Chapter 1

16 2 0
                                        

Alondra's POV

Nandito ako sa bar ni Sergio ngayon. Nakikipagkita siya sa akin, ewan ko ba kung ano'ng dahilan. Hinihintay ko lang siya habang umiinom ng isang bote'ng beer. Nakatingin lang ako sa mga labas-pasok na tao. Ang tagal naman niya.

"¡Oye! ¡Cuánto tiempo sin verte, Alondra!" (Hey! Long time no see, Alondra!) Nagulat ako nang masigla akong binati ni Sergio mula sa likod. Nakabuka pa ang kamay na parang sasalubungin niya ako ng yakap, ang mga tauhan niya ay nasa likod niya.

"¡Oye!" (Hey!) Bati ko pabalik sa kaniya. "Escuché que me estás buscando. Que necesitas" (I heard you're looking for me. What do you need?) Tinanong ko kaagad ang pinunta ko rito dahil inip na inip na ako, ikaw ba naman ang paghintayin ng trenta minutos?!

"I heard about the boy you punch, you want to be one of us?" He asked, accent *smirk*. He's not very good at english, but I can still understand it.

"Which boy?" Confused, I asked. I punched lot of boys, so who?

"The white boy. Downstairs." He replied.

"Ohh, what about him?"

"He one of our dealers. He stronger than my men. But you..." Napahimas siya sa baba niya na parang nagiisip. "You knocked him out with just a punch."

"Stronger, huh? Nagpapatawa ka ba?" Stronger amputa, isang suntok nga lang eh, plakda na!

"No subestimes su habilidad." (Do not underestimate his ability.) Seryoso niyang sabi. "¡De todas formas! Nuestra pandilla siempre está abierta para ti. Puedes venir en cualquier momento." (Anyway! Our gang is always open for you. You can come anytime.) Huli niyang sinabi bago lumabas ng sarili niyang bar. Napa-iling ako, probably going to his office, where his gang members are.

Sergio- One of the powerful gang leader here in Spain. He recruits every teenage boys in the poor area of Spain, Los Pajaritos. He promises them a good life if they join his gang. Well, it's true.

Inubos ko ang beer ko at lumabas na din ng bar. Kumuha ako ng yosi kaso nalimot ko ata yung lighter ko sa bahay. Kinalabit ko yung bata sa gilid na nagsisiga at inilahad ko ang kamay ko, nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"¿Que?" (What?) Tanong ng bata.

"Tu encendedor." (Your lighter.)

"¿Y eso?" (What about it?)

Napabuntong hininga ako at tinuro ang yosi na nasa bibig ko na kanina pa. Napakamot naman siya sa ulo at binigay ang lighter niya sa akin. Binalik ko na yung lighter at sakto naman na dumating yung mga kaibigan nung bata. Nagulat pa nang makita ako.

"¿Por qué hablas con ella?" (Why are yoy talking to her?) Tanong nung malusog na bata.

Tumalikod na ako pero rinig ko pa ang usapan nila.

"Ella tomó prestado mi encendedor." (She borrowed my lighter.)

"¿Sabes quién es?" (Do you know who she is?)

"No, acaba de pedir prestado mi encendedor. ¿Se supone que debo saber su nombre?" (No, she just borrowed my lighter. Am I supposed to know her name?)

"¡Idiota! ¡Esa es Alondra la más mala!" (Idiot! That's Alondra the baddest!)

Napangisi ako habang naglalakad. 'Alondra the baddest', huh? Who gave me that name? Nagring ang phone ko kaya tinignan ko ito.

Unknown number
Te respaldamos, Alondra es la más mala. (We got your back, Alondra the baddest.)

Napa-iling ako, si Sergio yung nagtext sa akin. Naalala ko ang unang pagkikita namin, tss.

~Flashback
Nakatali ako ngayon sa upuan at nakapiring ang mga mata ko. Hinuli ako ng mga tauhan ni Sergio kanina pagkatapos kong bugbugin yung bumastos sa 'kin kanina sa eskinita.

