaw ng atensyon.  

Walang imik ang dalawa habang si Alondra naman ay kanina pa nagku-kwento sa dalawa niyang kuya, na mukhang hindi naman nakikinig at nakatutok sa kanilang cellphone at walang pakialam sa sinasabi ng nakababata nilang kapatid. Napabuntong hininga ako, magiging ayos pa ang magkakapatid na ito?

Cristobal's POV

Nakatingin lang ako sa bintana habang itong nasa kabila ko naman ay hindi na tumigil ang bibig kakasalita. Nasa gitna namin ni Alondra si Alejandro at si lolo naman ay nasa passenger seat. Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring 'yon.

Alejandro
Dude, this girl's noisy. I can't sleep.

:just dont mind her

:How?!

Paano nga ba? Ang lakas ng boses niya, her voice is deep too. Well, kaming magkakapatid naman ay deep ang boses. Namana namin kay Dad.

:uhh just tell her to stop talking?

:Lol, okay.

"...Naalala ko pa noon na-"

"Alondra?" Pagtawag ni Alejandro.

"Hmm?" Alondra answered while smiling, her smile and mom's smile are the same... I diverted my gaze.

"Can you shut up? I'm trying to sleep here." Simpleng sabi ni Alejandro.

"Oh... I- I'm sorry..." I was just looking at her. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana habang nakasandal ang kaniyang noo. Malungkot ang mata niya habang nakatingin sa labas. Nang maramdaman niya ang tingin ko ay nginitian niya ako, iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya.

Pagkarating sa airport hanggang sa lumapag ang eroplano sa Pilipinas ay walang imik si Alondra pero kita ko ang excitement at saya sa kaniyang mata. Papunta na kami ngayon sa mansion at wala pa rin siyang imik.

"Excited ba kayo?" Tanong ni lolo, tipid lang kaming tumango ni Alejandro. "Ikaw, Alondra?"

"Hmm." Tanging pagtango ang ang sinagot ni Alondra, akala ko ay-

"Syempre naman 'lo! Excited na akong ikwento sa mga kaibigan ko ang mga nangyari sa akin sa Spain!" At ayon na nga ang bunganga niya.

"Ano ang mga plano mong gawin, hija?" Nakangiting tanong ni lolo.

"Plano kong dalhin sina kuya sa favorite restaurant ko rito hehehe. Tapos mag-arcade kami. Tapos plano ko rin tumambay sa bahay nila Gunn at Blaire!"

"Iyon lang ba, apo?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Alondra ngunit sinikap niyang ibalik iyon, tipid nga lang. "P-plano kong... bisitahin si uncle. M-miss ko na siya... Sobra."

+++++
thanks for reading!<3

Chasing StormWhere stories live. Discover now