Chapter 4

12 2 0
                                    

Alondra's POV

"Ano ba 'yan! Umusog ka nga roon, Gunn!"

"Wala na akong uusugan! Makukuha ako ng monster!"

"Ihh, Gunn naman!"

"Baka mahila paa k-"

"Tabi, ako riyan." Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka lumipat sa puwesto ni Blaire.

Kanina pa sila, hindi ako makatulog sa ingay nila. May monster daw sa ilalim at baka kunin daw sila, tch, kalokohan.

"Ano ba'ng kinatatakutan niyo rito? Wala nam- AHH!" Napasigwa ako sa gulat nang biglang mag-boo si Blaire. "Buwisit kayo." Sinamaan ko sila ng tingin habang tumatawa sila.

Nag-kwentuhan pa kami hanggang sa makatulog na kami. Kinabukasan ay nagpunta ako sa salon para magpakulay ng buhok, dark blue highlights lang naman ang gusto ko.

"Good day, ma'am!" Iginiya ako ng staff at sinabi ko ang gusto ko sa buhok ko.

Mahaba ang buhok ko, hanggang ilalim ng dibdib. Pinagupit ko iyon hanggang sa itaas ng balikat ko.

"Sisteret, baka gusto mong ahitin natin ang eyebrows mo?" Alok ng isa sa mga staff habang ginugupitan ako.

Nainsulto ako, hindi ko alam kung mali ba ang pagkakaintindi ko roon sa sinabi niya. Mabalbon kasi ako, makapal ang kilay ko at tila magkakonekta iyon. Umiling lang ako at pinigilan kong umirap.

Pagkatapos ay sinuot ko ang salamin ko, tinanggal ko ang contact lens ko at baka may makakilala sa akin. Dumeretso ako sa bookstore para bumili ng ilang gamit. 

"Ako na po ang magdadala niyan, ma'am Alondra." Umiling lang ako kay kuya Anthony- ang body gurad ko raw at driver ko sabi ni lolo- at sinabing ayos lang at bagong acrylic paint set lang naman iyon. Magaan lang.

Sinabi naman na ni lolo na hindi ako p'wede magpapierce sa ilong. Kaya 'eto ako ngayon at pumapasok sa piercing salon.

Binati ako ng staff at iginiya. Bellybutton piercing at nose piercing ang gusto ko. Hehehehe, pagdasal n'yo na lang ako.

Napangiwi ako nang maramdaman ang karayom sa pusod ko, hindi naman masakit. Parang kinurot lang ako ni lolo.

"Bukas na ang pasok niyo." Ani lolo habang naghahapunan kami.

Alam namin, 'lo, hehe.

"Kung p'wede, panatilihin ninyong sikreto ang pagkakakilanlan niyo." Bilin niya, halos sabay lang kaming tumango ni kuya Cristobal. Si kuya Carlos naman ay tapos na sa paga-aral at nag-t-trabaho na s'ya.

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot, napangiwi ako.

"Papà, baka po 'di ako makasama. Masakit po ang ulo ko." Sambit ko, nakahawak ang kanang kamay sa ulo ko.

"Madalas yata ang pagsakit ng ulo mo, Alondra?" Binaling ko ang tingin ko kay lolo nang magsalita ito.

Bahagya akong sumulyap kay papà nang marining ko ang buntong hininga nito, "'Wag na muna tayong tumuloy. Ipapacheck up ko ang kapatid niyo." Sambit niya, nakatingin sa mga kapatid ko.

Kaagad naman silang nagdabog, binangga pa nila ang braso ko sabay bulong ng "Hindi na naman matutuloy dahil sa kanya. Dapat talaga ay hindi na siya pinanganak."

Inosente ko silang nasundan ng tingin, kapagkuwan ay napanguso ako. "'Pa, okay lang ako. Sa susunod niyo na lang ako ipatingin sa doktor, galit 'ata sa akin ang mga kapatid ko."

Muling bumuntong-hininga si papà, "Hayaan mo sila. Halika na."