"Serás una de nosotras." (You'll be one of us.) "Te haré una de nosotras." (I'll make you one of us.)

"No puedes. No soy tan malo como tu." (You can't. I am not as bad as you.)

"Ha!" Nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Sobrang lakas na parang nabingi ang isa kong tainga.

"But I'm stronger than you." Kasabay ng pagsalita ko ay natanggal na din ang tali sa mga kamay ko. Tumayo ako at ginantihan yung mga tauhan niya na nanuntok sa 'kin kanina. Tangina nila, syempre gaganti ako. Sinampal ko naman si Sergio, yung mas malakas sa sampal niya sa akin kanina, ayon, tulog.
~End of flashback

Mabait si Sergio pero nagiging demonyo siya kapag nagagalit ng sobra. Hahahahahaha nakakatawa nga siyang tignan kapag galit siya eh.

Wala pa sina kuya nang makauwi ako sa bahay namin dito sa Spain. Si papa panigurado ay nasa trabaho pa.

"Lo! Nandito na 'ko!" Pagtawag ko kay lolo.

"Narito ako sa kusina, Alondra!" Sigaw naman ni lolo. Pinuntahan ko siya at hinalikan sa pisngi. Nagluluto siya tortilla. Wahahhahaha ang bango! Nagugutom tuloy ako.

"Matagal pa bang matapos 'yan, lo?" Tanong ko. Natawa naman siya.

"Malapit na, hihintayin muna natin ang kuya Carlos mo. Galing siya sa restaurant niya. Tawagin mo na ang kuya Cristobal mo sa taas." Utos ni lolo sa akin. Akala ko wala din si kuya Cristobal, wala kasi yung kotse niya na garahe.

Umakyat na ako para tawagin si kuya Cristobal. Kumatok muna ako, kaso walang sumasagot. Katok ako nang katok, napagdesisyunan ko na pumasok na. Sumilip muna ako nago ako tuluyang pumasok.

"Kuya? Kuya Cristobal? Kakain daw tayo pinapatawag ka ni lolo?" Wala pa rin sumasagot kaya tinignan ko yung banyo, kaso wala din tao. Tinignan ko pa ang pwede niyang pag-taguan, pati nga drawer niya ay tinignan ko na din, kaso wala talaga si kuya. Napaupo ako sa kama, kinakabahan na. Paano ko sasabihin kay lolo na wala si kuya dito? Paano kung mapagalitan kam-

"What are you doing here?!" Napatayo ako nang pabulong na sumigaw si kuya, nasa may bintana siya. Tumakas ba siya? Hahahaha okay lang, tumatakas din naman ako. "Get out of my room. Now!" Pabulong niyang sigaw. Nataranta naman ako kaya natamaan ko yung picture frame sa side table at nabasag. Pinulot ko 'yon at nakita ko yung picture nila kasama si mama.

"S-sorry, sorry hindi ko s-sadya na m-matam-maan." Nanginginig na sabi ko.

"Tangina, lumabas ka na kasi!" Sigaw niya sa mismong mukha ko, napapikit naman ako. Bumukas ang pinto at lumitaw si kuya Carlos na nakakunot ang noo at si lolo na nagtataka.

"Ano'ng nangyayari rito?" Tanong ni lolo.

"Eh kasi, lo, itong babaena 'to nangingialam ng mga gamit ko! Tignan mo 'tong picture namin nina mama, binasag niya!" Sagot naman ni kuya Cristobal.

"Pwede ka naman bumili ng bagong picture frame, hindi naman nasira 'yang litrato ninyo." Mahinahon na sabi ni lolo.

"H-hindi ko naman sadya..." Mahinang sabi ko.

"Tsh, shut up." Sabi nan ni kuya Carlos, napa-iling siya at umalis na. Ako naman nakayuko lang *sigh*.

Bakit ba ayaw nila sa 'kin?

+~+~+
thanks for reading<3

Chasing StormWhere stories live. Discover now