Alondra's POV
"You did not have to do that." Ani Storm pagkaupo ko sa bench malapit sa field. Tinext niya ako kanina na rito na lang kami magkita. Gusto ko siyang tanungin tungkol doon sa sinabi ni Victoria. It's a family matter so I just kept my mouth shut.
Pigil ang ko ang luha ko nang uminom ako sa soda in can na binigay niya. Mabilis kong nilaghok 'yon saka tumitig sa kawalan.
Ano ba'ng mali sa ginawa ko? Pinagtanggol ko lang naman si Storm hindi ba? At saka, bakit kailangan pang idagdag ni kuya 'yong huli niyang sinabi? Ganoon na ba ako kasama? Na aabot ako sa punto na makakapatay ako? Sobrang sama ko naman yata sa mata ng sarili kong kapatid?
Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan 'yon ni Storm, nalukot na ang lata na hawak ko sa sobrang pagkakuyom ng kamao ko. Nanginginig din ang kamay at labi ko at ramdam ko ang pagpatak ng luha ko mula sa kanang mata ko.
"Hey... What happened?" Mahinahong tanong ni Storm.
Tinakip ko ang kamay ko sa mukha ko, sinandal naman niya ang ulo ko sa dibdib niya at sinuklay ang buhok ko. Nang tumahan ako ay humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Inabutan niya ako ng panyo, tinanggap ko naman 'yon.
"You can keep that." Turo niya sa panyo. Kulay dark blue 'yon at may burda ng pangalan niya.
Kami pa lang ang tao sa room dahil hindi na kami nakapag-lunch at maaga pa naman. Ano ba kasing problema ng Victoria na 'yon? Gutom na gutom kaya ako!
Ginawa ko na lang 'yong essay sa ESP para naman hindi ako ma-bored. Pagkatapos ay tinext ko si Blaire para tanungin kung bakit hindi sila pumapasok.
Blaire bbq😘
bakir di kayo pumapasok
ha? gaga, pumapasok kami
hindi ko kayo nskikita
college na kami pota ka
ay, oo nga pala
may bago akong kaibigan heheano name
gwapo ba?hmm, storm alexander
oo, gwapo siya
bakit? sakin siyawews hahahaha
"Thanks, I guess?"
"Ha? Para saan?" Takang tanong ko, bakit ba ako pinasasalamatan ni Storm?
"You told your friend that I'm guwapo, thanks." Mayabang ang ngisi niya saka niya sinuklay ang buhok niya. Napatitig tuloy ako sa kanya.
"I like your eyes." Wala sa sariling sambit ko. Mapungay ang kulay tsokolate niyang mata. Ang akala ko ay mata ko na ang pinakamagandang nakita ko, totoo naman hehe. Joke lang!
"Thanks." Muling sumilay ang mayabang na ngisi sa labi niya kaya napaismid ako.
"Psh, kapal mo." Hindi ko napigilang umirap na siyang ikinatawa niya.
Nanahimik na lang ako dahil kumakapal lang ang mukha nitong katabi ko kapag pinupuri mo, psh. Nagsidatingan na ang iba pa naming kaklase kaya tinago ko na ang cellphone ko.
"Is Alondra Calil Vazquez from section two?" Napatingin ako sa babaeng may katabaan at mahinhin ang boses.
"Soy yo. ¿Por que?" "It's me. Why?" Paibaba ko siyang tinitigan.

YOU ARE READING
Chasing Storm
Roman d'amourPromises. A simple word that holds a huge meaning. An agreement. Promises are meant to be kept, they say. That's why a girl named Alondra Calil Vazquez chased Storm. It's because of a promise. Will Storm remember the oath they share? Or continue to...