Pagkarating sa clinic ni Doc. Escote- ang family doctor namin- ay kaagad niyang tinanong kung ano ang nararamdaman ko. Agad ko naman 'yong sinabi.

"Hmm..." Kumuha siya ng piraso ng papel saka may kung anong sinulat doon. "Your daughter has migraine. Maaaring namana niya ito."

"Isn't she too young...?" Confused, my papà asked.

May pinagusapan pa sila na kung ano ngunit hindi ko na iyon naintindihan. Nakuha na ng atensyon ko ang puno roon sa labas. Ang ganda....

"Alondra."

"Huh?" Napatingin ako kay lolo nang tawagin niya ako.

Nangunot ang noo niya, "Ang sabi ko, ayos ka lang ba?"

"Ahh, opo." Tumungo ako, kapagkuwa'y nangunot ang noo sa pagtataka, "'Lo... I didn't know that I was diagnosed with migraine...?" Hindi ko talaga alam iyon, kaya pala madalas na sumasakit ang ulo.

Napatigil siya sa pagkain saka pinagsalikop ang kamay sa ibabaw ng mesa, "Tell me more, hija. Ano pa ang naaalala mo?"

Nagtaka ako, "Ano po ba ang dapat kong maalala?"

Tumikhin si lolo, "Nevermind that."

Naguguluhan man ay pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Bakit parang may tinatago sila sa 'kin? Ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon.

"Sabay kayo ng kapatid mo na papasok. Iapapahatid ko kayo kay Anthony." Ani lolo na nakatingin kay kuya Cristobal.

Wala pa man ay kita ko na sa mata ng kuya ko na tutol siya roon, "But... 'Lo naman, eh." Para bang hindi mahanap ni kuya Cristobal ang mga salita para ipaliwanag kay lolo na ayaw niya akong kasabay. Wala na siyang nagawa nang sabihin ni lolo na ipagpatuloy na lang niya ang pagkain niya, sinamaan niya ako ng tingin kapagkuwa'y inirapan ako.

Matunog akong napabuntong-hininga saka mapait na napangiti sa aking sarili.

"Hi, mama." Inilagay ko ang puting rosas na binili ko kanina. Ito ang paborito kong bulaklak. Umupo ako sa harap ng puntod ni mama.

"Bukas ang unang araw ng klase namin ni kuya Cristobal dito sa Pilipinas. Sabay daw kaming pumasok sabi ni lolo, pero kita ko sa mata ni kuya ang pagtutol. Alam ko naman na ayaw nila sa 'kin. Bakit pa kasi ikaw ang namatay, 'ma? Dapat siguro ako na lang." Mapait akong natawa saka pinunasan ang takas na luha mula sa mata ko. Lalo akong naiyak nang maisip n awalang sinuman ang magpupunas ng luha ko. Ako lang ang nayroon ako.

"Bakit gano'n, 'ma? Naroon naman ako tuwing kailangan nila ako. Nasa tabi nila ako tuwing may pinagdadaanan sila. Naroon ako para punasan ang luha nila, patahanin sila, i-cheer up sila.... Pero bakit 'pag ako na.... nawawala sila? Ganoon ba ako kabait? Na kahit nasasaktan din ako ay nakakaya ko silang patawanin? Ang hirap, 'ma... Paano kaya kung nandito ka? Ganito rin ba ang mararamdaman ko?"

"You can take the other car." Nagugulat kong tiningnan si kuya Cristobal na nasa tabi ko.

"P-pero ang sabi ni lolo..." Tumungo na lang ako at napabuga ng hangin.

"Oh, ma'am Alondra! Aalis na ho ba tayo?" Nginitian ko si kuya Anthony.

"Opo! Sabay daw po kami ng kuya ko pumasok." Nakangiting ani ko.

"Spoiled brat." Dinig kong bulong ni kuya, napapahiya akong ngumiti kay kuya Anthony. Sigurado akong hindi lang ako ang nakarinig n'on.

"T-tara na po kuya Anthony."

+++++
Thanks for reading!<3

Chasing StormWhere stories live. Discover now