Chapter 5

14 2 0
                                        

Alondra's POV

Tahimik ang loob ng sasakyan. Ako ang nakaupo sa shot gun seat habang si kuya Cristobal naman ay nasa backseat. Napangiwi ako nang naramdaman ko na naman ang pagkirot ng isang bahagi ng ulo ko.

Tumatakbo ako dahil may asong biglang humabol sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanya! Binigyan ko lang naman siya ng pagkain.

Napanguso ako nang makitang malapit na siya sa akin saka binilisan ko pa lalo ang takbo ko.

"Papà!" Sigaw ko nang malapit na ako sa harap ng bahay. Kita ko ang sasakyan ni papà na palabas, narinig 'ata niya ang sigaw ko kaya mabilis siyang bumaba mula sa kotse niya.

Nang mapagod ako sa pagtakbo ay tumabi ako. Napatunganga na lang ako nang tuluy-tuloy na tumakbo palayo ang aso! Ngumuso ako saka lumakad papalapit kay papà. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang may maapakan akong 'di kaaya-aya. Dahan dahan akong tumungo saka napangiwi nang makitang sariwang tae ng aso ang naapakan ko!

Bumuhos ang luha ko samantalang humahagalpak naman sa tawa ang papà!

Napangiwi ako sa alaalang 'yon. Nai-imagine ko 'yong tae! Huhuhu! Nakakadiri!

"Ma'am Alondra?" Napatingin ako kay kuya Anthony nang magsalita ito.

"Alondra na lang po, kuya." Napangiwi muli ako nang maalala 'yong tae.

Mahinang natawa si kuya Anthony, "Tinatawag po kayo ng kuya niyo."

Mabilis akong lumingon sa kuya kong pinaglihi 'ata sa sama ng loob. Madilim ang mukha niya at masama ang tingin niya na nakapukol sa'kin. I smiled nervously, "A-ano 'yon, kuya? Hehe."

Umismid siya, "Ang sabi ko, 'wag mo 'kong pupuntahan sa campus namin. Don't even dare to tell anyone that we're siblings. I don't treat you as my sister, remember that." Malamig na wika niya saka mabilis na bumaba sa sasakyan.

Nahihiya akong tumingin kay kuya Anthony saka nagpasalamat dito. Nang makababa ay mabilis akong naglakad patungo sa secondary campus.

Tumungo ako nang mapansin na halos lahat ng estudyante roon ay nasa akin ang tingin. Hindi naman na bago sa akin ang atensyon na nakukuha ko, sanay na ako roon. Hindi ko lang maiwasan na maisip na nakilala nila kung sino ako sa kabila ng maiksi kong buhok na may dark blue highlights saka malaki at makapal na salamin ko.

Mabilis akong tumungo papunta sa registrar office rito sa secondary campus para kuhanin ang schedule ko.

"The new student, right?" Binaling ko ang tingin ko sa babaeng matangkad at naka-pony tail ang buhok na naka-puwesto sa front desk. Ngumiti ako saka tumango. "Here you go." Inabot niya isang piraso ng papel, "Ito ang map ng campus, nagsisilbing guide 'yan para sa mga new student. Para hindi sila maligaw at alam nila ang pupuntahan nila. Ito naman," Inabot niya sa akin ang isang matigas na papel, "kailangan mo itong ipapirma sa subject teacher mo then ibabalik mo rito at the end of the day." Nakangiting paliwanag niya.

"Thanks." Nakangiting wika ko.

Inayos ko ang salamin ko saka lumabas sa registrar office. Hmm, sa third floor ang room ko. Section two.

Dinig ko ang bulungan ng mga estudyante- most are the guys. Ako ang topic, kumuyom ang kamao ko, hindi ko na lang binigyan ng pansin ang sinabi nila sa akin. Nakapasok na ako sa room namin na 'di ko namalayan.

Nagsalita ang adviser namin- I guess?- 'tapos ay ikinumpas niya ang kamay niya na parang sinasabi na magpakilala ako.

"Alondra Calil Vazquez, 16 years old, I'm half spanish. Please treat me well." Iyon lang ang sinabi ko.

Chasing StormWhere stories live. Discover now