Chapter 9

12 2 0
                                        

Alondra's POV

"'Lo." Binati ko kaagad si lolo pagkarating namin, nagmano ako saka humalik sa pisngi niya. Nagpaalamna rin si Yukiro sa akin dahil may dinner daw sila ng pamilya niya. "Coach." Nag-fist bump kami ni coach John— siya ang nagte-train sa akin sa boxing. Seven years ko na siyang coach.

"Kumusta, Alondra?" Aniya habang inaayos ang boxing bandage niya. Matangkad siya at maskulado. Mayroon din siyang ilang tattoo sa braso.

"Ayos lang po, coach."

"Isang buwan kang hindi nag-train. Hanggang bukas tayo roon sa training room mo."

Nagulat man ay tumango na lang ako at nag-paalam na magbibihis muna at maglilinis ng katawan. Bago ako pumasok sa banyo ay muli kong inilabas ang itim na sobre— hinablot ko kanina kay kuya Cristobal 'to bago niya pa mabukas— saka tiningnan isa isa ang mga larawan. Nangunot ang noo ko nang makitang mayroong isa pa roon na hindi ko napansin kanina.

Blangko iyon at kulay itim tiningan ko ang likod niyon, napamulagat ako nang mabasa ang nakasulat doon.

I'll follow you from the dark.

Nakasulat iyon sa dugo, naamoy ko ang malansang amoy niyon. Muli kong tiningnan ang larawan, mariin ko 'yong tiningnan. At doon, nakita ko ang— sa hula ko— lalaki na pulos itim ang suot at tanging mata lang ang kita. Mayroon siyang hawak na makintab na espada. Mayroon din akong espada pero nangilabot ako nang makita iyon na hawak niya.

Mabilis kong tinago sa drawer ko 'yon saka dali-daling tumungo sa banyo. Sinara ko rin nang maigi ang mga bintana ko pati na rin ang kurtina.

Itim na adidas sports bra at adidas leggings ang sinuot ko. Puting boxing bandage naman ang kinuha ko mula sa kahon sa itaas ng cabinet ko. Panira lang sa outfit ko, bakit ba. Pulos itim kasi, eh. Naaalala ko 'yong picture.

hope

Hi Alondra! Just got home, did you eat already?

hindi pa, may training ako
i'll text you back later
pakisabi na rin kay maam
b

aka di ako makapasok

bukas

janella

BAHAAHAHHAHAHAHAAH NAKAUWI NA KO TEH
KAMI PA LANG DALAWA
NI KUYA HEHEHEHE

ok cge nak,, mgphnga
k n. may sinigang s ref

Mabilis akong nagtungo sa fighting training room ko sa likod ng mansion. Binati ko rin si glitter.

Pinalilibutan ang kwarto ng salamin. Sound proof iyon at kulay beige ang floor. Mayroong boxing ring sa gitna ng training room at sa kaliwa niyon ay ang iba't ibang patalim at baril, mayroon ding pana at palaso roon. Sa kanan naman niyon ay mga boxing bags at ang sahig niyon ay may asul na mat.

"Warm up muna. Baka mabigla katawan mo." Ani coach John, "Skipping rope, five minutes." Tumango ako saka tinali ang buhok ko.

Pagkatapos kong mag-skipping rope ay shadow sparring naman. Pawis na pawis na ako habang si coach naman ay kasama si lolo, nag-ku-kwentuhan.

Minsan, napapaisip ako. Bakit kailangan ko 'tong gawin? Bakit kailangan kong matutong humawak at gumamit ng baril? Bakit ako nagte-training? 10 years old. I was 10 years old when I entered this training room. Hindi ko alam kung ano'ng dahilan nina papà, lolo at tío. Kinumbinsi nila ako na mag-train sa hindi ko malamang dahilan. Ang excuse pa nila ay babae ka kailangan mo 'yan para maprotektahan sarili mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing StormWhere stories live. Discover now