Alondra's POV
Pagkarating sa condo ay kaagad akong pumasok sa isa sa mga kwarto at nagpahinga na.
Namomroblema ako kung ano'ng kakainin namin. Pareho kaming hindi marunong magluto ni kuya huhuhu!
"What's for bre- ah, shit. I forgot, I'm living with the ex-con."
Natigilan ako, ex-con? "If I'm the ex-con you're referring to, I am not." Umiwas ako ng tingin at dumeretso sa banyo para maligo.
Gano'n ba ang tingin nila sa 'kin? Isa akong ex-con? I'm a minor, hindi pa nga ako p'wedeng makulong. Ipinilig ko ang ulo ko saka sinout na ang uniform ko.
Hanggang sa 'taas ng tuhod ang haba ng itim na palda namin at puti ang blouse na may dark blue vest at mayroong ribbon na tinatali imbes na necktie. Nasa kaliwang banda ang logo ng Ricar Academy.
Ang uniform naman ng mga lalaki ay black slacks at long sleeves ang pang-itaas nila, binubutones ang manggas n'on hanggang sa siko. Naka-vest din sila at mayroon ding ribbon na inilalagay sa ilalim ng collar ng long sleeves nila.
Sinuot ko ang black high socks ko na may logo ng Ricar Academy- kasama 'to sa uniform namin. Pagkatapos ay nilagay ko ang I.D ko na cini-clip sa ilalim ng logo ng school sa may vest namin. Kinuhanan ako ng litrato kahapon nang ibalik ko 'yong papel sa registrar office.
"Uhh, ma'am- este A-alondra nauna na po ang kuya niyo magpahatid." Ani kuya Anthony nang makababa ako sa parking lot ng building.
"G-ganoon po ba? S-sige po, tara na po." Sinubukan kong ngumiti.
"Hi!" Bati ko kay Storm at inilapag ang gamit ko.
"Hey." Tugon nito.
"Nagawa mo ba 'yong assignment na pinapagawa sa ESP? Pakopya nga." Mayroong pinapagawang essay na hindi ko alam kung tungkol saan.
"Seriously? Tungkol 'yon sa mga ginawa mo n'ong bakasyon. You can't copy mine."
"Graded ba 'yan?"
"Wala naman nabanggit si sir." Natigilan siya, "Did you eat?"
Ngumuso ako- paniguradong narining niya 'yong tiyan ko- saka umiling, "Hindi. Iniwan ako ni kuya."
"Do you want to buy food? I'll go with you." Tumingin siya sa wall clock, "May fifteen minutes pa naman bago mag-start ang klase."
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, shutabells napapano ba ako? "S-sige."
Nakapamulsa siyang naglalakad habang nasa likod niya ako. Bahagyang nakatungo ang ulo niya. He's tall and skinny, ang bilis pa niya maglakad kaya naiiwan ako rito sa likod niya.
Nang makarating na siya sa pintuan ng cafeteria ay iginala niya ang paningin niya, hinahanap siguro ako. Shuta naman kasi, naiwan ako rito sa may mga lockers 'tapos ang dami pang mga students na nagchi-chismisan.
"Why are you so slow?" Kunot-noong aniya.
"Kasalanan ko bang matangkad ka at mahaba 'yang mga binti mo at 5'4 lang ako?" Umismid ako.
"Tch." Sinenyasan niya akong mauna na kaya iyon ang ginawa ko.
"Ano'ng gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Nothing. Is that what you're gonna eat? A granola bar?" Turo niya sa hawak ko.
Tinaas ko lang ang kilay ko bilang tugon, dinagdagan naman niya ng oatmeal cookies 'yong hawak ko.
YOU ARE READING
Chasing Storm
RomantikPromises. A simple word that holds a huge meaning. An agreement. Promises are meant to be kept, they say. That's why a girl named Alondra Calil Vazquez chased Storm. It's because of a promise. Will Storm remember the oath they share? Or continue to...